Bakit mahalaga ang pagbabayad ng utang?

Photo: Chinkeetan.com

Kababasa ko lang ng book ni Chinkee Tan ang Always Chink +: How to inspire Yourself to inspire others.   Kasama sa aking pagmumuni-muni (reflection) ay ang alala-ala ng aking perdible, sentimiento sa paksang utang, ang pay it forward ( pagpapasa ng kabutihan) at halaga nito sa iyong financial peace or money management.

 ‪‎Life‬ is not measured by how much ‪‎money‬ you have, but how much money you wholeheartedly give away‬.

-Chinkee Tan

Small thing +  simple gesture =  Perdible

safety_pin_300pxIto ang quote na iniwan ni Chinkee sa day 9 ng  libro. Naisip ko rito ay ang Alamat ng Perdible na aking kinatha noon. Base ito sa aking personal na karanasan noong nagtatrabaho pa ako sa Ortigas. Dahil sa kabutihan na aking natanggap sa isang simple pero teribleng pagkakataon naisip ko na  palaging magdala ng perdible. Para sa iba pang nangangailangan, nais ko itong ipagpatuloy pero sa sabihin na natin na sa 50 katao na nakahingi sa akin ng perdible ay isa o dalawang tao lamang  ang nagsauli sa akin ng perdible. At take note, ang isa roon ay  isang manager na walang connect sa akin maliban sa iisang company kami ng pinapasukan.

Bagaman hindi ko naman dapat asahan na ibabalik sa akin ang perdible, maliit na bagay lang naman iyon di ba? Subalit malaki rin sana ang pakinabang noon para makatulong  pa sa iba. Malay natin na isang perdible may 5 o 20 katao nakinabang dahil sa pagbabalik nila ng safety  pin.  Paano pa kaya kung sa bawat isang hingi ay binibigyan ako ng 5 kapalit na perdible. Magagamit sana ito ng mga nahubaran sa daan, nasisilipan, mag-aayos ng damit o magkakabit ng ribbon sa damit.

Minsan pa nga kung ako na may kailangan ng safety pin ako pa ang walang magamit  at napapabili.  Pero hindi iyon, ang punto rito ay hindi ang laki, dami o halaga ng safety pin kundi ang kabutihan ng hatid nito. Kung sana lang ay maipagpapatuloy pa ito kung may kumukuha at nagbabalik o nagpapalit.

Utang is not about money, but honor and trust

Isyu sa akin nitong nakalipas na 2 buwan ang paksang utang dahil sa personal at pananalaping kadahilanan, gaya nang may mga kaibigan akong nawalan ako ng amor ( pinatawad ko naman) dahil sa hindi marunong magbayad ng utang. Hindi ko na masyado i-elaborate pero ito ang katagang sinabi ko  sa kaanak ko na nagsulsol sa akin na mag-loan with interest.

Bakit naman ako uutang na may interes eh ako nga nagpapautang ng walang interes?

Nakaka-frustrate para sa nagpapahiram na ‘yong perang pinaghirapan n’ya na kay dali n’yang ipinautang sa kaibigan/kaanak/ kakilala/ estranghero ay kay tagal-tagal o ayaw pang bayaran.  Sa akin kahit assurance lang muna na kailan yung tentative o matatagalan basta magbigay ng date at sana tuparin ito.  Ang masaklap nga lang na madalas na nararanasan ko ay kapag kailangan mo ng pera parang ikaw pa ang nangungutang sa kanila.

Alam mo ang pagpapautang at pangungutang ay may kinalaman sa money management, relationship at well-being ng isang isang tao.   Kung may nagpapautang may nabibiyaan na matupad ang kanyang kahilingan at kapag may nagbabayad ay tuloy-tuloy ang ikot ng pera. Kalakip nito ang mga magagandang katagang ‘palabra de honor,’ tiwala, at reputasyon. In fact, ganito rin naman ang usapan sa larangan pagbabangko at ekonomiya. maganda ang takbo ng ekonomiya kung iikot ang pera. Hindi ibinubulsa, kinamkamkam at alipin ng pera.

Ijayson losa sa natutuhan ko ay Jayson Lo (thru  Steps to Financial Peace conference) ay ang pagpapautang ng kung ano lamang ang kaya mong ibigay. Sinusunod ko ito sa lahat ng pagkakataon, pero hindi talaga maiiwasan yung mga taong “magaling  lang umutang. “

Sa huli tama ang sinabi ni Chinkee pagdating sa pera…

God intended money to serve men, not to be served. It is meant to meet our needs. It is meant to be enjoyed. It is meant to be shared.

By the way,  nakuha ko iyong book kasama sa Money Kit ni Chinkee. It’s a good investment for the entire family.

on Freelancing, Homebased Business and Digital Marketing

Few months ago na-blog ko  status:  freelancing   ako ngayon which  shocked my former colleagues.  Then, I also  posted that I’m also into home-based business  na good thing ay  naka-earn ng interest sa iba. Hindi ko alam yang mga confession na ganyan ay puwede na rin pa lang form ng digital marketing.

Freelancing updates

isa akong mapamimbabaw kung sasabihin ko na hindi mahirap ang freelancing lalo na sa simula especially  sanay akong full time / regular  office girl sa Ortigas at Makati.  Kapag freelancer ka, walang HR and IT department-  bahala ka sa buhay mo.  Isa kaya ako sa hilong talilong nung bagyong Glenda.

Pero siguro nakapag-adjust na rin ako.  In fact,  parang ayoko na umalis sa bahay ng hindi kailangan at it fits din sa totoong ako –KURIPOT.  Iyong mga favorite na pang-alis ko rin  ay di na  nagkukulang ( kasi hindi na ako umaalis e) at sarap lang magwork naka- short na butas-butas.  hohohoh!

Ikinasaya ko rin yung naimpluwensyahan ko yung hipag ko  na mag-freelance or work from home mom at nagustuhan n;ya rin. Pero I’m not telling you  this freelancing thing just to say na join the club ka -it’s really scary at puwedeng hindi ito ang gusto mong career path. Pero kung usapang opportunity and growth mayroon talaga.

By the way, here is my confession on my freelancing life

Learning Digital Marketing

Napag-usapan na rin lang ang growth, dito na pumapasok yung aking  chance to learn more about Digital Marketing.  Actually blogging is a form of DM but yung term na ito ay broad pa.  Naisip ko pa nga na mag-take ng course pero so far happy ako sa seminar, webinar, events  plus self study na inaatupag ko. Ganun ko rin kasi natutuhan halos ang business  though siempre iba yung may formal education.

Sa ngayon,  I’m challenged to study video , email marketing and promoting Lancaster in Cavite.  Here’s my first attempt in creating video sa Youtube.

 

baka soon I will do vlogging  ( na ito ang topic ) and podcasting ( using this digital recorder not because I want to be famous but gusto ko lang i-explore and for passion- the same idea why I do blogging for years and advocating personal finance.

helps of Home-based Business

Dahil hindi pa ako natuwa sa risk ng freelancing, sumugal pa ako sa home -based business.  Though mas mahirap itong pangatawanan talaga ( I swear), I’m glad hindi ako natitinag at napagsasabay ko. Part din kasi ito ng aking money management at personal finance. Sample?

Imbes na patulugin ko yung pera na inilalaan ko pambayad ng utility bills ay ibinibili  ko ng paninda o ini-invest ko para may lumalabas pang kita ( this is like time deposit strategy) while waiting yung due date.   In my case puwedng load retailing or Pampanga’s Best / Kettle Corn dealership Sa tindi ng market ng prepaid loads imposible na wala kang kita sa Php2,500 load wallet especially kung tatrabahuin mo, marami kang customer at walang utang.

Asa Ka… sa sarili mo please

Sa hinahaba ng panahon, kailan ko lang naipagpatuloy ang pagbabasa ng Lumayo Ka  Nga Sa Akin ni Bob Ong, in fairness timing pa ata sa labas ng  ABNKKBSNPlaKo the movie starring my fave local actor Jericho Rosales.  at sa ilang words na intro ko gusto ko lang sabihin na katulad ng mga cliche sa movies gaya ng naka-indicate sa unang book na binanggit ko ay cliche din sa buhay ng mga Pinoy pagdating sa word na asa or dependence.

Bye Wallet!The Breadwinner takes it all

Maliban sa isang tao ay disabled, senior citizen at may mental problem, bakit nga ba naidukdok na sa kokote ng karamihan na kapag may breadwinner na ang pamilya – wala ng galawan.  Madalas na nangyayari ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kayod marino (  kung nakakayod ang dagat) sa ibang bansa habang ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay laman ng malls, disco at coffee shops para gumastos.

Walang problema kung once, twice or Gaano Ba Kadalas ang Minsan eh kaso Forevermore ata ang peg na talagang kung puwedeng iabot sa sukdulan- gorah belles.  And take note, may iba na nagsasabi na “what a pleasant surprise” kapag nag-punchline na ng “Puno na ang Salop” ang pobreng breadwinner na baka ni pambili ng bread ay ipapadala pa sa Pinas.

Only You

Sarap pakinggan ng sabihan ka ng kabiyak mo na Only You or You’re My Everything pero kung pagdating  sa finances ganito pa rin ang tune. Ay wait a minute Kapeng kulang sa dip ng pandesal na mainit. Unless he / she imposes to you that you remain housewife/ househusband and your kids are totally alagain pa,  seek opportunities to boost your monthly income.   With  technologies and available home-based, sideline business gaya nung sa akin  Unified Products and Services  ( this sounds like macau – makaw-promote) ay  puwede kang kumita kahit habang  nagbabantay sa kuna, nagyuyogyog ng duyan at nagpapatugtog ng kundiman.

Sa takbo rin ng life ngayon, mahirap yung isa lang ang nagtatrabaho sa mag-asawa di ba? Iba rin kasi yung budgeting sa buwan at arawan like pamalengke, pambili ng diapers o gatas at pagpapa-load.  Wala pa dyan yung balak na house loan, kotse at insurance. When it comes to family concerns  It Takes A Man and A Woman.

Narinig mo na ba ang l8est?

Isn’t amazing, Isn’t surprising, Isn’t… kapag nasa college.  Ito yung years na nakakatikim ka na independence kasi halos iwan mo na ang pagiging teenagers at pagiging menor de edad.  Ang pipigil na lang sa iyong mga activities  ay ang delay ng landing ng allowance sa iyong mga palad.

Ito ha, secret lang natin. Minsan kapag may makakasalubong akong maangas na kolehiyala o kolehiyalo.  Ang tumatakbo sa isip ko madalas ay ” sige tingnan natin pag-graduate mo.” Call me KJ or elder Hoshi, pero once you enter sa work field revolution ang magaganap sa buhay mo.  Your latest mobile phone, tablets, fancy clothes and night life ay puwedeng maging waste of your time and savings.

Iba naman yung perception ko sa mga students na nakakasama at nakakasalubong sa business and personal finance seminars.  Nandoon yung paghanga, amazement etc.  Can I divulge this – most of them are male college students. Nowadays hindi dyahe ang mag-working student o mag-seek ng pagkakakitaan . Nakakabilib kaya yung naka-uniform pa then may hawak ng brochure at nag-aalok ( direct selling, marketing, retail, or dealership).

Independence Day

Breakaway from being asa one at least man lang sa pambili ng mga personal mong stuff. Laking tulong  yung ikaw na ang bibili ng ulam, pang grocery, libro at pang-instant coffee.  isipin mo rin na ang tubig ngayon sa Metro Manila ay hindi na lang free salok sa balon kundi de-metrong sumisirit na bayad sa gripo.

What’s your career path?

Mapag-isip akong tao na kahit sa pagtulog iniisip ko kung paano kaya ako makakatulog at ilang minuto. What more pa kaya kung usapang career? Kahit marami na akong nakakausap sa bagay na ito at marami akong nakukuhang ideya o payo, parati ko pa rin kinakausap ang sarili ko sa isyung  ito.

Hitokiri : Ano ang ipinagpapasalamat mo sa work o career mo?

Hoshi:  napa-practice ko ang pinag-aralan ko, nakakapagsilbi ako sa ibang tao, at may sweldo akong nakukuha rito.

Siyempre, may mga reklamo rin ako- sagana!  Pero nakuha kong magtagal sa trabahong (iiwan ko na ngayon) dahil sa mga sagot ni Hoshi plus yung malalim na samahan   sa aming grupo at prebiliheyo ng mga taong inugatan na sa isang lugar also known as “seniority”

Money matters? Oh common!

Hitokiri:  Ano ba ang mga gusto mong gawin para sa iyong career? Naibibigay ba ang mga ito ng pinagtatrabahuan mo ngayon?

Hoshi:  Puro ka tanong!

new philippine peso billsBagaman hindi ko  pa ma-imagine na winawalis ko ang pera  sa kuwarto ko (puwede naman ikalat ang tagbe-bente di ba?), hindi ako hypocrite  sa aim ko na magka-isang milyon bago ako mag-40. Wala akong nakikitang bad d’yan dahil pagtatrabahuan ko ‘yan at wala sa hinuha ko ang manloko o mang-apak ng tao. In fact, kung business-minded ako gusto ko magbigay ng source of income din sa ibang tao at iangat ang estado ng pamilya ko.  Pero idealist ako at hindi ako lango sa view na “pera-pera lang yan.”

Because I believe money is just an instrument to buy your needs, your wants or you desires.  But needs, wants, or desires are not equivalent to happiness.

Pero realistic din ako, I know kung gusto mong umangat sa kinalalagyan mo ngayon kailangan may gawin kang extra sa ordinaryong sitwasyon na mayroon ka.

If your income is not enough to support your needs, check your personal finance. Baka naman yung gastos mo ay equal sa dalawang buwang sahod mo? At siempre, hindi puwedeng nagtatrabaho ka lang para may makain o pambayad ng ilaw, tubig at telepono. Mangangarap ka rin ng ibang bagay ‘di ba like business, retirement, education, house and lot at iba pa gaya ng wish kong tablet.

You can’t tell me what I “really” want

grandpa's inn musical instrumentsKamakailan may nakausap ako na todo explain ng work environment na ginagalawan n’ya. Pardon me, pero ang dating sa akin ng explanation niya ay ignorante ako sa industriyang ‘yon at hindi ko kayang tapatan ang ginagawa nila.

Siguro nga hindi at wala rin akong interes na tapatan. Sorry pero alam ko kung anong challenge ang gusto kong pasukin at hindi yung challenge na patunayan ko na mali ang background ko. Kung ang background ko man ay isang mahirap at makaluma, hindi ako dapat mangimi kahit ang kaharap ko ay isang mayaman at maalam sa latest technology. Tao akong pinalaki at humaharap. Ano pa ba ang mas mahalaga sa lahat? Puwedeng mas may alam ang isa sa ganitong bagay pero hindi ibig sabihin noon na ang isa ay mang-mang na.

May nakausap din ako na pinayuhan ako na mag-stay. Ano ba ang mahihita ko sa labas? Babalik na naman daw ako sa rank and file employee and baka magre-retire na lang ako ay hindi pa ko tataas ulit?

Ganito kasi yan e.

Hitokiri: parang manghuhula siya no?

Hoshi: oo nga e, akalain mong sa bata kong ito, sabihan na kaagad akong hindi na ako magiging team leader. Puwede naman akong maging purok leader a, floor manager, chairman of the board o kaya ay chief executive officer.

Hitokiri: Iyong posisyon mo,  ma-miss mo ba? Paano ‘yan baka bumalik ka sa ibaba?

Hoshi:  Tao ang name-miss hindi puwesto at ang mami-miss ko ‘yong mga kasama ko nang ilang taon. At dun sa pagbaba , walang problema. Ang totoong  slasher star, hindi nakabase sa demand ng popularity kundi sa quality ng role na tini-take. Kung nakaka-deliver at nabibigyan niya ng justice ang kanyang role.  Kapag nagawa niya ng mahusay ang kanyang pagganap/ trabaho, sunod-sunod na ‘yan. Awards, more projects, commercial endorsements and even singing engagements.   

Ang title ay title lamang kung  hindi mo talaga feel. Kung mananalo ako na Miss Universe at hindi ko feel na maganda ako. ano yun?

read
My Work is not the whole me
sa next post ko.