umagang kay sarap

Ang hirap talagang gumising lalo na kapag malamig ang panahon.  ‘Yong kama ko parang may magnet at ayaw akong payagan na tumayo o umupo man lang. hahaha!  (Magkagayon man, ito  ang pinakagusto kong lagay ng panahon na hindi gaanong maulan at hindi mainit masyado.)

Pero dahil isa akong responsableng indibidwal (responsible daw o!) kailangan kong bumangon.  Ano nga ba ginagawa ko para matanggal ang antok ko? ‘Pag trip ko, stretching muna saka konting exercise. Padaluyin baga ang mga dugong bughaw sa aking katawan. Siempre dala-dala ko na parati ang aking cell phone para may background music naman. (Malabo na kumanta na lang ako kasi mas ginaganahan akong  mag-concert sa loob ng CR.)

Ngunit ang isang basong kape o kahit maligamgam na tubig ay pwede ng pampadilat konti sa aking namumungay na mga mata.

tuyo at itlog
simpleng umagahan - daing, pritong talong (with sawsawang suka) at noodles

Subalit, a-agree kaya kayo na iba ang umaga pag masarap ang kain ninyo?  Iyong kahit hindi mahal at magarbo ang agahan mo ay gaganahan ka. Noong bulinggit pa lang ako,  marami akong kinahiligan na umagahan.  Iyong tipong  kahit inaaraw-araw ko ang pagkain ay hindi ko pa rin pinagsasawaan.

Una na roon ay ang Taho.  Maraming nagtitinda ng taho sa amin pero may isa akong kilalang magtataho na sa kanto pa lang ay UMAALINGAWNGAW na ang kanyang boses. Hindi kaya dati siyang UMALAHOKAN sa past life niya?

Sunod naman doon ang hopiang monngo sa tindahan nina Baby Tsina.  Kahit minsan masungit si lola at ang mga apo niya sa pagtitinda sa akin, bili pa rin ako ng bili.  Minsan, naaasar din sila sa akin dahil pabaliik-balik ako sa pagbili ng tinging keso o coco jam nila. Pero pag tinanong nila kung kanino ako anak, may dagdag na iyong  hiwa at takal. Hehehe.

27-07-08_1916
Champorado and tinapa

Siempre hindi mawawala sa listahan ang all time favorite ko na Champorado.  Kahit kasing laki pa lang ata ng kit chain ang mga talampakan ko, ang layo na ng nararating ko makabili lang ng champorado.  Pero the best sa lahat ay yung luto ni Aling Guia.  Ang sarap-sarap lalo na kapag nilalagyan niya ng gatas (mas type ko pag powder).  Alam ba ninyo na astig yang si Aling Guia, nakapag-abroad na at nakapagpagawa pa ng apartment. (nakatulong yung palima-limang pisong mangkok ko. Hehehe)

Sa ngayon, ganado ako sa homemade peanut butter ni ate marivic. Pwede kong itapat  iyon sa isa ko pang favorite na peanut butter na gawa ng isang sikat panaderia ng pandesal. Dahil homemade, talagang gawa iyon sa peanut ‘di gaya ng ibang nabibili pa man din sa grocery na may halo. Hehehe.  Iyong presyo niya sulit  naman.

Pag trip nyong bumili, comment lang kayo sa akin. Para ma-try ninyo. Hehehe. Yong picture to follow.  Gusto ko lang tulungan iyang  si ate amrivic ko na umuwi ng Dubai dahil sa kailangan niyang magpa- therapy sa  likod.

Hay!  Isa pang tanong, ano ang mas gusto ninyo- sobra o kulang sa tulog? (wala makatanong lang.)