Ali Gaga

Dear Ate Jevs,

Hindi po ako Gaga as in, aanga-anga at hindi rin ako nakiki-ride on sa popularity ni Lady Gaga, kundi talagang Aligaga lang akong tao. Tipong lagi akong naghahabol ng oras, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, madalas may nakakalimutan akong bagay o tao, maramin dalang anik-anik at kung anu-ano pa na nagso-show na talagang busy ako.

Pero pag tinamaan naman ako ng topak ay tamad kung tamad ako. Kayang mag-stay ng buong araw sa kuwarto. Kung mangyari yun ay by trip lang o minsanan lang din.

Ang nakakaloka pa nito, kahit napapagod at medyo nai-stress ako gusto ko ang maraming ginagawa. Hindi yung iisa lang yung ginagawa ha, yun talagang marami akong inaasikaso. Walang lugar ang aantok-antok at pabagal-bagal. Iyon nga lang, alam ko dahil sa ganito kung ugali ay may mga trabaho akong kulang sa quality o hindi kaagad-agad matapos-tapos. Nawawalan na nga ako ng poise eh.

Pinipilit ko naman ang maging organisado at palagi akong nagti-take notes para paalalahanan ang aking sarili pero sadyang aligaga talaga ako. Hay paano po kaya ang gagawin ko?

Judith”Ali Gaga” Jones

Dear Judith,

Ikaw na ang nagsabing gaga ka ha, hindi kami. Pero ang pinakatutulong sa iyo ay ang sarili mo. Disiplina at patient, ang dapat mong matutuhan dahil malamang yan ang kulang kahit marami kang inaalam. Ewan ko ba sa iyo, ang gulo-gulo mo.

Kung wala ka naman minamadali at walang hinahabol, maghinay-hinay ka. Aanhin mo ang trabahong mabilisan kung hindi naman ito kay dahil hindi ka naka-deliver ng tama. Saka one at a time lang iha, para hindi ka mawindang at maguluhan.  Matatapos mo rin ang iyong mga gawain sa sikap, tiyaga at concentration.

Hay pati ako naaaligaga na at nangangarag  na e.

Mabuhay!

Ate Jevs

The wait is over

Hitokirihoshi’s Official statement

Finally after more than two weeks of on and off communication, nagkabalikan na kami. And aaminin ko talaga na I paid huge amount just to heal ‘yong ache and injury na nagawa ko sa kanya.

I think na-test yung pagiging “patient,” frugal and aficionado ko when I let him go. May time na kino-console ko ang sarili ko na kailangan, though I know mahihirapan and uncomfortable. Kailangan na magkahiwalay kami para makita siya  ng mga eksperto. Hindi ko kayang tugunan ang kanyang problema kahit ako pa ang may sala.

Mga one week na siyang nandun sa pagamutan, nag-follow up ako sa case niya. Ang sabi ay manggagaling pa sa Singapore yung ita-transplant sa kanya dahil walang ganun sa ‘Pinas.  Napakamot ako ng ulo nang sabihin na malaki ang magagastos sa gamutan niya pero sabi ko sige lang. After naman ikako sa quality and loyalty. Good thing, nagbunga naman yun. Now, magaling na siya at magkapiling na kami.

C siya at aHKo

Valentine’s Day

Dear Ate Jevz,

Hello po! Lagi ko pong binabasa ang inyong entry kasi nakakadagdag ng knowledge.

May ka-date po ako nitong Valentine’s Day and I’m so excited! Anu-ano po bang katangian ang madalas na hinahanap ng isang tao sa kanyang ka-date? Thanks po & sana ay may maibigay kayong mga samples.

Luis Fernado Villaescobar

Dear LFV,

Thanks sa pagtangkilik mo sa aking mga entries!

At dahil diyan heto ang mga palagay kong katangian na dapat mong taglayin.  Naglagay na rin ako ng mga sitwasyon para know mo kung ano ba ang aking pinatutungkulan.

Ate Jevz

Traits for any Valentino or Valentina

  • Patient

    Bekya: Mare, hindi ka man lang ba mag-aayos, eh date n’yo ngayon ni Bougard?

    Prospera: Okay lang no! amoy ko pa lang patay na patay na ‘yon…

    (maya-maya lumabas ang guapong asawa ni Prospera mula sa kusina)

    Prospera: (tumayo agad at inakay ang asawa papalapit kay Bekya) Bekya ang asawa ko si  Aga… Aga nandito si Bekya kaklase ko nung prep.

    Aga: Hello Bekya nice to meet you ! (nagsasalita nang hindi nakatingin kay Bekya).

    (Sa isip ni bekya: ito si Prospera, kailangan be patient  ka talaga… buhahaha!!)

    • Charming

      Undo: Pards kilala mo ba si Simang yung magandang  tindera sa kanto?

      Enok: Oo naman pards, di ba iyon iyong kamukha ni Natalie Portman?

      Undo: tumpak. Pinag-iisipan ko kasi kung ano bang magandang iregalo roon para mapapayag ko na makipag-date siya sa akin. Alin ba okay, tsokolate, rosas o alahas?

      Enok: hmmm tingin ko alahas na lang bilhin mo.

      Undo: bakit naman pare?  Mukhang hindi naman materialistic yon.

      Enok: tange ang bilhin mo yung charms and crystals ni mayor lim este ni Joy Lim para may gayuma… para patulan ka. Lakas mo rin no!

        • give Time & Effort

          Hilary: Nakakainis ang mister ko.

          Barak: why? Wala bang time for you?

          Hilary: hindi naman, ipagluluto nya  nga raw ako sa Valentine’s Day

          Barak: eh ganun pala e, ano problema sa kanya?

          Hilary:  eh sobrang busy raw niya, baka magsalo na lang kami sa NO Cook noodles para maka-save ng time. Grrrr

            • Respect

              Toring:  ano balak mo sa girlfriend mo this Valentines Day? Ko-Quota na ba?

              Dominador: naku hindi ko na iniisip ‘yan pare, tama na ang mag-holding hands kami.

              Toring: Cammon Dom, ‘wag kang patawa eh knowing you… holding hands..tsk tsk

              Dominador: eh yun lang naman ang safe sa kanya eh. Nanood kami ng sine hahalikan ko sana eh umutot.  Nung yayakapin ko sana dun sa bus, umutot.. at eto pa… nung pumunta kami sa motel, nagtae. Terrible pare ang baho!!!

              Toring: ah ganun ba, irespeto mo na nga lang kung  ano ang gusto niya. Tsk tsk.. you’re such a loser Toring! Losher losher

                • Cooperation

                  Jerap: Darling, saan tayo magdi-date sa Valentines Day? Gusto mo sa Hundred Islands, Tagaytay o Palawan?

                  Glori: Wala akong gusto sa mga binanggit mo.

                  Jerap: Bat saan ba ang gusto mo?

                  Glori: aba bago ka mag-isip kung saan tayo magpunta eh isipin mo muna ang ibabayad mo. Lintek ako laging taya sa mga date natin, ikaw naman no!

                    • Devoted

                      After their Valentine’s Date

                      Tina Pie: Sweetie Kaninong bahay ito?

                      Gimme: Sa parents ko, ipapakilala na kita (pasok sa bahay)

                      Tina Pie:  (bulong) wow naman sweetie, nakaka-tense naman pero thanks I’m glad.

                      Ina ni Gimme: welcome iha sa aming mansion! Sana ay wag kang mahiya sa amin halika rito. (niyakap si Tina Pie) alam mo ba maipapagmamalaki ko ang pagiging devoted niyang anak ko na yang si Gimme.

                      Tina Pie: oo nga po feel ko po ‘yon.

                      (Biglang naglabasan ang buong angkan ni Gimme…)

                      Gimme’s clan: devoted din siya sa amin, may pagkain kami this valentine’s day… Sugod mga Twilighters!

                        • Trust

                          Dawson: Do you trust me?

                          Rose: I trust you

                          (ano ginagawa nila habang nagdi-date? Continuation…)

                          Dawson: Rose di ko na mapigilan!

                          Rose: kaya mo yan… mahal mo ako di ba.

                          Dawson : ang gaga mo naman kasi, bat ba pinasok-pasok mo ako sa bar  na ito. eh daming guaping…. May pa-test-test ka pa diyan. Ayoko na,  di ko na kayang magpa-mhin…  (takbo)

                          Rose: jack, come back- come back!!!

                          rose!
                          rose!