Sensible Diversion

Siguro may ilang beses ko na rin sinabi, kung anu-ano ang dahilan kung bakit ko napagdesisyunan na mag-blog at kung bakit ang haba-haba ng blog name ko hahaha! And so far naman, eh I’m so glad sa pangangalikot at paglilibot ko dito sa Hoshilandia kasama ng aking mga online buddies, regular visitors, regular columnist (si ate Jevs…hehehe) etc, etc.

Pero siempre ang talagang nagpapasaya sa akin ay ang true essence ng blogging – ang malayang pamamahayag. Sari-saring ideya, paksa at kalokahan ang napo-produce (teka baka magbalik na ang Pupu series… may excited ba?).

Karagdagan pa d’yan sa mga kasiyahan na ‘yan ay nang makapag-contribute ako ng mga articles na mula mismo sa aking three entries dito.  And take note po, hindi lamang po ito for local newsletter kundi pang international magazine pa, saya da va!  Of course may konting rewriting & editing na naganap especially in English yung sa magazine.

sensible-diversion-1b
hitokrihoshi 1

1.Mula rito… ito na ->

sensible-diversion-2b
hitokirihoshi 2

2.mula rito…   ito na ->

3.mula rito… ito na ->

hitokirihoshi 3
hitokirihoshi 3

Thank you nga rin pala sa mga opismit ko na na-a-appreciate & nag-suggest na gamitin ko ang mga posts na ito at sa EIC nung magazine siempre… From medyo kalokohan na entry naging formal article ito…

Mabuhay!

So, what’s the latest?

NAA-AMAZE ako sa sarili ko dahil hindi na ako gumon (addict) sa TV. Dati kasi from 5 am to 12 midnight ay halos alam na alam ko ang mga programa sa dalawang nag-uunahang TV Station sa bansa.

Naalala ko pa na kahit mga kuya kong maton, napapatiklop ko ‘pag talagang nagagalit na ako dahil hindi ako makapanood. Nung grade 3 naman ako, pinaghahanap ako minsan nina Manang Juling at Bestfriend, hindi pa kasi ako kumakain at umuuwi gayong mga 9pm na noon. Iyon pala ay nakikinood ako ng TV sa kapit-bahay namin. Madali lang naman ako Makita eh meron akong watching position.

Dahil din siguro sa kapapanood ko may alam na akong mga mature topics. Nakakapanood na rin kaya ako ng “Melrose Place” at “Baywatch” noong grade 3 ako. Tas siempre damay pa diyan iyong kailangan ko munang manood ng news bago ‘yong primetime programs. Kaya nga noong mga panahon na ‘yon ang katsika ko na ay iyong kapitbahay naming na Magna Cum Laude (masabi lang no!? hahaha).

Noong high school kung ‘di ko tinatakasan ‘yong service namin, ay nagpapagabi ako ng uwi. Nakikinood pa kasi ako sa mga kaklase ko. Kasi kung uuwi ako kaagad hindi ko maabutan ‘yong pinapanood kong anime. Tas iyon na nga, dahil sa isang palabas nag-cutting ako sa klase, nagbiyahe pa sa Maynila mula QC, humahangos palagi para makauwi at siempre nagpupuyat ng todong-todo. May time pa nga na wala akong social life dahil mas gusto kong kaharap ang TV kaysa tao.

Teka, kailan nga ba ako nawalan ng gana manood ng TV. Sa pagkaka-alala ko, nagsimula iyon nung maging ratings conscious ang dalawang istasyon. Kasi dati kung magpaparinigan sila, minsan lang sa isang araw eh na-addict ata , pataasan na ng ere per gap. Malaking factor din na busy ako sa work.

Siguro in a way naging healthy naman ang naging bunga noon, kaso parang nakakaumay, daig pa ang commercial. Magkagayon man, nagamit ko naman ang pagiging addict ko sa TV sa maraming pagkakataon sa aking karera.

Basta for me, pagdating sa entertainment and acting, mas magaling ang Kapamilya and kung news, special effects (telefantasya), creative gimmicks doon naman mahusay ang Kapuso.

Whether, nag-mature na ba ako o naiiba na ang hilig ko, malaking ginhawa talaga na hindi na ako ganun ka babad sa TV (naku aayon malamang si Manang Juling dito hahaha). Marami pang bagay akong nagagawa na mas nakakaaliw at kapaki-pakinabang.

Wala lang

Hinangad mo, pinagbuhusan ng panahon at enerhiya pero parang wala lang

Pinag-ipunan , ipinagpalit sa mas importante subalit nawalan ng halaga

Napagmamasdan at mahahawakan pero hindi maaaring mapasaiyo.

Malimit sa simpleng trip nanggagaling ‘yan

tapos makakahiligan at yon mapupunta sa pagkahumaling

madalas sa minsan, nabibigyan mo ng rason kung bat mo nagugustuhan ‘yon

pero panaka-naka iisipin mo na sa totoo lang wala ka naman talagang mapapala

subalit dahil ‘yon ang hinahanap ng mata mo at ‘yon ang type ng puso mo

eddie go, bahala na si Batman

Gaya ng isang palabas na pumapalo ang ratings at lumalaylay ang istorya

na depende na sa mga manunulat o manonood kung tutukan pa ito

dadaan din ang punto na mapagtatanto mo na tama nga ba ang ginagawa mo?

dapat nga bang pag-ukulan ng pansin ito o nagsasayang ka lang ng oras?

Sa bandang huli masasaktan ka ba o di kaya’y makaapekto sa iba?

Kahit ikaw ang klase ng tao na praktikal sa buhay

sinisikap na bigyan ng silbi ang bawat sentemong lumalabas sa iyong bulsa.,

o indibidwal na nagpapakaperpekto, parang abnormal na rin kung minsan

kung wala kang ginawa na parang wala lang, hindi ba?

Pero bilang tao na may lohikang sinusunod, alam mo na hindi pwede,

hindi laging dapat ganoon at kailangang balanse ang mga bagay.

Masarap ang sumubok o makipagsapalaran pero hanggang kailan nga ba?

Kapag pati ikaw hindi mo na rin alam kung wala ka na sa direksyon?

Bat kaya sa una pa lang ay hindi mo na pinigilan ang sarili mo?

Alam mong may mas importante at may dapat na asikasuhin

Pero bakit nag-uukol ka pa sa aspetong wala ka naman

inaasahang kapalit o mahihita?

Parte nga ba ng pagkatao mag- trip, magmukhang tanga at maging ewan?

Ba’t ako magba-blog?

At bakit naman hindi?

  1. may paglalabasan ako ng sama ng loob
  2. maku-kwentuhan ng mga istorya ko sa buhay
  3. baka gumana ang pagiging creative ko
  4. para in ako sa  mga friends ko. Lahat kasi sila mayroon na ako na lang ata ang wala.
  5. nahihilig na rin akong magbasa, eh di dapat magsulat na rin. Soon baka pwede na ring magsalita.
  6. baka may mabingwit akong additional friends
  7. para makatulong ako sa mga nawawalan ng ideas
  8. para pag wala akong testi sa friendster at multiply, eh may pagbubuntunan akong iba.
%d bloggers like this: