R.I.P. Daddy

Dear Ate Jevs,

May nabuo akong prinsipyo na imbes na maghimutok ay ipagdasal na lamang ang mga yumao. Ewan kong may matatamaang paniniwala iyon pero tingin ko mas maiigi na ang ganoon. Alangan naman kasi every time na masasaktan ka ay ibubunton mo sa taong wala naman diyan o lagi mong itataya sa lotto ang numero ng kanilang kapanganakan etc. etc.

Pero kapag Nov. 1 or 2 nakikisama naman ako sa tradisyon ng mga kamag-anak ko. Iyong padasal at konting paghahanda.  Kasama sa buong angkan na ipinagdasal namin ay ang yumao kung Daddy. Halos 17 years na rin siyang patay at masasabi kong unti-unti ko ng nakakalimutan ang kanyang itsura kung hindi lang sa mga lumang larawan namin.

Medyo madrama ang mga eksena ng aking kabataan at kasama siya sa highlights.  Hindi ko na ikukuwento ang mga ‘yon kasi gusto ko ng ibaon sa limot ang mga pangit  at gusto ko na lang itira ay  iyong ang masasayang alaala.

Sa aming apat na tunay magkakapatid, dalawa sa amin ang maki-ama, ang isa deadma at ako, bukod sa ina ko na lang ang nakasama ko simula’t sapul, ay masasabing maki-nanay. Subalit, siguro sa konting makakayanan ng aking Daddy ipinadama naman niya sa akin noon na espesyal din naman ako sa kanya Wala akong naalala na pinalo niya ako, bagkus aawayin niya sinuman na gagalaw sa noo’y very soft and delicate kong negrang skin.

Aaminin ko na may time na nagkaroon din ako ng hinanakit. Maraming akong tanong na alam ko rin namang ako na lang din ang sasagot kasi wala na nga iyong gusto kong tanungin.  Naka-move on naman ako at nag-mature na.

Nung kumakain na kami sinabi sa akin ni insan na noong nabubuhay daw iyon, daddy’s girl daw ako. Sabi ko, hindi ko matandaan na naging masyado akong malapit sa kanya.  Sagot niya, lagi daw akong kinakarga noon ‘pag nasa bahay. Alam mo Ate Jevs, na-move ako roon sobra.  Mas nakikilala ko siya sa salita at sa mga kwento ng mga taong lagi niyang nakasalamuha noon.

Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit sabihin nating paranormal, parang siya pa ang hindi nakakalimot sa akin. Nagpakita pa nga siya sa akin sa panaginip nung magtapos ako sa pag-aaral. Wala siyang sinasabi roon pero nakukuha ko ang ibig niyang ipakahulugan na binabati niya ako at masaya siya. Kinakamayan niya ako pero nung iaabot ko na sana ang aking kamay nasabi o naisip kong patay na siya. Hindi naman niya ipinilit kundi ngumiti lamang siya saka lumabas. Actually, hindi ko na ini-expect na makita pa siya kahit sa panaginip.  Pero kung totoo iyon, mas masayang-masaya siguro ako.

Sa November 9 ang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ang kanyang puntod ay nakalagak sa sementaryo ng lugar kung saan siya nagbinata, nag-asawa at namatay. Sa totoo lang, halos wala ng espesyal ang bawat punta ko roon. Ni hindi ko na nga gustong puntahan ang bahay nila roon, ang nais ko na lang gawin ay ipagdasal siya na sana maging mapayapa at masaya siya saan man siya naroroon.

Nene Saltiq

Dear Nene,

May tma k nga n mdmdamin ang iyong letter. Kulang na lang ay hingin q rin s ktabi q ang tissue n’ya (btw, nsa coffee shop ako while reading your letter sa aking laptop) dahil sa pagsirit ng luha ko.

U know what, nhhirapan me n mag-comment.  But 4 me, tama ka na maigi na maalala mo ang mabubuti at masasayang bagay kaysa pangit.

Mabuhay!

Ate Jevs