hitokirihoshi, interrupted

napanood ko na ang girl, interrupted at dahil dyan napaisip tuloy ako kung bomo-border na rin ako sa pagiging eng-eng. at ito na nga ang naisip kong mga ma-aning-aning kong katangian:

  • nasabi ko na di ba na mas gusto ko ang mag-aral/mag-work sa medyo magulong mesa? pero dapat ako ang nagkalat doon. parang ano kasi napi-feel ko na may laya ako at walang anu-anong dapat intindihin.
  • in general, ayoko makinig ng old songs kahit  about love pa ‘yan o hindi. lalo na dati kung puwedeng isara yung stereo/karaoke ay gagawin ko. basta parang dinadala kasi ako nito  sa  malungkot na past na kahit wala pa ako sa mundo noon. na-overcome ko naman siya medyo, wag lang yung hate ko talagang kanta.
  • hindi ako basta-basta nagpapa-picture. lalo na sa bagong kakilala o hindi ko ka-close, huwag ka ng umasa na magpa-participate ako sa kodakan.  Siguro dahil ito sa isang kwento sa akin noon  na may nangkukulam daw gamit ang litrato.
  • napaka-sensitive o paranoid ako sa mga public places. ayokong nakakarinig  ng mga bulungan o palihim na tawanan. Malayo nararating ng imahinasyon ko noon.
  • gusto ko laging may time ako sa sarili ko. at madas kong past time pagkasama ko ang sarili ko ay ang interbyuhin ang sarili ko at mag-monologue. minsan natatawa naman yung sarili ko sa ginagawa niya sa sarili n’ya. hehehe

Paranoid

Bago ang lahat condolence muna sa family & friend ni Francis Magalona!

Go!

Lalo atang lumala ang pagiging paranoid (exhibiting or characterized by extreme and irrational fear or distrust of others) ko, especially at maraming news about sa iba’t ibang sakit.

plpa0124Nung bandang January magkasunod na nagkasakit sina Pauleen Luna at Angel Locsin ng Dengue. Dahil second time na nila ‘yon, parang imbes na ma-immune (akala ng iba, immune na kapag nagkaroon) ay mas malala ang naging lagay nila. Halos pareho silang nabingit sa kamatayan. Hindi ako natatakot dahil kasi pareho kaming magaganda (charot!), kundi dahil nagkaroon na rin ako ng dengue before. So like them, ‘pag nagka-dengue ako pangalawa ko na rin yon.

One week akong na-confine at naka second stage na ako noon. Konti na lang ata third stage na (‘yong nilalabasan ng rashes.) O nga pala ‘yong forth, ang pinakamalala o final stage, iyon naman ‘yong nilalabasan na ng dugo sa saan mang trip lumabas noon. May kapit-bahay kami in one week, patay! (nanakot talaga di ba?) So takot pa rin si ako. Ang hirap pa sa gamutan ng sakit na ‘yan ay every six hours kinukunan ng dugo. Ganda ng tulog mo eh, bigla kang tuturukan ni Nurse.

Actually, nung bata ako sakitin ako talaga. Pisngi ko lang ata ang di pumapayat. Kahit na anong vitamins na ipinainom sa akin ni Manang Juling, wa epek. Hirap pa naman lunukin nung iba na ang lalalaki ng capsule. Busog na busog na rin ako sa tatlong kutsarang kanin at isang maliit na mangkok na ulam. Siguro, ang maganda lang na naidulot ng pagka-confine ko ay mas naging healthy ako pagkatapos. Tas ‘yon nagkalaman na ako.

Last year naman, si Ex. Pres. Cory Aquino na-diagnose na may colon cancer. Kasama na siya sa listahan ng mga celebrities na dinapuan ng sakit na ‘yan like Rio Diaz, Chat Silayan, Jun Encarnacion at Joey Albert (na may isa pang cancer before) Eh sa ganda ng eating habit at digestion ko, natatakot din ako.

At eto na nga ‘yong kay Francis, ang leukemia. Dati yang sakit na yan, maganda lang gawing problem/conflict sa mga telenovela. Eh this time totoo na siya, so ako naman… napa-paranoid na naman. Last month binalingoyngoy ako kahit maghapon ako na nasa office (may aircon naman kami no), tapos hmmm may month na … at  nagkaroon ako ng malaking pasa as in bukod pa sa ibang maliliit. Pero bini-blame ko naman ‘yan, sa aking pagiging mutant sa bahay. Ewan kong masyado lang ako natatakot sa mga bali-balita. Pero I know na kailangan na maging aware ako sa impormasyon, magandang lifestyle at good diet. Good thing lang talaga, wala akong bisyo maliban sa pagkakape.

Ang isa pang bahagi ng pagiging paranoid ko ay sa tao naman. Lalong lalo na sa mga matataong lugar, may konti akong masagi o matabig, tinitingnan ko mabuti or pinakikinggan ko kung may sasabihin. Baka may sabihin against sa akin e. Hindi ko naman aawayin (hindi naman ako war freak no!) basta tinitingnan ko lang. Tas pag napatunayan ko, saka na ako gumagawa ng action.

Ito sample, sumakay ako sa isang magandang bus. Kaso nga lang ‘yong inuupuan ko mismo medyo umuuga. Maya-maya napansin ko, panay kislot ng katabi kong Ale na parang nasa 40-50 years old na ang edad. Medyo iniiwas ko ‘yong katawan ko sa kanya pero di ba ‘yong upuan ang may problema at hindi ako. Eh panay ang kislot, ‘yong galaw na hindi mapakali na tipong nakaka-distract na talaga para sa akin. So nilakasan ko ang loob ko na tingnan siya ( pag matanda talaga sa akin, lahat ng pagtitiis ginagawa ko, respeto na lang baga) para sabihin na yung upuan ang may problema kong nirereklamo nya ang pagbangga ko sa kanya.

Ay sos si Ati, nakikinig pala ng mp3  at bigay na bigay pa sa pagkanta ng “Crazy for you” Pastilan!