Estudyante Combo Meal

May pera naman ako kahit papaano

Pero aaminin kung kukulangin na rin

Kaya ang kinailangan kong gawin…

Kumain ng tatawagin kong

25-09-09_1316“ESTUDYANTE MEAL” = Lumpia (P12) + Salted Egg (P9) + Rice (P5)

Nakamura ka na (P26 lang), busog ka pa. Hmmm naalala ko tuloy ang mga pinagkakain ko noon sa school

Grade school:

Meal  1. Zesto (Hi-C!) + Sandwich

2. Palamig + banana-cue / camote cue

3. Soda + Chippy ( o kahit anong junk foods)

4. Ice tubig + 2 pisong pan de coco o spanish bread

High school:

Meal 1. soda + brownies

2. tubig + tokneneng + rice

3. soda + spaghetti

4. ulam + kanin + tubig ( yes asensado na)

College:

Meal 1. anim na pirasong quail eggs (kapalitan ng kikiam) + gulaman

2. P10 cheese or sweet sour French fries + hot dog on stick +  soda

3. footlong (kahati ang isang kaklase) o crinkles + mango shake (promise favorite ko ito!)

4. ulam + kanin + dessert (ito ‘pag kinakailangan sa pakikipagsosyalan)

5. Mcdo Value Meal 7 (pag walang sundae, naka upsize ang french fries at drinks)

Note: Proud akong sabihin na minsan lang ako magkanin sa school. Kaya kong hindi kumain ng kanin sa tanghalian o kahit sa buong isang araw

Wahhhh tipid-tipid!

Dolor’s kakanin and my favorite sapin-sapin

Siguro naman alam na alam n’yo na kung gaano ako katakaw sa kakanin.  And after Nena’s Special Bibingka (by the way nakita ko na yong no. nila – (02) 911-25-78 at exact address – Gen. Romulo St. Socorro  Cubao, Q.C.) gusto ko naman ibida ngayon ang Dolor’s Kakanin kung saan mabibili ang sapin-sapin na akin ding favorite.

Dati takot akong kumain ng sapin-sapin dahil sa isang kwento na aking napanood sa Batibot. Iyon ay tungkol sa isang planeta na gawa sa pagkain.  Lahat ng bahagi at bagay doon ay gawa talaga sa masasarap na pagkain.  Biruin mo ‘yong lawa nila ay gawa sa juice then ‘yong mga bahay eh gelatin. Ang maganda pa eh sa pagkakatanda ko ay clay animation ang pagkaka-present kaya paniwalang-paniwala ako.  Eh tapos yung daan dun gawa sa masarap at makulay na sapin-sapin. So feeling ko naman, pag kumain ako ng sapin-sapin ay kumakain ako ng kalye. At magiging isa akong dahilan para magunaw ang mundo.

Sa pagkakaalala ko ang namayapa kong Tito Julio (dabarkads ni Daddy) ang unang nakapag-present sa akin ng Dolor’s kakanin. Talagang  ‘di ko tinantanan yon hanggat di nauubos (oh ‘di ba talagang ginaya ko rin yung mga tao sa kwento sa Batibot).  Tapos may dati akong kasama sa trabaho na iyon din ang hinanda noong birthday niya kaya lalo akong nahumaling sa sapin-sapin na ‘yan. Talagang sinabi ko sa sarili ko na ‘pag napuno na ang salop ay babangon ako’t bibili ng dolor’s sapin-sapin saan mang lupalop ‘yan ng Metro Manila.

Nung 2007 nagbalik-bayan ang  pamilya ng ate ko from New Zealand, naisip ko iyon na ang perpektong pagkakataon para makabili ng Dolor’s Sapin-sapin. For them and for me hahaha, heal the world!

dolors-kakanin-storeKayag-kayag ang isa kong ate, kahit inabot kami kun saan-saan noong araw ng bisperas ng Pasko ay ‘di ako nagdalawang-isip na lumuwas sa Monumento, kasi ‘yon lang ang alam niyang may dolor’s.  kaya sugod ang mga alagad ni Dora!

Hindi naman ako nabigo, kasi nagustuhan ng mga taga-new zealand ‘yong sapin-sapin and like me, parang nakipagkarerahan silang ubusin ‘yon. Para bagang mapapanis ang ibang food sa aming noche Buena pero ‘di ‘yon.  Pero, alam n’yo ba kung ano ang inuuna kong kunin sa makulay na part ng sapin-sapin, iyon ‘yong kulay ube. dolors-sapin-sapinGrabe, sarap na sarap ako roon, tas next priority ko na ‘yong kulay white na makulaya ang ilalim.  Hehehe sorry pati sa pagkain ng sapin-sapin may mga priorities and favoritism din ako.

Nitong nakaraang media noche namin, naglakas loob akong lumuwas (luwas talaga noh!) ulit papuntang Monumento kahit ako na lang mag-isa, traffic, wala ng masakyan, at puro paputok na. Napanood n’yo ba yung “Kung Fu Panda”? Feeling ko, ako yung bidang Panda na si Po na natalo ang kontrabidang tiger, dahil na motivate ko ang sarili ko na ‘yong golden scroll ay ang paborito kong sapin-sapin. Watahhhh!

And again winner ako ulit dahil ‘yong mga umuupo sa lamesa namin ay sapin-sapin ko talaga kinukuha. Medyo may mga time lang na napapabaling din naman ako sa dalang moron (suman ng mga waray) ng auntie ko, sarap din kasui eh. Ang siste lang ay may nagtanong kung bakit wala na ‘yong kulay ube at bawas na kaagad ‘yong kulay white.  Queber, ako bumili kaya ako mauuna noh!

Bukod sa sapin-sapin ay may iba pa namang kakanin na paninda ang Dolor’s.  At mayroon din naman pala silang ibang branch na malapit sa amin. Kaya sa susunod hindi na ako kailangan makipagpambuno papuntang Monumento.  dolors-kakaninPara sa iba pang detalye ng Dolor’s kakanin click n’yo na lang ‘yong kuha kong larawan.

Mabuhay ang pagkaing Pinoy!