Thanks 4 d hits!

Ayoko sana mag-post pa ng panibagong entry kasi masaya pa ako sa pagse-celebrate (virtually) ng dalawang taon ng Hoshilandia. Actually may gusto pa nga akong idagdag sa aking second official statement, so pakibasa pa rin po. Kaya nga lamang ay hindi ko mapapalampas ang bagay na matagal ko ng napapansin.

Palaging may hits ‘yong post ko na Bi-day ni Nanay (a Hoshi’s monologue). Ikako baka naman may nag-aaral ng monologue or whatsoever tapos ang bumubuluga ay iyon na ngang post. Nakakatuwa lang na na-notice ko na simula ng mailathala ko ‘yon ay halos palagi na siyang part ng top posts ko every day.

Thank you po sa mga nagbo-view! Ang monologue na ‘yon ay hindi lamang basta kinatha kundi may bahid talaga ng katotohanan. Siempre pa!

thank u sa paghahanap
thank u sa paghahanap

Nakakatuwa lang ngayong araw na malaman na talagang ang mismong piece ko na pala talaga ang binabasa o sini-search. Nag-iisa ka man o marami kayong bumabasa noon, maraming salamat sa pagbabasa!

Naniniwala naman ako na bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang linya sa buhay at magandang ipahayag sa paraang masining o punong-puno ng passion.

Mabuhay!