Old but need love

Kaintindi-intindi na maging magiliw tayo sa mga babies. Sino ba naman ang hindi lalo na’t ang cute-cute at ang bibo nila? Ngunit, alam din natin na kaakibat ng kanilang pagiging bata ang kanilang kakulitan at pagiging pasaway. ika nga kanya-kanyang phase ng buhay ‘yan. Lahat tayo nanggaling dyan at  may patutunguhan din tayo sa bandang huli kung ‘di tayo maagang matitigok sa earth.

Nalulungkot ako minsan na makita ang mga matatanda na namamalimos sa daan. Nasa’n ang kanilang mga anak na kanilang pinalaki at inarugaan noon, ngayon naman na sila naman ang nangangailangan. Maaaring alagain sila, pasaway at kailangan gastusan pero hindi ba’t ganun din naman ang tiniis nila nung sila pa ang malakas at nag-aalaga.

Actually masakit na siguro sa isang matanda ang iwanan sa isang home for the aged pero mas masakit naman siguro kung hayaan silang magpalaboy-laboy sa daan. Hindi sila baliw para mawalan ng katinuan, ang sakit na kanilang nararamdaman ay nakikimkim na lang sa kanilang puso’t isipan. At marahil, hinihintay na lang nila pumanaw na lang at baunin ang masasaklap nilang ala-ala sa mga huling sandali ng kanilang buhay.

May kilala akong matanda. Inako na niya ang mga apo na hindi naman niya direktang kadugo. Pinalaki, pinakain at hanggang sa makakaya ay pinilit na mapag-aral ang mga ito. Iyon nga lang sadyang hikaos din sa buhay. Dumating ang araw na nagsipag-asawa na ang kanyang mga inakong apo. Kinupkop pa rin ang mga sari-sariling pamilya nito.

Ang masaklap, binigyan niya ng kabuhayan hindi pinagbutihan. Bagkus ay “winawalanghiya” (sorry sa term) pa s’ya nito. Nagbabayad pa siya ng utang para sa kabuhayan na ‘yon, ni wala ng inaabot sa kanya at palugi na. Nung tuluyang mawalan ng trabaho, sa kanya pa humihingi araw-araw ng pera ang kanyang apo. Ang paghingi ng perang iyon ay tila obligasyon pa sa kanyang parte. At wag namang sanang hina-harass na siya.

Pati ang manugang niya sa apo ay magaling din. Ang utos n’ya na pambili ng gamot ay wala ng balikan ng sukli. At ang laman ng kanyang pension buwan-buwan ay nasaid dahil kinuhanan na di umano ng kanyang apo sa tuhod. Ang sabi nawawala raw ang ATM ,‘yon pala kasama sa nawalang ATM card ay ang pambili nila ng pagkain at gamot na mag-asawa.

Isang araw narinig ko naman sa kwentuhan ng kanyang mga apo sa tuhod na baka sipain siya ng isa roon o tisurin dahil nagsumbong sa ibang tao. eh hindi ko na natiis. Sabi ko isumbong ng matanda sa akin kung sipain siya at ako ang sisipa sa apo niya sa tuhod palabas ng bahay nila. At sinabi ko ‘yon sa mismong harapan ng apo niya sa tuhod.

Hindi ako mabuting anak at madalas nasasagot ko nanay ko. pero di ko maaatim na mamura yon o saktan man lang.  O kahit ng ibang tao na gawin sa kanya ang mga bagay na ‘yon. Parang kahit siguro fault ng nanay ko ay susugurin ko pa rin ang kaaway niya. At ganito rin naman ako sa ibang matatanda, handang magpasensya. Respeto lang!

Buti pa ang MRT may priority coach,

buti pa ang mga fast food restos may lane for elderly

eh sa ilang mismong tahanan nila walang pasintabi

tamaan na ang tamaan!

graceful exit…

Death… one thing na kinatatakutan at nagpapalalim ng isang usapan…kahit dadaanin ka sa biro ng kausap mo. …pihadong tinamaan din ‘yan.

que mahilig tayo sa local films or hindi natin favorite celebrity si Rudy “Da Boy” Fernandez, I think because of the coverages ng mga local tv stations sa lamay, libing, at madalas na pagpi-feature sa mg nagawang movie and personal information niya… in someway na-move din tayo ng kanyang istorya… actually na-meet ko na siya in person at nabati pa niya ako noon ng happy birthday… typical lang ang reaction ko doon (yon yong tumatakbo siyang mayor)… ibang-iba sa ngayon na wala na siya… sad man… I think happy na rin ang kanyang pamilya dahil at least now, rest in peace na siya…

Bago pa man ang mga eksenang ito… weird na laging ang topic na kamatayan ang napag-uusapan o nababalitaan ko… first na nga diyan yong pagyao ng best friend ng daddy ko na si tito Julio. cancer sa tuhod o buto ata ang ikinamatay niya… nasabi ko na… na hindi ko masyadong napagkikita si tito pero madalas sa mga pagkakataon na nagkita kami ay nagiging memorable…masaya ako na nasabi ko sa anak niya na si kuya athan yong special moment ko with tito… yon yong nanood ako mag-isa ng “lion king” sa sinehan at nakaupo ako sa sahig dun sa balcony. Dumating siya at tinabihan ako… feeling ko siya si Daddy… kasi dinamayan niya ako habang umiiyak dahil kay Zimba.

Then nitong buwan … sumabay sa akin ang isa kong kapatid papuntang ortigas…malapit na kami sa highway ng iinda niya ang rayuma niya… na nakakabigla for me kasi 29 lang siya. Kahit parang medyo pasaway itong brother kong ito eh iba yong naramdaman ko nung sinabi niya na “siguro 50 pa lang tigok na ako.” Tas nakita ko na nga siya na paika-ikang maglakad.

Tas noong nakausap namin nina leng-Leng at Avi Liza ang isang negosyante from Marikina… na habang nagkukwento about sa pagkamatay niya ng 5 segundo noon… at narinig raw niya ang dalangin ng mga taong nakakakilala sa kanya at maging ang dasal ng kapatid niya na mamatay siya…. ay namatay naman ang kaibigan ng kuya ko sa edad na 30 dahil sa atake sa puso.

Nakita ko na rin ang sarili kong patay… siempre sa panaginip… maaaring nasa hospital ako habang naghihingalo at nalagutan ng hininga o nasa loob ng kabaong etc. Naramdaman ko doon kung paano maging kaluluwa at tingnan ang katawan ko na iniiyakan ng mga tao…

Tatlong bagay ang pumapasok sa kokote ko ngayon…

Una…maituturing na graceful exit ang pagkamatay dahil sa sakit dahil naihanda mo na ang sarili mo pati na ang mga tao sa paligid mo. Mas masakit naman tanggapin ang mamatay dahil sa aksidente o krimen…parang walang katahimikan iyon…

Pangalawa…yong pag- appreciate sa mga bagay nadama mo habang buhay ka pa… kahit simple basta masaya… kahit mumurahin, astig ang dating…di man mayaman, malaya naman… life is a constant change di ba?… maaaring sikat ka ngayon, laos ka na bukas… maganda ka ngayon, tadtad ka ng tagyawat bukas… feeling high ka, then sa makalawa nasa kalaboso ka o mental…. Tali-talino mo tas nagkaroon ng amnesia… mayaman pero may Parkinson’s disease…

Pangatlo…gumawa ka ng bagay ng maganda hanggat may chance ka pa…yong tipong kahit nasa tumba-tumba ka’t gurang na eh masaya ka kasi wala kang pinagsisihan at wala kang nasaktang tao. Aba alangan namang saka ka magtsa-charity work eh kung multo ka na lang…

Ako lagi kong idinadalangin yong recovery o pag-move on ng mga taong naiiwan kasi alam kong mahirap yon at paggabay naman ng Panginoon sa mga namatay o sa kaluluwa nila. ..