What is Your Future?

May silbi ang figures of speech at hindi puwedeng mawala ang synonym para ma-explain mo ang isang bagay. Pero maiku-compare mo man sa isang hayop, bagay o lugar ang isang tao, hindi ito masasabing kasing accurate tulad ng iniisip ng karamihan. Hindi natin basta maipipilit ang ating paniniwala sa isang taong may sariling pinagdaanan, paninindigan at mga pangarap. Para yang thumb mark, may unique pattern at unique identification.

rica and the candlesdriven by emotion

Minsan ko nang naitanong kung ano ang mas matimbang-pag-ibig (love) o galit (anger) para ma-motivate ang isang tao para gumawa nang malaking hakbang sa kanyan buhay.  Although it is ideal and natural na sabihin na dapat love, hindi nakaka-surprise na may magsasabi ng anger. Because it is true, hindi lahat ng bagay ay sweet at imposible rin naman na walang facial expression ang taong nakatakam ng bitterness. Hindi ako pumapanig sa taong magsasabing ang taong pinangungunahan ng emosyon ay hindi nagtatagumpay.  Hindi lahat ng nagpapakasal ay dahil sa pera at maraming successful entrepreneur ang naging matatag dahil ang kanilang pinanghahawakan ay ang kanilang pagmamahal sa kanilang ginagawa. Ano ba ang passion? Bagay na walang buhay? eeeeekkkks!

Maaaring nakakasira ang emosyon sa konsentrasyon kung ito  ay hindi hahaluan nang pag-iisip. Pero anumang pag-iisip ng walang emosyon at konsiderasyon, ay isa lamang magandang ideya na hindi posible sa bawat tao.  Parang dictatorship, konsepto at pinapatakbo ng iisang tao pero hindi lahat sang-ayon.

The danger of unknown

kapurpurawan_agimat ni entengKung napanood mo ang last installment ng Twilight o Breaking Dawn part 2 o kaya naman alam mo kung bakit pinipilit na burahin ang lahi ng mga mutant sa X Men ( siempre favorite ko yung part 1 at X Men: First Class) ito ay dahil sa takot na  harapin ang  taong may hindi klarong pagkakakilanlan. Kapag ‘di alam, threat na agad?

Siempre sinong taong hindi mate-tense na humarap sa bagay, tao o sitwasyon na hindi mo alam. Pero kaya nga magandang may “will” sa structure ng future tense ay dahil titingnan mo talaga kung kaya mo at determinado ka kaya may “shall” na part dyan.

Madadapa ka, babalik ka sa umpisa o worst case scenario mas masahol pa ang sitwasyon mo kaysa dati. Pero alin ba ang mas nakakapanghinayang, ang magpatali sa paniniwala ng iba na hindi ka aasenso o sumuong ka sa isang bagay na gusto mo kahit alam mong parang malabo.  How Deep is Your Love is it Ocean Deep?

In the first place,  ang taong makakaalam ng totoong gusto mo o kaligayahan mo ay hindi ibang tao kundi ikaw mismo. Kung ang kaligayahan mo ay ang magpipisil ng bubble wrap maghapon o magbilang ng dolyar sa tuktok ng inyong bubungang lata, why not?  Hindi lahat ng tao ay masaya sa malalaking bagay, kahit ikaw na ang pinakamataas o powerful na leader ng bansa, may perang hindi na  kinakaya ng scientific calculator or above na sa 500,000 na kayang i-insured ng PDIC at may mukhang head turner ( mga 360 degrees) , kung hindi ka masaya- hindi ka masaya period!

grandpa's innBelief + action + emotion = direction/ fate 

May mga pagkakataon na kahit anong gawin natin, parang sablay lagi. Totoo nga siguro ang saliwikain na kung hindi bubukol, hindi uukol at kung hindi Yes eddie Love, ohah! chuz!

But it is a mistake if you don’t  do what you can do when you know you can do it (na).

Happy New Year sa lahat may you find your true self in 2013, Mabuhay and God Bless !!!

Hoshi’s Blog Resolutions/Goals for 2012

  1. often write interesting, meaningful and quality posts – ang blog ay parang isang malaking quiapo, kailangan ng marami ang guide mo.
  2. avoid rants and spread positive vibes.- may drama na sa telenobela at sa reality shows, huwag mo nang dagdagan sa blog.
  3. visit more blog sites and leave comments – naghahatid ito ng saya sa puso, at botox sa face ng bawat isa.
  4. be active in social media sites apart from facebook and twitter – hindi lang wordpress ang kailangan makaalam na nagba-blog ka
  5. allot time to blog.- may oras para sa lahat pati na ang pagba-blog.
  6. Support/ join advocacy, contests, forums etc of other bloggers – ito ang talagang  active na sosyalan sa blog world.
  7. proofread and edit your blog entries before publishing – isasama ko na ang comment dito.
  8. be healthy – hindi ka makakapag-blog nang mahusay ‘pag kulang ka sa vitamins at essential nutrients.
  9. be active in real world – dahil dito  nakakakuha ng tunay na inspirasyon sa pagsusulat
  10. magka-love life  Love what you do like blogging – kung seryso ka sa kanya, seseryoshin ka rin nito. Ila-like ka rin ng iba.

Tandaan mo ang mga ito Hoshi!

The Two Doors

Ngayon papatapos na ang taon, nasaan punto ka ngayon?

Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?

Buksan ang pintuan ng kahapon…

Ano ang iyong nakikita?

Makukulay na pangyayari?

Lugar kung saan ka naglagi?

O mga taong ang iyong nakatagpo’t nakatabi?

Subali’t may mga masasayang sandali na hanggang alaala na lamang…

May mga pangit na tagpo na sadyang mahirap kalimutan

Sa bagong kabanata

Sa kinabuksan

At sa bagong pintuan ng iyong buhay

Dito muli kang dadanas ng makukulay at naiibang

Mga karanasan, pakikipagsapalaran

Nakabubulagang surpresa, bagong makikilala

Sisimulang plano, panghahawakang kasiyahan

At mga hamon na laging laman ng iyong isipan.

Pero  hindi ba?

Kahit anuman ang magsara at magbukas

Mananatili at magbago

Umalis o bumalik

Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mo ng

Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon