Ampalayang Hirit

ang mga susunod na mga kataga ay kathang-isip lamang ng blogger ng superb and fantastic blog na ‘to. Hindi nababagay na ituro sa mga bata at uto-utong kaibigan.

 

Forgeting

madali kitang kalimutan, kung paanong minsan nakakaligtaan ko na “wow ang super pretty ko pala.

 

geometry

lagay ba hiningan mo na ako ng figures, pati ba naman shapes, sobra naman na ata ‘yan.

 

single

mapapatunayan mo na matatag ka, kung kaya mo mag-isa.  try mo!

 

older

bata ka nga, maaaga ka namang nabulok (peace!)

 

ugly

ang life, cycle lang yan, minsan nasa itaas-minsan nasa ibaba. minsan maganda ka, minsan pangit ka.

 

poor

hindi sa wala akong pera, ayoko lang gumastos sa cheap stuff.

 

out of tune

moody rin kasi ang vocal chords, let’s see kung kailan  wala ng topak

 

better

hindi ko na masyado ginagalingan, baka naman sabihin mo pinapa-istaran kita

 

heartbroken

ganyan talaga, ang strong kasi ng personality ko para sa isang weak

Sali na sa 3rd Elements National Singing-Songwriting Camp!

I always in believe in Filipino talents especially in music, que pagkanta, pagkatha (composing) o performing pa ‘yan. Kaltasan mo na ang ibang aspeto pero pagdating dito, ilalaban ko  talaga ito ng biritan! Pero totoo rin na kahit may mga talento ang karamihan sa’tin ay bakit hindi sila nakikilala o hindi handang magpakilala. Takot? Shy type? Wala raw kita sa music?  May mas importanteng ginagawa? Tumaas na ang pasahe…sa FX?

Common na ang pamatay na linyang “mahirap kasi eh.” Mahirap sa buhay, mahirap gumawa ng bagay at oo mahirap makipagsabayan. Sa bagay, kung alam mong medyo dehado ka especially sa technicality and exposure, talagang  nakakaurong ng dila.  Pero may iba naman na lawit na ang dila ay wala pa ring nangyayari.

Kaya natutuwa ako sa development at iba’t ibang activities para matulungan ang maiangat pa ang musikang Pinoy o OPM (Original Pilipino Music). Mismong  ang mga taga-industry na eksperto sa sining at sistema ang mismong nagre-reach out para makatulong sa mga aspring singers or songwriters.

Alam mo na ba ang  7101 Music Nation’s 3rd ELEMENTS SINGINGSONGWRITING CAMP na idinadaos sa Dumaguete City, Negros Oriental? Isa itong libreng limang araw na workshop para sa mga gustong mahasa, matuto at higit sa lahat manalaytay ang musika sa kanila- to the bones!  Kung hindi ba naman dumanak ang musika sa kaibuturan ng iyong pagkatao, kung ito ang mga mapag-aaralan mo:

  • An Overview of Contemporary Philippine Music History,
  • The Voice: The Science Behind Vocal Production,
  • Basic Music Creation & Melody Writing,
  • The Story in Your Head: Lyric Writing, Arranging Session,
  • What is a Team? What is a Collaboration?,
  • Band Talk, Group Presentations with Panel Critique,
  • Music Publishing,
  • Using the Social Network to Market Your Music,
  • The Music Producer: Making a Demo,
  • Getting Started in the Music Business, Stage Performance,
  • the Responsibilities of a Singer-Songwriter.

And take note ang mentors lang naman ay sila Maestro Ryan Cayabyab (Mr. C), Aiza Seguerra, Raimund Marasigan, Ebe Dancel,  Noel Cabangon, Jim Paredes, Gabby Alipe of Urbandub, Gloc-9, Mike Villegas, Gary Granada, Aia de Leon of Imago, Jay Durias, Christina LunaDebbie GaiteAudie Gemora, Gary Valenciano at marami pang iba.

Ika nga ni Ebe sa media conference for Elements, naiiba ang experience na makukuha sa camp. Oo nga naman bibihira ‘yong pagkakataon na makasama at makausap (na nakatsinelas pa ha) ‘yong mga gaya nila Gary Valenciano, Joey Ayala o kung sino-sino pa.  Masasagap mo ‘yong mga lessons and positive energy nila.  Imagine the best singers-songwriters in the country ang iyong magiging ka-rubbing elbows, astig!

Sabi naman ni Mr. C, sa dalawang naunang camp nila ang dami nilang nadi-discover sa mga campers. Ang initial plan ay magkaroon ng camp for singers then para sa mga songwriters. Pero dahil may iba naman na songwriters na marunong pa lang kumanta at may iba naman singers na kaya naman palang magsulat ng kanta kaya pinag-isa na nila. Sari-sari talaga ang galing mga Pinoy na nai-imagine niyang in five years siguro ay halos lahat ng performing artist iki-cater ng kanilang camp.

Sali na  sa camp, isa lang ang magiging pass mo sa libreng masayang experience na ito ang mag-audition na magsisimula mula July 1 to August 31, 2012.  60 aspirants ang tatanggapin  para sa camp na  idadaos sa November 18-22, 2012. Para sa iba pang detalye ng pag-audition please visit http:// elementsmusiccamp.com.ph. 

Rubbing elbows with the OPM icons

Tuwang-tuwa ang music enthusiast- blogger na si Hitokirihoshi nang finally ay ma-meet n’ya ang mga nakalahakhan niyang mga music icons na siyang espe…

via Rubbing elbows with the OPM icons.

Time of My life with Black Eyed Peas

Excited ako nang malaman ko  na may Black Eyed Peas live in Manila 2011 pero napaurong ako dahil ‘di ko gusto ang nakatayo sa SM MOA Concert Grounds. Ma…

via Time of My life with Black Eyed Peas.