Dream Message: Work Abroad, Hair

Napanaginipan ko po ang aking dating co-worker  who’s currently live and work abroad. Nag-uusap daw kami at naitanong ko sa kanya kung bakit nagdesisyon s’ya mag-abroad.

Advertisements

Dear Ate Jevs,

Napanaginipan ko po ang aking dating co-worker  who’s currently live and work abroad. Nag-uusap daw kami at naitanong ko sa kanya kung bakit nagdesisyon s’ya mag-abroad.  Ibinalik n’ya sa akin ang tanong at ang sagot ko sa kanya ay wala (pa) sa plano ko ang mag-abroad. Hindi sa ayaw na ayaw, pero gusto ko ay gumawa at paunlarin ang kabuhayan ko rito sa ‘Pinas.

Ang napansin ko lang ay parang nakahawi ‘yong buhok ko na may bangs at nakaka-distract sa pag-uusap namin. Pinansin ng kasama ko rin ‘yong buhok ko.  Okay naman po iyong pakiramdam ko sa pag-uusap namin. Doon lang ako slight na na-conscious sa buhok ko.

Sa totoong buhay po ay hindi kami close ng co-worker ko na iyon, pero  hindi naman kami magkaaway. Nag-uusap naman kami dati ng  mga bagay-bagay, pero may mga pagkakataon at topic na malabo namin i-open namin sa isa’t isa.

Ano po kaya ang mensahe ng panaginip ko?

 

Adela

 

***

Dear Adela,

Mukhang maganda naman ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung ano man ang sinasabi mo doon ay malamang din ay dikit ito sa katotohanan sa totoong buhay.   Pero kapansin-pansin sa paningin mo ang iyong buhok. Puwedeng simbolo ito ng mga bagay sa realidad na pumipigil sa iyo para ma-realize o mag-materialize ang iyong mga idea.  Kung baga nandoon ka sa alam mo na ang gusto mo pero nanatiling distracted ka.

Sa tingin ko ay maaaring may agam-agam ka rin sa iyong mga ginagawa  dito sa Pinas. Minsan naiisip mo na mag-abroad ka na lang kaya? Pero ako Beh,  tukuyin  at putulin mo muna ang mga bagay na nakaka-distract sa iyo.  Kapag sinubukan mo na lahat para sa kina-career pero waley pa rin,  that’s the time na isipin ang option na mag-abroad.

Yo!

Ate Jevs

Disclaimer: Hindi expert sa dream interpretation si Ate Jevs. Kung ano man ang ibinabahagi sa post na ito  at gaya nito ay sariling pag-aanalisa sa mga bagay -bagay na nakapaloob sa panaginip.

 

 

Dream Intepretation: Tindahan

Dear Ate Jevs,

Napaniginipan ko po na sa labas daw ng bahay namin ay may mga materyales na pang-construction.  Mayroon akong nakitang parang bundok ng semento, buhangin, at ilang kahoy.

Tinanong ko ang Mama ko kung para saan iyon. Ang sabi niya ay gagamitin daw iyon sa pagpapasara ng tindahan.  Ibig sabihin ay sesementuhin at gagawin ng pader ang harapan nito. Nagalit ako at nangatwiran ang sabi ko ay  alam naman niya na nandoon ang kabuhayan ko. Sana ay sinabihan n’ya ako na ganoon ang gagawin niya para sana ay tinuloy ko na lang ang full time job ko na kung saan ako nag-resign.

End ng panaginip.

Sa totoong buhay po ay self-employed po ako ngayon at may tindahan. Nag-resign po ako sa work ko sa Quezon City para masubukan ang magnegosyo. Ano po  kaya ang ibig sabihin ng aking panaginip?

Gumagalang,

Josie

*****

cornick of Ilocos
Isang tindahan sa Paoay, Ilocos

Dear Josie,

Ang panaginip madalas ay hindi malalim kundi  mensahe mula sa nilalaman ng iyong  subconscious mind at iba bang bagay ( puwedeng Divine Intervention?).

Ang tindahan sa iyong panaginip ay representasyon ng kinilala mong oportunidad.  Nagkataon ay sa totoong buhay ay mayroon ka na. Kung gagamitin ang materyales para isara ito at nagalit ka, ibig sabihin ay alam mo ang potensyal nito o kahit papaano ay alam mo ang halaga nito.  Nagawa mo pa ngang idahilan ang iyong pagre-resign sa trabaho na totoo sa realidad..

Ang mensahe ay maaaring naglalaro sa iyong isipan na isara ito o pinanghihinaan ka ng loob para ipagpatuloy ito.  Ipinapa-realize sa iyo ng iyong panaginip/ subconscious mind kung ano ang sakripisyo, dahilan, at simula kung bakit mo ito ginagawa. Nagalit ka ‘di ba at totoo ito, gamitin mo itong motivation para magpatuloy sa iyong business.

Umasam na malamigan pero nabentahan ng ‘di malamig na softdrinks,

Ate Jevs