Visita Iglesia

For the first time nag-visita iglesia kami ni Manang Juling. Dati-rati puro kami sa Quiapo o sa Grotto. Nung Friday kasama ang pamangkin kong si Ms. Calabasa at pinsang si Luchie pumasyal at nagdasal kami sa siyam na simbahan. Pito sa simbahan na pinuntahan naming ay nasa Maynila: San Beda, St. Jude Thaddeus, San Miguel, San Sebastian, Quiapo Church, Sta. Cruz at UST church. Narito ang ilang alam at personal kong trivia sa mga simbahang pinuntahan namin.

1. San Beda Church, Mendiola

Sa apat na taon kong pag-aaral sa Mendiola nitong March 9 lang ako unang nakapasok sa loob ng San Beda. Aksidente lang ang pagkakabisita ko rito noong araw na ‘yon dahil napansin kong bukas ito habang papunta ako ng St. Jude. Nagustuhan ko ang altar. Maswerte ang mga Bedan dahil mayroon silang ganitong kagandang dalanginan.

altar of San Bedasan-beda-2.jpg
2. St. Jude Thaddeus Church ( Malacañang, Manila)

Aminado ako na kung meron man na malapit sa aking simbahan o patron ito na ‘yon. Ang kaibigan kong si Cherime ang unang nagdala sa akin dito ng makitulog ako sa dorm nila at magsimbang gabi kami.

Ang kaklase ko naman na si Venus ang ikalawa kong nakasamang nagsimba rito. Siya ang nag-inspire sa akin na magsimba sa St. Jude kung may panahon ako. Maliit lang kung tutuusin ang church pero dinudumog pa rin ng mga tao lalo na kapag Huwebes. Kadalasan mga Chinese (not sure) ang pari, commentators, at readers ang nagse-serve sa misa tuwing Linggo. Madali mong maiintindihan ang sinasabi nila dahil bukod sa may available parati na “misalet,” maayos din ang sound system.

St. Jude Shrine

Ilang beses na akong lumapit Dito, at ilang beses na ring natupad. Minsan , dumalangin ako rito, in four days natupad ‘yong hiling ko. Saka halos lahat ng isinama ko ritong friend ay nagkatotoo rin ang mga panalangin nila. Isa na rito ‘yong kasama ko dati na nawalan ng trabaho, na ngayon ay may posisyon na sa isang big TV station. Basta ‘pag may problema akong matindi o may hinihiling akong malaki, rito ako pumupunta. Type ko rin magsindi ng kandila rito, lalo na dati kasi may iba-ibang color pa depende sa hinihiling mo. Ngayon kasi brown and white na lang pinapayagang itirik doon.

3. San Miguel

Una akong nakapasok sa San Miguel nang kunin akong ninang sa binyag ng panganay ni Cherime. Si Bon Uy Co ay ang una ko ring inaanak. Sa katotohanan din kasi niyan, medyo tumatanggi ako sa pag-aanak ng binyag lalo na kung di ko naman close ang magulang. Hehe!

san-miguel.jpg

Ngayon ko lang din napansin ang estatwa sa harapan ng San Miguel. Bakit dragon ‘yong sinisibat ni San Miguel akala ko demenyo ‘yon. Iyon ang nasa gin e.

Istatwa ni San Miguel

Anyway maganda rin ang San Miguel. Tama lang ang dami ng taong napapadaan at iilan lang ang mga tindera sa labas. Marahil dahil tabing-tabi mismo ito ng Malacañang gaya ng St. Jude at nasa loob-looban pa.

4. San Sebastian

Paborito ko rin ang San Sebastian dahil gandang –ganda ako rito at iba talaga ang ambiance para sa akin. Sa pagkakaalam ko may natatangi itong record sa buong mundo dahil gawa ito sa bakal.

san-sebastian-facade.jpg

Dito nagpakasal si Donna Cruz at ang cute niyang doktor na asawa from Cebu (at dito ko rin feel, wahahaha!).

san-sebastian-2.jpg

Nakapag-choir na rin ako rito pero once lang dahil sa Religion class namin. Isa rin ito sa dinadaanan kong church kapag napapadako ako sa Maynila. Parang in a way kasi gumaganda ang mood ko, ‘pag nandito ako at dito rin ako huling nag-confession sa loob ng maraming taon.


5. Quiapo Church

Isa ito sa pinakamadalas kong mapuntahan, siempre, lalo na ‘pag kasama ko si Manang Juling. Nung college, ‘pag Friday night nagpapagabi na kami ng uwi ng kaklase ko dahil maraming tao sa lugar na ito. Ang nakakaloka lang sa Quiapo ay ang mga umeeksenang tagpo sa labas. Hindi ba mga mahihilig sa murang music at pelikula, damit, cell phone at kung anong anik-anik pa?!

Pampalipas oras din dito ang mga nakahilerang manghuhula. Etong si Manang Juling saka yung isa kong Ate mahilig magpahula. Type ko rin mag-iikot sa lugar na ito lalo na ‘pag kasama ko si Cardcaptor at bumili ng kakanin lalo na ang Buchi na may palaman na mongo. Naku paborito ko yun. Mmmm delicioso!

Di ko na kinunan yung Quiapo, hindi na kami nakapasok eh sa dami ng tao, saka alam n’yo na!

6. Sta. Cruz Church, Manila

Unang beses ko pa lang nakapasok sa simbahan na ito nung Good Friday (March 21). Nakaka-amaze na kakaunti lang ‘yung imahe sa loob (o tinabi muna kasi Holy Week). Hindi ko nakunan ng mahusay ( kuhang cp lang e) pero kakaiba rin yung painting sa bandang altar.

sta-cruz.jpg

Pakiramdam ko sa church na ito ay parang hindi siya basta Catholic church. Pakiwari ko nasa Israel ako dahil sa mood sa loob. Ang altar ay napakasimple (walang imahe na nakapako at iilan lang ang mga santong nakalagay).

Sabi nila pwedeng mag-wish kapag first time na nakapasok sa isang simbahan kaya humiling ako. Pag natupad babalik ako sa Sta. Cruz.

7. UST Santissimo Rosario Church

Siguro pangatlo o pangalawang beses ko palang nakakapunta sa Church na ito. Ang unang nagsama sa akin dito ay si Cardcaptor. Ito ang unang simbahan na napuntahan namin na may tabing ang mga santo. Simple lang simbahan pero malaki siya.

ust-church.jpg

8. Sto. Domingo Church

Kung may recent na trivia sa simbahang ito, iyon ay walang iba kundi rito nilamay ang The king of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr. noong 2004. Kahit parati kong nadadaanan, iilang beses lang akong nahihinto para pumasok dito.

sto-domingo.jpg

Isa sa mga naalala ko ay nang ipinasyal ako ng pangalawa kong Ate rito nung isang birthday ko, ‘yong mga tipong chibi kawaii pa ako. Nung time na ‘yon may ikinakasal,  na first time kong makakita. Sabi ni ate dun daw maraming nagpapakasal dahil sa haba aisle. Naalala ko rin na humiling ako nun na magkaroon ng laruan na telepono at ‘yon natupad naman (kasi siguro binigkas ko ‘yong prayer ko. Hehehe).

9. St. Peter Parish, Commonwealth

Hindi ko na rin kinunan ang simbahan, hindi naman sa ‘di siya espesyal o paborito ko pero kasi rito ako laging nagsisimba. Lagi kong kasama rito si Maya na mahilig maupo malapit sa pintuan na dinadaan-daanan ng mga tao.

Nasaksihan ko mula ng lote pa lang ang kinatatayuan nito hanggang sa dumugin na ito ng mga tao Linggo-Linggo. Masarap magsimba rito ng mga 8PM, 9PM o 2PM kasi uunti lang mga tao saka mahagin sa mga oras na iyon. Ilang beses na rin ginawang setting ang simbahan na ito ng ilang pelikula at teleserye.

Sana next year makapunta naman ako sa mga simbahan sa loob ng Intramuros.

Professional Pulubi…

Iminulat tayo na maging mapagbigay at maging mahabagin sa kapwa lalo na sa mga pulubi. Ang madamot, kuripot, barat at lalong-lalo na ang matapobre ay may karma balang-araw.

Sa paglipas ng panahon, hindi na lamang pangkaraniwang ang isang pulubi na may humpak na mukha, gutay-gutay na damit at marungis na itsura dahil kanya-kanya na sila ng pa-effect sa panlilimos ng pera.

Para sa akin, mas may dating ang mga kumakantang bulag sa bangketa. Binubuhay nila ang mga lumang kanta at magaling silang mangapa ng gitara. Aba, kahit naman siguro nagpapanggap silang bulag, mahirap din iyon ha! Props pa lang ay gumagastos na sila, sama na rin diyan ang boses nila na gumanda na siguro sa araw-araw na pagkanta.

Kaawa-awa rin naman ang mga taong namamalimos na kita mo na ang depekto. Sa amin may matabang mama na gumigitna sa blue and pink footbridge ni Bayani. Nakakatawag siya ng pansin dahil ikinakampay niya ang dalawa niyang kamay na actually mga braso na lang at halos kalahati na lamang din ang kanyang katawan dahil putol na ang kanyang mga paa.

Pero, subalit, datapuwat, sa totoo lang karamihan sa mga namamalimos ngayon ay parang hindi naman kapani-paniwala o walang k na bigyan ng piso.

Naaalala ko noong college, may ipinaskil sa kahabaan ng Lacson, España kanto ng UST patugkol sa pagbibigay ng limos sa mga bata o sa kung sino mang pulubi. Ang mensahe doon ay ‘wag magbigay ng limos dahil bawal ito sa batas doon o may ahensya naman para sa kanilang mga pulubi gaya ng DSWD.

Sa apat na taon kong pag-aaral sa Maynila, samu’t saring kabulastugan din ang aking nakita sa mga namamalimos. Bago ka umakyat sa tulay ng Morayta, yes sa tapat ng McDo, may humarang sa akin na isang babae. Actually panggulat ‘yong style niya, kababa ko lang noon sa FX nang humingi siya sa akin ng pamasahe para makauwi siya sa kanila. Dahil mukha naman siyang kaawa-awa although pansin ko ang nipis ng kilay niya, ay binigyan ko siya ng pera.

Alam n’yo kinabukasan nakita ko ulit siya doon, ganun ulit litanya niya. Ano ba? Kulang pa ba ang isang araw para makaipon siya pang-uwi? Wala naman akong gana na tanungin siya kung  saan lupalop ba siya pupunta .

Sa mismong tulay naman ng Morayta may isang matandang babae doon, na maganda naman ang pangangatawan, ang namamalimos. Minsan palakad-lakad siya sa kahabaan ng overpass o ‘di kaya nakapwesto sa hagdan patungo sa FEU.

Pansin ko lang ha, ganda ng pedicure niya kahit marungis siya at minsan naka-jollibee siya. Chuchal! In fairness sa pamantasan namin, wala namang obvious na pulubi siguro manggagantso meron. Hehe!!!

Naalala ko rin one time, dahil sa hirap ng pagsakay at katipiran ko, nilakad ko mula school namin hanggang Quiapo. May lumapit sa aking lalaki na okay naman ang itsura. Humihingi sa akin ng pera na para pamasahe niya pauwi sa Bulacan. Eh sa pagod ko ba naman at nagtitiis nga akong maglakad eh bibigyan ko pa ba siya.

“Kaya nga ako naglalakad, kasi wala akong pera,” sagot ko doon sa lalaki. Na tinanong pa ako ko kung anong course ko. Siempre sabi ko Opto. Wahaha… Opto kong wag siyang bigyan ng pera.

Sa isang part ng QC Ave. naman , kapag nahihinto ang jeep ay may mga kabataan na aakyat dito at pupunasan ang mga sapatos ng pasahero saka hihingi ng pera. Kung alam lang nila, mas lalong dumumi ang sapatos naming mga pasahero sa pinahid nilang basahan. Noong una nagbibigay ako depende kung natanggal nila yung alikabok sa sapatos ko. Pero ngayon, iniiwas ko na sapatos ko o di kaya kahit punasan nila hindi ko na sila binibigyan ng limos.

Ginagawa na kasi nilang hanap-buhay iyon at minsan makikita mo pa ang mga magulang nila na nakatanghod sa ‘di kalayuan. Biro mo ‘yong bata  nakikipagpantentero sa kalsada, sila presentable sa gilid ng kalye.

Mula naman nang pumasok ako rito sa Ortigas ay sari-sari na ring “pamumulubi” ang na-i-encounter ko at kadalasan type nilang sa Bus gawin iyon.

First entry, kahit hindi pa ako nagtatrabaho sa lugar na ito lagi kong nakikita ang mga kabataang aakyat sa bus na nagpapanggap na mga estudyante ng kung anong ewan na school. Hihingi sila ng donasyon sa pamamagitan ng papel (na naka-laminate na ngayon), minsan sobre, minsan din sasabayan nila ng mga paninda.

Second entry, mga member daw ng ganitong church. Tatayo sila sa gitna, pwedeng babasa sila ng linya sa bible saka mangangaral. Mamaya-maya magbibigay na sila ng sobre. Ayokong mag-isip pero grabe sila kung gagamit sila ng ganung style para lang kumita.

Third entry, isang lalaki na may sakit kuno sa balat at paika-ikang maglakad. Sasabihin niya dati siyang mayaman na waldas sa pera at naging gumon sa sari-saring bisyo. Hindi siya titigil doon, talagang mangungusensya siya sa paghihingi ng pera. May mga linya siyang bibitawan na parang ang dating ay “ang sama mo naman kung ‘di mo ako bibigyan.”

One time, habang lumalamon ako sa paborito kong mall sa commonwealth. May lumapit sa aking lalaki. Estudyante rin daw siya na humihingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral.

Kinausap ko siya ng masinsinan, tinanong ko kung saan school yun, sabi niya sa Emerald Ortigas raw. Sagot ko sa kanya, doon din ako. Yung school niya conservatory of music kuno. Tinanong ko ano ang tinutugtog niyang instrumento sabi niya gitara. Tanong ko acoustic, iba ang sagot niya.

Sabi ko sa kanya, kung gusto niyang i-feature ko siya o ang school niya para mabigyan sila ng exposure. Hindi siya makasagot, pero halata mong ayaw niya. Tinanong ko s’ya kung totoo ba ang iyong telephone number na nasa papel na ibinigay niya. Sabi niya oo.

In the end, binigyan ko s’ya at saka niya inupuan ang ibang costumer para hingan din. Nandoon pa siya ng tawagan ko yung number na binigay niya. Tama ang aking hinala, sinungaling siya. Bakit ko binigyan siya kung alam ko na eklabu lang niya ang kapapelan? Gusto kong makita ang reaksyon niya sa lahat ng tanung at tulong ko.

Nakita ko siya ulit doon sa lugar na iyon. Sa pagkakataong ito naman, yung ate ko ang nilapitan niya. Sa harap niya, sinabi ko sa ate ko nanloloko lang ‘yan.

Alam n’yo kahit marahas magsalita si Manang Juling sa mga humihingi ng limos sa kanya…ang usual niyan linya… “ang laki-laki ng katawan mo, hindi ka magtrabaho, maglabada ka!” eh pasok talaga sa banga!.

Mas tamad pa sa mga sinasabi nilang GRO ang pagkukunwaring paglimos. Bukod sa hindi convincing ang acting, ay mas lalong nawawalan ng effort ang mga Pinoy na magbigay ng limos.

Paano mo nga naman malalaman kung genuine o professional pulubi ang nangangalabit sa iyo?