2013 Heartaches and Prayers for 2014

Ilang pang-aalaska and prejudice  na ba ang natanggap ko.  Ang nakakatawa nung time na focus ako sa  career ko  at feeling ko hindi ako attractive (naks lakasan loob time) mayroon. Pero nung time na, open for nomination na ang peg ko, ayyy nasa’n sila? Heartache, mayroon ako nyan this 2013 pero mild lang at pagdating sa wishes and prayers, yan ang  intense. 

note: this  post is part  2 of December Choices and Wishes

Heartache 1: Men

facade 6_ love is like chocolate inspiredMay 2  new special and cute men  akong natripan this year na akala ko okay, eh hindi.  So to cut it short, hindi na sila special and di na rin sila cute. hahaha!  Sa kanila, wala yung usapan na pakipot lang ako o tameme, basta ko na lang na-discover na hindi puwede. Period! Minsan yung intense ng feeling nawawala rin talaga ng kusa, at pag na-pacify  mo yun (love or anger) dun mo pa lang malalaman kung ano yung type ng feeling (a. love b. infatuation c. “crushashable”  d. interesting lang s’ya). Ayoko rin ma-fall sa trap na I just fall in love sa thought of  having a relationship.

Mayroon din akong  matagal nang sinisinta (oo ganun ka lalim- word pa lang) na I tried to contact. Iyong pinagpi-pray ko pa. Hayun December na wala pa rin s’yang reply. Give up? Oo, hindi lang ako naniniwala sa destiny kundi pati na rin sa Time is Gold.

heartache 2:  Unfulfilled Goals a.k.a frustrations

Kung  listahan lang naman gagawin sagana ako n’yan.  Sabihin na natin may katamaran din ko madalas pero babawian ko naman ng determinasyon at dobleng sipag.  Pero iyon nga  may mga bagay na  kahit  anong pursige mo, hindi nagpo-prosper. Gaya na lamang  ng mga dreams/ plans  ko na ito…

  • my very big morning eatery  na hindi  ma-push through dahil sa yaya
  • nasayang na big time side line because of doubt  and procrastination
  • hindi ma-achieve na wishes because of  money management and being indecisive
  • hindi nasusunod na plans dahil sa magkakaiba thinking 
  • may time na feeling ko kulang or balewala yung mga  pinaghihirapan ko

Love Padlock, N Seoul TowerPrayer Requests for 2014

Natutuhan ko na  para magkatotoo ang iyong mga  dreams kailangan gawin mo silang prayers and short term or long term goals. At hindi pa matatapos yun dun-  you need actions, perseverance and  faith.  Kung walang plano, walang direksyon. Kung walang action, drawing  ‘yon.  Kung hindi ka pursigido,  walang pag-usad.

Why faith?  Because it something na panghahawakan mo  when  everything is  impossible, hopeless or full of  discouragement.

so here are my prayer requests ( goals, plans and dreams) for 2014

  • be a profitable and service-oriented  retail  and  tech entrepreneur – yes I’m determined to make it happen kahit wala pang solid details. I wanna learn and experience entrepreneurship -hands on. Right now partner/ investor ako sa aming retail store  at dealer ng LoadXtreme, Pampanga’s Best, and UPS-GPRS 
  • be  fit, healthy and  fashionable –  Need ko na i-work out dahil sa humihina na naman na pangangatawan ko.
  • Love-  miss ko na ata ma-in love at kiligin ng wagas.  Graduate na ako sa pa-tweetums, palipad hangin at kesong courtship.
  • more travel & tours –  Napi-feel ko na possible  na ang  makarating ako ng Japan. Dream ko rin ang  Davao, Batanes, at  Greece.
  •  Work in a  radio  station  – wala akong  solid experience sa radyo  pero gusto ko mag-experience as part time o saling kit-kit. Gusto kong marinig ng lolo ( malabo na ang mata at di gaanong nakakalakad) ko ang boses ko na nag-aalay sa kanya ng kanta at  nagbibigay ng impormasyon.
  • More regular  part time and freelance works – bukod sa usapang dagdag  kita, gusto ko napa-practice o ma-develop pa  rin ang  profession ko. Passion na ‘to.
  • open and maintain –  mutual fund, t bond and  life insurance
  •  Makabili na ng tablet, pocket wifi, at  upgrade ng PC (because I really need it sa work and business)
  • Matapos na ang dental project ko ( braces)
  • Thriving  Blog Life – Yes, I want din sana to earn something from it pero ayoko mag-concentrate dun. Gusto ko pa rin i-explore yung  other areas (like Vlogging, CSS & SEO), give information, entertain and meet sensible/interesting people.

Happy New Year to you! Give high kicks against odds and run extra mile for your dreams sa Year of the Horse (2014)! 

Iyon din ang gagawin ko e, sipa lang ng sipa!

Dungaw, a Puppy Love fiction (pu-fi)

Warning: mahaba ‘to, e kwento nga e

 

I.

 

Noong una wala ka lang sa akin, suplado ka kasi, minsan lang lumabas ng bahay at magkaiba ang henerasyon natin. Ako naman ay abala pa noon sa pakikipaglaro, lalo na sa mga nakababata mong pinsan. Pero, isang araw bigla mo akong tinitigan at tayo’y nagkausap. 

Dahan-dahan sa pakiwari ko’y nag-iiba ang trato natin sa isa’t isa. Palagi ka nang nakatambay sa harap ng bakuran n’yo, habang ako’y palaging napapadungaw sa bintana namin. Unti-unti nagugustuhan ko ang pagiging tahimik mo, ang ‘di mo paghuhubad ng T-shirt kapag nagba-basketball, ang itsura mo na laging mukhang presko kahit pagod. Maging ang pag-iwas mo sa mga inuman at ‘di paninigarilyo,  pagbabasa ng diyaryo at pagpapatugtog ng radyo. 

Alam mo bang napakasaya ko noong batiin mo ang pagsasayaw ko kahit parang  palpak naman  ang  nagawa ko.

 

II

 

Napangiti ako nang malaman ko na marami pala ang nagkakagusto sa iyo. Akala ko nga may nagustuhan ka sa isa sa mga kabarkada ng ate ko. Bigla-bigla hindi ka na lumalabas sa inyong bahay at nawala na rin ang alingawngaw ng iyong radyo.  Napansin ko na lang din na palagi akong niloloko ng kuya mo noong mga panahon na iyon.  Sila ba ang patalastas ng ating kwento?

Isang okasyon, nagulat ako dahil sumama kang makikain sa amin.  Sa bigla ko nga ay para akong naging istatwa at namula ang aking mukha. Kahit gutom ako nun, mas pinili ko ang maglagi sa kwarto

Naalala ko rin noong gabing ‘yon ay nagmamadali kang umuwi. Akala ko nataranta ka rin dahil bigla akong lumabas, iyon pala nahiwa ang daliri mo ng salamin ng mesa namin. Ang cute, namula ka rin nang magtama ating mga mata.

 

III.

 

Minsan umangkas ako sa tricycle ng kaklase kong lalake para maihatid malapit sa bahay namin.  Kung ano ang saya ko sa biyahe, iyon naman ang simangot ko noong makita mo akong bumaba ng tricycle. Nanginig ata tuhod ko noong tumayo ka at umalis. Tama nga ang song mo sa akin, “Isang Tanong, Isang Sagot” type ba natin ang isa’t isa?  

Pero mas nalungkot ako nang malaman ko na maninirahan ka sa ibang bansa.

 

IV.    

 

Ilang taon ang nakalipas, wala ng balita sa iyo at abala na rin ako sa ibang bagay. Isa sa inaayawan ko noon ay ang mamalagi sa tindahan namin, pero minsang abala ako sa pagnguya ng chichirya ay narinig ko na lang boses mo.

“Hi Hoshi!” bati mo sa akin. Noong araw na iyon, parang lalo kang gumawapo at hindi ako nakaimik. Sabi mo “hindi mo na ako kilala?” Kunwari, kinikilala kita pero sa totoo lang alam kong ikaw na ‘yon. Pero, ang mahirap sa iyo puro ka pagbati  at hindi ka marunong magpaaalam, lalo na nung muli kang umalis.

 

V.

 

Nitong Marso nabalitaan ko na darating ka at dahil may teresa na ang bahay ninyo hindi ko maiwasang tumingala rito. Subalit ilang linggo na ang nagdaan nun ay hindi pa rin kita nakikita.

Isang araw, naisipan ko na magsimba sa paborito kong simbahan sa Manila. Dahil inabot ako nang tanghaling tapat at nakita kong may mga basura sa tapat ng aming bakuran, medyo uminit ang ulo ko. Subalit, maya-maya  ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.

Nang tumingala ako, nakadungaw ka na sa inyong teresa. Binati mo ako at dalawang beses  naman kitang nasabihan ng “Hi!” Binati kita at sinagot mo naman ako sa wikang Tagalog kaya namangha ako sa iyo.  Iba ka kasi sa  nakatatanda mong kapatid.  

Maya-maya napadako ang tingin ko sa batang naglalaro sa tabi mo  Tinanong kita kong kaano-ano mo ang bata. Sinagot mo ang tanong ko at dahil doon gusto ko nang tumalikod kahit nararamdaman ko na gusto mo pa akong kausapin.  Pero tingin ko ‘di mo narinig ang tanong ko dahil saliwa rin ang sagot mo nang sabihin ko na kausapin mo ang kuya ko.

Hindi ko mapigil ang mapatanga sa tuwing naalala ko ang eksenang iyon, lalo na’t nalaman ko na hindi mo naman  nakausap sino man sa miyembro  ng pamilya ko o sa mga kapit-bahay natin. Salamat! Dahil nitong huling alis mo, isinigaw mo ang pangalan ko.