Personal History of Internet Exploration part 1

I read Philippine Internet Review book of Ms.  Janette Toral, Migs Paras, Danny Escasa and Antonio Bucu.  Na-enlighten pa ako dito kung gaano na kalayo at kalalim ang Cyberworld sa bansa. Ako mismo parang napa-isip sa aking personal online exploration habang binabalikan sa book ang innovation and inventions sa Internet from 1994 to 2004.  So ito naman ang aking kwento at paniniwala about surfing the Net.

Entertainment then for Study

BooksNung mag-boom ang Internet, isa ako sa mga aba. Walang PC (personal computer) at CP (cellphone) kaya laman ako ng library namin para i-avail ito. Kasama naman ito sa matrikula ko kaya sinusulit ko ang gamit. Ito pa, 3-7 hours/ month lang ang puwedeng i-consume at di ko pa nilalaan sa talagang pag-aaral ko.  Katwiran ko, mas masipag ako magbasa ng books.  Ang paniwala ko pati noon,  synopsis type lang ang info sa internet gaya ng episode guide sa mga series at anime na sinusubaybayan ko .

Since  daming limitations,  paminsan-minsan ay tini-treat ( mula saa ipon ko) ko ang aking sarili at nagpupunta ako sa mga computer rental shops. Wala naman akong naalala na nagsabi ako sa Nanay ko na pinging pang-computer para lang mag-chat , mag-games or etcetera maliban sa paggawa ko ng projects and assignment lalo pa nga’t wala nga kaming PC.

Nag-try ako na makipag-chat   sa kahit kanino from foreigners hanggang sa mga taga-province .  Well bukod sa nahihiya ako na malaman iyon ng mga classmates ko, kaloka rin ako mag-type sa keyboard  para akong may kaaway. Nahilig din ako mag-search ng anu-ano at mag-take ng personality test.  Like kung ako ay member ng X-Men or Avengers sino ako.

Pentium 2 and dial up

avi dcor8s my pcHindi ko alam kung naloko Nanay ko, gusto n’ya lang makatipid or di s’ya aware. Basta biglang isang araw pagdating ko ng bahay ay may PC na kami na Pentium 2.  So try to imagine yung higante at dumihin na white monitor, CPU at maingay pa rin keyboard. Pero tiniis ko yun at ipinagpasalamat, bigay yun ng Nanay ko e. Bale 10, 000 pesos yun kasama na ang chairs and table.  Saka tulong na rin kasi kung typing lang naman ay puwede na.

Nadama ko lang ang pasakit noon nung mag-start na ako mag-work. Bumubutas na ako ng bangko sa  pagre-research , email  at iba pa.  Dagdag na rin  sa pag-i- imagine mo  ay yung paggamit ko ng dial up.  Doon na ata ako nag-start tumaba, masanay na magpuyat pa at aralin ang simple troubleshooting. Thank God maayos pa naman ang vision ko kahit  pa umaabot din ako sa point na pink na ang kulay ng monitor.  At ito pa, wala akong printer so  gastos din.  So isa ako sa mahilig mag-adjust ng font size at style para lang maka-save ng page. Hanggang ngayon gawain ko pa rin yan.

abangan ang Part 2 😉

erotic post

I was tagged by tonet

Rules:

Create a short erotica of not more than 200 words, with the following words that can only be used once in the story:

1. sleepover – nakitulog
2. whip – latigo
3. handcuffs – posas
4. leather – katad
5. sexy – seksi
6. threesome – tatluhan
7. hairy – mabuhok
8. shotgun – shotgun

9. squeeze – pisil

10. explosion – pagsabog

matindi ang hampas ng hangin sa tindi ng bagyong Kuning kaya hindi makaalis sina George at Aya sa loob ng library. Balak na nga lang ni George ay doon na mag-sleepover.

Natawa silang pareho nang dumaan ang librarian na si Dan na may hawak na latigo. Nagkakatinginan sila nang biglang nag-brown out.

Maya-maya ay may humila sa isang kamay ni Aya at nilagyan iyon ng posas. Naramdaman niya ang pagdantay sa kanya ng isang lalaki na nakasuot ng leather jacket. Niyakap nito ang kanyang seksi na katawan.

“Kahit maki-threesome ako sa relasyon na ito, hindi ako bibitaw,” bulong ni George sa tenga ni Aya.

Hinubad ni Aya ang jacket ni George at dinama ang mabuhok na dibdib nito. Dahan-dahan pero madiin na naglapat ang kanilang labi pagkatapos noon. Bigla, isang putok ng tila  shot gun ang kanilang narinig kaya sila nagtago sa isang istante ng mga libro.

Pinisil ni George ang kamay ni Aya nang madama nito ang kabog ng dibdib ng kanyang estudyante. Sumindi ang ilaw at parehong namobroblema ang dalawa. Alam nila na naroon lang ang presensya ni Dan dahil sa pagsabog ng kabag nito.

Memoria en la Biblioteca

Dear ate Jevs,

Isang bagay na nami-miss ko sa school ay ang library namin.  Kapag hindi mo nga ako mahagilap doon mo ako pwedeng hanapin.  Libro ang kahalinhinan ng pagsulat ko sa notebook o pagtuhog ko ng kwek -kwek.

Sa library ko natagpuan ang kakaibang mundo na nagbibigay sa akin ng especial enjoyment, pero hindi naman ibig sabihin na porke’t  type kong humawak  ng libro eh seryoso na ako  sa pag-aaral. Nagbabasa lang ako ng book ‘pag trip ko, kahit noong nag-aaral pa ako o kung kinakailangan na. Malakas naman ang reading tolerance ko dati. Dahil isa sa pinakamalamig na bahagi ng aming pamantasan ay aming aklatan, madalas pa nga akong antukin doon eh.

Kung tutuusin, hindi naman gaanong delikado sa reference section para matulog kasi gilid na ay may sulok-sulok pa ‘yon.  One time while reading a book, I realized na iba na ang paningin ko. Tipong sa taas na part ay libro then sa ibabang part parang dragon na may puwit ng kalabaw, nanaginip na ako ng may may two minutes siguro rin ‘yon. Sa section din iyon nakalagak ang mga labi ng encyclopedia, almanac pati na ang mga computer na mayroong naka-install na ganung libro. Kaka-browse ko minsan napadpad ako sa isang part nun na game pala. At first kunwari afraid pa ako buksan then paunti-unti binuyo ako ng curiosity ko na laruin siya at tingnan ang aking IQ level. Sus blood level ko ata ang tumaas nang sitahin ako ng librarian  namin.Type na type ko roon sa reference section ang mga lumang book ng quotations.  ‘Yon mga ‘yon ang nilalagay ko kapag nagsusulat ako sa birthday cards or letters. Hehe.

Sa periodical section naman nakahandusay ang iba’t ibang kalumaang issue ng magazines and newspapers, may microfilm pa ha. Dahil isa na naman itong gilid-gilid area, type ko rito maglagi. Kapag nandoon ka kasi medyo feeling historian ka. Actually, tinitingnan ko lang doon ang mga lumang komiks, katandaang pictures ng mga sikat na artista noon pa like Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Eddie Garcia , FPJ, Robin Padilla, at marami pang iba. Isa pa, nababasa ko rin doon ‘yong mga babasahin na  hindi ko mabili at  kahit may pera ay ‘di ko rin bibilhin. Kaysa bumili ako ng back issue ng mga magazine eh di doon na lang.

Sa internet section ako talaga notorious.  Once na um-enter ako roon alam na ng mga librarian na maingay na naman.  Mahilig kasi ako mag-print doon ng mga anime materials ko na siempre wala namang kinalaman sa pinag-aaralan ko.  Eh dahil kakatipid type ko mag-print sa dot matrix na printer, e di ba tikitik ng tikitik ‘yon.  Tapos doon din ako nagta-type ng assignment ko na siempre bawal rin kasi nga internet lang. hahaha. Karma nahuli ako kung kailan naka-duty doon ang crush ko.

Napadpad lang ako sa Filipiñana nung nagte-thesis na ako.  Isa ‘yon sa ayaw kong section, next sa science & math section. Malayo na ang photocopy machines doon eh wala ka namang matima tas kailangan pang ipadaan sa mga librarian.

Pero, ang paborito ko sa lahat ‘yong circulation section dahil nandoon na halos lahat ng hinahanap ko.  ‘Yong mga librong pumupuno sa green card ko ay doon nanggagaling. Pero alam mo ba ang madalas kung iuwi o hiramin mula roon ay  hindi ko naman nagagamit sa pag-aaral ko.

Hiniram ko lang ‘yong “tom sawyer” nung tapos na naming pag-aralan. Mas pinili kong basahin ang Japanese book at psycho graphology kaysa Spanish namin.

Hay, ewan ko type na type ko makakita ng mga libro pero madalas masarap lang silang tingnan dahil bibihira lang ako ganahan magbasa dami na kasi agaw -atensyon ngayon.

Van del Bandel

Dear Van,

Ako rin type ko ring magbabasa pero hindi lang ng libro kundi maging blog, website, komiks, magazine kahit ‘yong mga vandalism sa CR at Bus.

Kahit anong mangyari don’t ever forget to read kahit ano pa ‘yan kasi iba ang hatid ng libro sa anumang uri ng nakikita ng mata.

Tandaan basa ha, hindi mga tumingin-tingin ng pictures then dapat kahit papaano ay may matitima ka.

Ate Jevz