Kaaliw sa Liliw and pointers for viajero’t viajera

Kaaliw sa Liliw and pointers for viajero’t viajera.

Paalala sa mga viajero’t viajera

  • Mag-research sa Internet (laking tulong ng mga blogs) muna para makakuha ng information gaya ng oras ng viaje at magkano ang pamasahe. Ang daan patungong Liliw mula Sta. Cruz ay medyo nakaka-tense dahil matarik at may ilang bahagi ang puro puno lamang ang iyong makikita. (maiging makipag-brainstorm sa iyong kasama at ‘wag mag-stick sa iisang plano.)
  •  Magtanong sa mga taong nakarating na o nakatira malapit sa lugar. Mayroon silang suggestions na makakatulong sa majayajay (smooth) mong road trip.
  • Magdala ng gamit. mabigat at bulky pero may pagkakataon na walang kuwenta ang ATM at cash sa wallet lalo na sa bundok malayo sa mga suking tindahan.  

BUKO PIE!

Buko pie
Buko pie

Ito ang pagkain na pangalawa sa inasam kong kainan kaysa sa ibang handa na nakaihain sa mesa noong birthday ng nanay ko. Nope,  hindi ‘yan luto sa amin kundi pasalubong ng tiyahin ko na taga-Laguna. Actually tuwing nakikita ko yung Auntie ko na’yon BukoPie ang tingin ko sa kanya. hehehe ( bihira kasi magdala ng espasol e).  Yan ang aking pampa-consuelo sa aking nagmamadaling araw na paghuhugas, kasalo ng mainit na kape! wahhhh

Masarap ang dalang buko pie ng auntie ko, the best sa lahat ng natikman ko, lalo na roon sa peke. Paano malalaman kung peke ang inyong binibiling buko pie? Kapag walang tatak na BFAD approved este kapag malauhog ang palamang buko. Pisatin n’yo muna bago bilhin  (hehehe) o tumingin muna sa binili ng iba.

mas maraming buko pie
mas maraming buko pie

Pero usually wala naman siguro nagbebenta ng original na buko pie sa bus at sa kalye kaya doon na kayo sa may puwesto. Since marami na ang nagbebenta ng peke,  ito yung picture (siyensya na kuha cp at natapunan ng tubig) ng karton na binibilhan ng tiyahin ko ng masarap na buko pie.

Mabuhay Buko Pie!

orient's buko pie2

i-click ang pic (below) para makabuko (pie)