Why I avoid watching local channels?

Kung pamukhaang TV lang naman ang pag-uusapan, hindi patatalo ang batang si Hoshi dati. Puwede niyang sabihin sa iyo ang programs ng Dos at Siyete from 5am to 12 Midnight. Pero paunti-unti haggang totally wala na siyang paki que mapanood niya o hindi ang mga dati niyang pinapanood.  Bakit nga ba?

  • Commercialism –  para sa isang 30-minute program dapat ay may at least 10-15 minutes na allotted time  para sa mga commercial gap. Pero ngayon gaano kahaba ang hinihintay na gap para sa kakapiranggot na airtime ng isang programa. bumaliktad na halos.   Number one na biktima d’yan ay mga drama series, especially ‘yong mga foreign.

Oh sige ibukod na natin ang advertising dahil ‘yan ang lifeblood ng bawat programa at TV channels. Ang nakakadismaya talaga ay ang content ng  shows. Kahit hindi ko masyado trip ang mga bida, basta maganda ang istorya at presentation panonorin ko. Eh ngayon basta may magawang show na pumpatok gayahan na lang ng gayahan. May mga istorya/program na hindi na alam ang patutunguhan. at sorry to tell pero hindi ako fan ng adaptation ng mga foreign shows. Mag-i-stick na lang ako doon sa original.

  • Management and Loyalty – aminin na natin na may kasiraan ang kompanya at talent kapag naglilipatan. Ako kapag nasanay akong makita ang artista sa ganitong network at nagsasabi siya ng pawang magagandang bagay dito then sinisiraan ang kabila. Matatandaan ko s’yang ganoon. Pero ano, karamihan ay lumilipat din.

I don’t blame ‘yong mga lumilipat after all ang artista ay hindi lamang nabubuhay sa kasikatan kundi sa talent fee.  Pero may iba dyan after lang talaga sa MAS malaking talent fee at pagre-reynahan o paghari-harian. Hindi rin masisisi na ang ibang sikat dati ay malaos o mahanapan ng butas dahil sa kanilang attitude problem sa personal.

Para naman sa mga network, ang nakakairita lang ay discover ng discover ng bagong pasisikatin na halos wala namang mga talent. Okay fine kailangan bigyan ng chance ang mga bago. Talaga namang maraming Pinoy na talentado, ang nakakalungkot lang ay madali nilang binibitiwan ang mga taong nag-aakyat sa kanila ng pera at nagseserbsyo naman ng tama.

  • Ratings – I think dito talaga ako unti-unting nawalan ng gana. Sige kayo na ang tunay na number one  pero puwede ba huwag naman ipagduldulan kada commercial break yan. Hindi nanood ang tao para malaman kung sino ang mas magaling kundi sino ang maghahatid sa kanila ng maganda, mapagkakatiwalaang at magpapasayang programa.
  • Erratic schedule – Para sa manonood na gaya ko, wish ko na mapanood ang programa ko sa araw na libre ako. Nakakabanas ‘pag nilipat pero dapat ko pa itong ipagpasalamat  na naabisuhan ako kasi may isang channel na kung makapaglipat-lipat ng programa ay ganun-ganon lang. Walang abi-abiso at biglang titigbakin sa ere. Clue anime tuwing Sabado ang pinapanood ko. at yung anime na iyon ay una kong napanood noong nag-aaral pa ako. Nakapagtrabaho na ako lahat-lahat ay hindi ko pa natapos. Ay naku wala na akong balak abangan pa sa TV yan. Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko, marami ng way ngayon.

And take note wala ng oras-oras ngayon, ang usapan na ay “pagkatapos ng tienes –tienes na programa. Eh madalas yang mga tienes na yan ay nag-e-extend pa ng oras.

  • Nonsense issue – Patulan ba ang hindi dapat patulan? Magpalaki ba ng issue wala namang value sa mga manonood? Utang na loob pati, yang personal hindi ba dapat nasa loob lang ng bahay ninyo. At ang nakalipas ay nakalipas na. Huwag n’yong kulayan ang terminong  public figure.

Nanonood pa rin ako once na while (lalo na sa Net25 At TV5), apparently may time pala ako na walang magawa. Mas gusto ko ang buhay na hindi laging nakatutok sa TV. Ang dami-daming puwede, makabuluhan at nakaka-inspire na gawain.

Naniniwala rin ako na hindi maganda ang mag-stick o  ang magpa-label ka as Kapamilya, Kapuso, Kabarkada o Kapatid. Ang mga ‘yan ay para sa kanilang management at talents dapat at hindi sa ating mga viewers. Doon tayo sa show na pahahalagahan ang oras na inuukol natin sa kanila at magbibigay sa atin ng dekalidad na program content.

Bow!

Napagtanto ni Bunso

Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!

Dear Ate Jevs,

Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana.  Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo.  Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest.  May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.

I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past.  Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa

Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.

Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya.  But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama.  Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.

Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.

May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito,  na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat.  At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.

Sincerely,

Nemitz B.

Dear Nemitz,

I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.

Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao.  Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.

Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!

Ate Jevz