Love actually,When You Finally Move…Craziness

Nambasted ka na ba?  O ikaw ang pinaasa, nasaktan at naghihinakakit.  Ikaw ang nang-iwan o ikaw ang  iniwanan?  Paano kung  none of the above? As in wala kang experience sa mga nabanggit pero  alam mo na nagmahal ka. How do you know if it’s love actually? When You finally says naka-move on ka na sa fantasy mo? hehehe!

Kaya naniniwala ako na puwede akong novelist dahil magaling akong gumawa ng love story.   Ilang beses na akong nakapag-joke na ganito ganyan tungkol sa akin at  sa ibang tao. Sample-sample-sample?

read: Kapanipaniwala si Hitokirihoshi

school in BinondoPero alam mo bang noong grade 3 o grade 4 ay may napaniwala ako na isa akong college student sa UP? Mayroon din yung feeling ko pinagti-tripan ako  kaya sinabi ko ipinagkasundo na ako ng Nanay ko sa isang kababata na nakatira na sa ibang bansa at hinihintay na lang ako magtapos. Ito ang malupit, hindi ko naman direktang sinabi pero tinawag kong pare at  sinabihan ko na” di tayo talo” ang isang manliligaw. at least di ko sinabi na tomboy ako ha, dahil hindi naman talaga.

result: Kinarma ako sa huli,  sinabi niya sa pinsan nya na crush na crush ko na “ganun ako” Hayun nagdamdam, nag-asawa ng maaga, at nagkaroon ng  dalawang anak… huwag kang maawa sa akin. yun lang na-imagine ko.

Winter Sonata StatuePero paano naman kung yung fantasy mo totoo, yung hindi joke. Yung kinikimkim mo lang dahil hindi mo alam kung ano bang right move?  Got to believe in magic, love moves in mysterious way dahil pati sa panaginip ayaw  akong tantanan.  Akalain ba naman na iniwan  daw sa akin yung motor at lisensya nya pero sya wala. Kaya ang sabi ko sa panaginip ko “ay naku panaginip lang ‘to!”

Seriously,  na-LSS ako sa Let It Go ng mga pamangkin ko.  Tinalo ang  latest anthem ko na If ever you are in my arms again. Pero ngayon gusto ko na balikan ang dati kong kinakantang Gone. why- why why? Tell Them It’s Human  Nature –  Gusto ko  na syang mapawi sa malikot kong isipan at mapaglaro kong puso.

Arthur Joon, George Rosales,  Laurence , Hugh Darcy, Isagani, Cris Pin  o Basil Yu – Nasan na u?

Mabahong Pick up line

Utot ka ba?

Kasi dapat sinasarili  mo na lang ang boses mo!

janitor  ka ba?

kasi  pati dumi ng iba, nililinis mo!

mukha kang kamote?

Kinakabag kasi ako habang pinagmamasdan kita

Ang pag-ibig ay parang tae…

Hangga’t di mo nailalabas, hindi ka matatahimik

Namomoroblema ka ba?

Dahil hindi ako mapakali?

Hindi mukha ka kasing natatae.

Para kang ihi..

Hindi na kita kayang tiisin

Para kang tae

Nakakatakot kang matapakan

Suppository ka ba?

gamot ka sa paghihirap ko.

pagtingin ko sa iyo’y kasing tagal ng traffic sa EDSA

ihing-ihi na akong i-date ka

tae ka pala e…

natural na lumabas ang damdamin ko sa iyo…

ipinupungginuhit ni ka Conrad Mananes

Note:  corny o tae, original composition ko ang mga ito…part ng PUPU SERIES ko. pero I wanna thank ka Ver and Jube sila inspirasyon ko rito.

Bonifacio Day

Pare-pareho kaming walang pasok ng aking mga pamangkin kahapon dahil nga Holiday. Tinanong ko ngayon ang mga pamangkin ko kung bakit walang pasok. Mabilisan ang tanong ko ha…

Yana: Kasi po Bonifacio Day

Hoshi: Sino si Bonifacio

Yana: si Andres Bonifacio

Hoshi: Ano ba si Andres Bonifacio?

Yana: Bayani

 

Hoshi: Bakit siya naging bayani?

Yana; (ngingisi-ngisi)

Hoshi: Sige okay lang yan, tutal alam mo kung bakit holiday ngayon.

 

Hoshi: Taga-saan si Bonifacio

Yana: (ngingisi-ngisi uli)

Rica: Cavite?!

Hoshi: Tama

 

Hoshi: Sino ang pambansang bayani?

Rica: Si Jose Rizal

Hoshi: Sino si Cory?

Rica: si President Cory Aquino

 

Hoshi: Sino si Lito Lapid?

Rica: Hala baka si Lapu-lapu yung sinasabi mo Tita

Hoshi: (hagalpak sa tawa at tuwa).

Rica: si Lapu-lapu na lang kasi.

Mabahong debate

  1. poopoong-wagi-

    Saan the best mag-pups maliban sa bahay?

Sawi: Sa dulong cubicle

Yagit: sa lugar na hindi matao

Wagi: kahit saan basta walang nakakakilala sa iyo

 Anong oras the best mag-pups kapag ikaw ay nasa opisina

Sawi: hmmm kapag break?

Wagi: kapag nakapag-break na ang lahat

Yagit: pag oras na –oras na. dala ka na lang timer.

 Ano ang motto mo sa pagtae?

Wagi: Time is gold, don’t waste your time!

Yagit: Shit ka, get real!

Sawi: No Guts, No Glory – No Pups, No Hurry!

poopoong-sawi-

 Anong  masasabi mo sa mga tao?

Wagi: “what is done is done, hindi mo na maibabalik kung anong nailabas mo na”

Yagit: Aanhin mo pa ang tissue kung inubos mo na ang dyaryo.

Sawi-Sawi: Ang pupu pare-pareho lang yan. Ang pupung mayaman inilalabas  sa toilet na may bayad, ang pupung mahirap  ini-squat sa inidorong binubuhusan.

 

ipinupungginuhit ni ka Conrad Mananes

Kung ang puwet ay isang tao, sino ito at bakit?

Ms. Sawi:  an ombudsman,  nilalabas nito ang baho ng masasasamang loob.

Ms.  Wagi: holdapper, ninanakaw nito ang  ilang sandali o oras ng iyong buhay.

Ms. Yagit: aktor, bakit? Binibigyan n’ya ng justice ang kanyang ginagampanan.

find more pupu jokes @ pupu series page of kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com