First Celebrity Crush: 10 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Di ko na matandaan yung eksaktong kauna-unahang crush ko kasi ang alam na alam ko ay mga crushes ko na anime characters at usually sa artista naman after pa rin ako sa personality at talent. Pero ito yung ilan sa mga first male and female celebrity crushes ko dati:

credit: twitter/realdepp
credit: twitter/realdepp

Johnny Depp – Gusto ko yung eccentricity ng personality n’ya at pagka- odd ng mga roles na pinipili n’ya. Guapo s’ya ‘pag walang make-up pero sanay na ata ako na lagi s’yang naka- in character look.

Diether Ocampo –  May kamukha s’ya na crush ko sa school pero nawala ang  paghanga  sa kanya dahil sa isang performance n’ya.

Daniel Radcliffe – bago si Bae Yong Joon (di na ngayon) ay Daniel Radcliffe muna ako dahil sa Harry Potter.  Malakas talaga ang dating sa akin ng foreigner na may salamin at tapos uma-accent (especially British). Pero nahirapan akong paghiwalayin yung actor at character kaya nung natapos yung Harry Potter series dahan-dahan nawala yung paghanga ko kay Daniel. Pero okay na ang personality n’ya – gusto ko yung perseverance n’ya to become a better actor. After ni Daniel si Hugh Dancy at  ngayon sina Jamie Dornan at Henry Cavill – notice the pattern?

Demi Moore – Maganda s’ya para sa akin, at mahilig ako sa brunette beauty

Catherine Zeta Jones – nagsimula ito dahil sa kapapanood ko ng The Mask of Zorro.

Tatluhan

Dahil three years na ang Hoshilandia Sr. heto ang  pakulong ek ek…

Rules:

i-post mo sa blog mo ang  Q & A na ‘to at palitan ang mga sagot ko ng sagot mo

i-link mo ang iba. siempre ako rin!

Dapat tatlo talaga, di sobra at di kulang pero puwede mag-explain

  1. Tatlong sikat mong crush – Bae yong joon, Robert Downey jr., Harry Potter
  2. Tatlong sikat na gusto mong maka-blog- Lea Salonga, Ariel Lin, Johnny Depp
  3. Tatlong ultimate love songs para sayo? – On My Own, A Very Special Love, Your Love
  4. Tatlong taong kakantahan mo ng mga ito? –Terence, Inspirasyon, si future
  5. Tatlong pinakamahalaga sa’yo? – Pamilya, Kaibigan, Pagkain
  6. Tatlong bagay kung bakit proud kang maging Pinoy? – Masayahin, mapangarap, malikhain
  7. Tatlong bagay na hate na hate mo? – maarte, traydor, hindi marunong magpahalaga
  8. Tatlong bagay na kinahihiligan mo? – blogging, films, restaurant city
  9. Tatlong bagay na gusto mong baguhin sa sarili mo – indecisive, walang focus, bagal kumilos

10.Tatlong favorite Pinoy Artists mo – Aiza Seguerra, Apl de Ap, Lea Salonga

11.Tatlong lugar na ipo-promote mo – Pan de Americana, QC Circle, Pundaquit Beach

12. Tatlong bagay na wish mong mangyari after three years – thriving biz, show, sasakyan o dyowa (Wahahaha!)

13. Tatlong salitang naiisip mo about blog – writing, networking, freedom

14.kung may movie about sa’yo, sino ang tatlong artistang pagpipilian mo – Jang Nara, Ariel lin, Julia Stiles

15.Tatlong bagay na ginagamit mong pampaguapo/pampaganda – panali ng buhok, face powder, at lip balm

16.Tatlong rason para magalit ka – pag sinabihan ako ng ‘di ko trip (puwedeng mura), sinaktan ako (physically) at pinadama sa akin na wala akong kuwenta

17.Tatlong rason para matuwa ka kinaiinisan mo – magbago siya, magpakumbaba at ipakita yung good sides niya

18.Tatlong rason para maniwala ka sa isang tao – may nbi clearance, consistent sa mga statements at may proof

19. Tatlong bibilhin mo na kakasya sa P300 – burger value meal with upsize French fries and extra gravy plus sundae, load 100, mumurahing tsinelas

20. Tatlong tao na bibigyan mo ng lucky charm – May Havoc, Jennyfer Sy, MCL

21.Tatlong tao na gusto mo i-meet in person – Sharon Cuneta, Lea Salonga, Black Eyed Peas

22.Tatlong salita na magde-describe sa’yo (bawal ang asl d2 lol!) – ambivert, casual, boyish

23. Tatlong alaala mo nung tatlong taon ka? – lobo, icecream, Daddy ko

24.Tatlong pagkain na hahanapin mo pag nai-stress ka – ice cream, music, purple nassau

25.Tatlong tao na gusto mong sumaklolo sa’yo pag nalaglag ka sa manhole – Jericho Rosales, CMC, at Eric Bana

26.Tatlong rason bat pumatol ka sa pakulong ito? – natural ako pasimuno, para masaya, para may sagutan ang iba

Bonus Qs

  1. Tatlong  naalala mong favorite mo sa Hoshilandia Sr. – B-day ni Nanay (monologue), Singleness, Pupu Series
  2. Tatlong adjectives mo para sa Hoshilandia Sr.? – kwela, ma-kwento, may kwenta
  3. Tatlong special message mo para kay Hitokirihoshi_kawaii? More power, mabuhay, vaya con Dios!

Mabuhay! Rafter, Katrina, Pong, Salbehe, Jec, Duking, Avi, Tim, Cute, Eloiski,Cuteberl

%d bloggers like this: