Ali Gaga

Dear Ate Jevs,

Hindi po ako Gaga as in, aanga-anga at hindi rin ako nakiki-ride on sa popularity ni Lady Gaga, kundi talagang Aligaga lang akong tao. Tipong lagi akong naghahabol ng oras, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, madalas may nakakalimutan akong bagay o tao, maramin dalang anik-anik at kung anu-ano pa na nagso-show na talagang busy ako.

Pero pag tinamaan naman ako ng topak ay tamad kung tamad ako. Kayang mag-stay ng buong araw sa kuwarto. Kung mangyari yun ay by trip lang o minsanan lang din.

Ang nakakaloka pa nito, kahit napapagod at medyo nai-stress ako gusto ko ang maraming ginagawa. Hindi yung iisa lang yung ginagawa ha, yun talagang marami akong inaasikaso. Walang lugar ang aantok-antok at pabagal-bagal. Iyon nga lang, alam ko dahil sa ganito kung ugali ay may mga trabaho akong kulang sa quality o hindi kaagad-agad matapos-tapos. Nawawalan na nga ako ng poise eh.

Pinipilit ko naman ang maging organisado at palagi akong nagti-take notes para paalalahanan ang aking sarili pero sadyang aligaga talaga ako. Hay paano po kaya ang gagawin ko?

Judith”Ali Gaga” Jones

Dear Judith,

Ikaw na ang nagsabing gaga ka ha, hindi kami. Pero ang pinakatutulong sa iyo ay ang sarili mo. Disiplina at patient, ang dapat mong matutuhan dahil malamang yan ang kulang kahit marami kang inaalam. Ewan ko ba sa iyo, ang gulo-gulo mo.

Kung wala ka naman minamadali at walang hinahabol, maghinay-hinay ka. Aanhin mo ang trabahong mabilisan kung hindi naman ito kay dahil hindi ka naka-deliver ng tama. Saka one at a time lang iha, para hindi ka mawindang at maguluhan.  Matatapos mo rin ang iyong mga gawain sa sikap, tiyaga at concentration.

Hay pati ako naaaligaga na at nangangarag  na e.

Mabuhay!

Ate Jevs

Welga

Sa awa naman ay hindi ako nahirapan sumakay nung Tuesday (march 11).

Naisip ko na ang magmaagang umalis nung araw na iyon dahil nga sa balitang strike. Eh sa road widening road mahirap nang sumakay , agawan pa ng sasakyan. Maaaga ako ng 10 minuto ( maaaga na sa akin yun) sa pa-late kung alis ng bahay nang tumungtong ako sa kanto namin. Sus ang daming tao… naisip ko ng mag-half-day.Pero mas type kong pumasok, wala naman akong gagawin sa bahay saka matatambakan me ng work.

Nung may makita akong jeep na SM North sumakay na ako kagad, kahit iba ruta nun sa usual na daan ko. Plano ko na mag-MRT na lang. eh nakita ko walang pila sa Philcoa. Kaya bumaba na ako run. Tas yun maaga pa ako nakarating sa office.

Actually, hindi na ako masyado nag-a-adjust ‘pag may welga. Alam mo kung bakit? Sa road widening road, maraming Protestors’ spots like Sandigan Bayan, Batasang Pambansa, and Agrarian. Diyan sa DAR naku bihira ang walang nakapaskil at nakatambay na raliyista.

Nung college days ko, welga rin ang isa sa pahirap sa akin maliban sa traffic. Ginagawa pa rin lang yung underpass sa may Highway nun. Nakakaloka, mahigit two hours lagi ang viaje ko minsan late pa. Yun ay kung nawawala na sa mapa ang España dahil sa baha. Nanggaling na ako sa welgahan, yung dadaaanan pati mismong eskuwelahan protestors’ spots din. Oh diba mga taga-UDMC at Mendiola, tama ako?

Nung mga unang buwan ko sa university yun ang nag-welcome sa akin… mga nagpo-protesta. Nagbibigay sila ng polyetos na naglalaman ng mga yun na… tas kanya-kanya rin silang sunugan ng puppets este effigies. And ang dami at tagal nilang mag-speech sa kanilang ever resourceful stage, likod ng truck.

Wala akong eklabu sa kanila… lahat naman tayo may kanya-kanyang ipinaglalaban pero aminin na natin na talagang pasakit ‘pag may welga. Haba ng lalakarin , ang hirap sumakay at nakaka-stress talaga.

Natatawa nga ako sa sinabi ng isang pangulo. Nag-provide raw siya ng sangdamukal na trabaho. Oo nga naman, sa dami nagpo-protesta jackpot ang mga coordinators at mga street vendors. Dagdag pa riyan ang paniniwala ko na hindi pwedeng walang bayad sa mga protestang ganyan especially yung kailangan ng hakutan ng tao.