ambisyosa

Siguro nga may negative concept once na tawagin kang ambisyoso o ambisyosa. Nakarinig na rin ako niyan sa pabirong tono.  Pero kung seryoso siguro masasaktan ako lalo na kung hindi ko trip yong nagsabi.

Gaya na lamang ng isang lalaki na kamakailan ay na-meet ko ulit. Hindi naman niya ako sinabihang ambisyosa at that time pero isa sa naaalala ko sa kanya ay ng once na sabihan niya ako na parang “oh ano ha, pahiya ka no?” kasi noon napasama ako sa isang play sa school na tinatawag na chamber theater. Hirap ako sa role na pinapaganapan sa akin kasi seryoso at isa akong ambisyosang mother na gustong ikasal ang aking unico hijo sa anak ng aking amiga.

Hindi ko hiniling na i-cast ako noon. So wala sa akin noong una pero nung inumpisahan ko na i-internalize at i-memorize yung character ang mindset ko ay ito na-gusto ko na siya. Eh hindi magustuhan ng instructor/director namin yung bato ko ng linya (old English kaya ang setting).  Medyo napapaiyak ako nung sinabihan ako ng instructor namin pero kinaya ko kasi that’s part of the production pero tumulo na ang luha ko nung sinabihan n’ya ko ng tienes niya.

Ang napunta sa akin ay ang role ng amiga noon. Halos equal yung bigat ng character pero mas lamang yung first kasi mas malaman ang mga lines. Gusto ko sabihin sa instructor namin na iba na lang- backout na ako. Pero imbes na gawin ko yun, dinoble ko na  lang ang pagpi-prepare. Kahit yung linya noong amiga ko halos makabisado ko na (hanggang ngayon may iba pa akong natatandaan). Itinatak ko sa isip ko na kailangang ipakita ko sa lahat at sa lalakeng yon na walang role na hindi magiging makulay sa akin. Vindicated, pinalakpakan kami at naka-receive ako ng papuri.

Kung ibabalik ang sandali na huling nagkita kami at humaba pa ang chance na mag-usap kami gusto ko sabihin sa kanya na siguro nga ambisyosa pa rin ako.  Ang ambisyosang ito ay gumagawa ng paraan para maabot ang kanyang pangarap. At kahit sabihin natin na ang layu-layo ko pa doon at least nagta-try ako. Alin ba ang mas masakit ang malungkot dahil hindi sumubok o malungkot dahil natalo? Eh saan ka ba mas tumatatag? Bow!

Superwhatword: Focus

superwhatword of gamehouse
superwhatword of gamehouse

“Concentration is the ability to think about absolutely nothing when it is absolutely necessary.” – Ray Knight

Isang araw sa aking buhay, matapos ma-reformat ang aming computer na tadtad ng virus, naatat akong gamitin ito. Bunsod sa ninais ko lang naman na subukan kung maiigi na ang kalagayan nito ay minabuti kong maglaro ng SuperWhatWord.  Maiba lang ba sa TextTwist, Solitaire, at FowlWords na madalas kung ipangpatalastas kapag nagtitipa ako sa computer.

Banayad naman ang daloy ng aking paglalaro. Wala akong iniintindi na may sinumang at anumang aagaw ng aking atensyon kapag nakita akong naglalaro sa computer namin.

Maya-maya napapansin ko na lang na nadagdagan na ang mga wikang kailangan kong buuin . Sa larong ito kasi hindi lamang pagbuo ng hinihinging salita ang dapat na isaalang-alang kundi maging ang oras at aksidenteng pagkakabuo ng wika sa pagdudugtong o pagpapalit-palit ng mga letra. Kapag nangyari iyon mawawala at maghihintay ka ulit ng paglabas ng letra na pwedeng makabuo sa hinahanap na salita. (Ipagpaumanhin, bukod sa mga binanggit ko, BattleCity at Need4Speed Underground hindi ko na kaya ang iba. Napapa@$# na talaga ako sa kaba.)

Ang pinagkaiba lang sa laro ko noon ay ‘di ko napapansin na mataas na iyong antas ko, na noon ko pa lang naabot. Kung hindi nga lang dumaan iyong kaibigan ng kuya ko na sinita kong ‘wag manood ay baka hindi pa ako natalo.

Ano ang kahalagahan ng nasabing partikular na laro?

Napagtanto ko na kaya mataas ang aking puntos ay dahil wala akong iniisip na iba.  Sa laro na lang mismo, hindi ako nakatuon sa kung ano kaagad ang mabubuo kong wika sa mga hinihingi.  Basta ang nasa isip ko kailangan mabuo ko muna ang wikang gusto ko mula sa mga letrang nasa screen.  Kahit kailangan kong mabuo ang pitong wika sa loob lamang ng ganitong segundo, wala akong pakialam basta kailangan matapos ko muna ang isa bago ako tumalon sa isa pa.

Hinuha:

Matagal ko nang napapansin sa aking sarili ang pagiging abala ko sa maraming bagay. Kung kayang makuha ang ilan sa isang pagkakataon, ginagawa ko. Hindi rin mapirmi ang aking isipan at mata sa iisang bagay, kailangan makita ko muna ang iba pa bago ako magdesisyon kaya naman hindi ko namamalayan na tumatagal ang aking ginagawa. Gusto mo ng isang mas malinaw na halimbawa?

Kapag nag-aaral ako, kahit anong linis ng lamesa, kailangan ikalat ko muna  roon ang lahat ng laman ng bag ko bago ako makuntento na pwede na akong mag-aral.  Hindi uso sa akin na kailangang maayos at nakasalansan ang mga gamit.

Kung tutuusin, napakadaling alamin kung saan ka mahina at kung ano ang pagkukulang mo. Pero bakit sa pamamagitan pa ng isang bagay o karanasan  mo mapagtanto ang isang simpleng ideya? Kaya ang leksyon sa akin ng laro ay sumentro o magkaroon ng focus.

Ano ang focus?

“Our thoughts create our reality — where we put our focus is the direction we tend to go.” – Peter McWilliams

Head to Toe: Sparkbook

Dear ate Jevs,

Nai-inspire po ako na gumawa ng scrapbook dahil na rin sa impluwensiya ng aking isang ma-pink na kaibigan. Ang dami-daming ko pong ideas pero nito ko lang po naisip na bakit ‘di ko simulan sa mga photos or things na magbibigay sa akin ng inspirasyon o yung tinatawag na sparkbook po, ayon nga sa isang website na nakita ko po.

Excited po akong simulan ang aking sparkbook, in-organize ko na lang po ang mga gagamitin ko at kung paano ko ilalagay ang mga iyon. Kakaisip ko po, dumating ako sa point na ‘teka ganito na pala nangyari sa mga pinagarap ko po noon at ano nga ba ang gusto kong gawin five or ten years from now.

Na-realize ko po na may mga bagay na kung ano yung ginusto ko po, yun ang nangyari at may mga type ako pero iba ang ibinigay sa akin. Halimbawa, may isa akong gustong-gusto na company na pagtrabahuan nun pero ang nangyari po, sa kalaban nun ako napadpad.

Parang ano po, yung mga natupad kong pangarap, talagang pinaghirapan ko po talaga. Sa start, lakas loob lang hanggang sa ipupursige ko na po kasi kailangan ko nang pangatawanan. Gaya nung kunin ko ang course ko. May iba po kasing gustong ipakuha sa akin yung family ko po.

Minsan naiisip ko po na, ano ba talaga? Yung pangarap ko po ba kailangan kong ipursige o hayaan ko na yung fate or destiny na lang bahala?

Gumagalang,

Karerina Go

Dear Karerina,

Naku iha! Tlgang nkka-aliw ang mga gnyang kbgayan, from diary to blog and scrapbook ay talagang maganda to express urself. Parang type ko na rin gumawa nyan.

Anyway, ur ryt sa iyong sentiment re sa mga dreams. But I think sa ganyang area may mga things na need mo tlgang pghrpan and may iba na ipaubaya mo n kay Lord! Just do ur best and hayaan mo sya ang gumalaw for u.

In a wei mllaman mo rin kung umbot k n s end pra i-pursue p ang type mong gwin. I remember yung isa kong na-interview na directress sa isang reputable school sa Makati. Ang claim niya , “enabler” daw siya. “I don’t want to wait for things to happen, I make things happen,” sabi pa nya s ‘kin I admyr that woman, knwing din her humble beginnings.

So don’t give up sa iyong mga endeavors, I think bata ka pa kaya go lang ng go!

Ate Jevz