Dungaw, a Puppy Love fiction (pu-fi)

Warning: mahaba ‘to, e kwento nga e

 

I.

 

Noong una wala ka lang sa akin, suplado ka kasi, minsan lang lumabas ng bahay at magkaiba ang henerasyon natin. Ako naman ay abala pa noon sa pakikipaglaro, lalo na sa mga nakababata mong pinsan. Pero, isang araw bigla mo akong tinitigan at tayo’y nagkausap. 

Dahan-dahan sa pakiwari ko’y nag-iiba ang trato natin sa isa’t isa. Palagi ka nang nakatambay sa harap ng bakuran n’yo, habang ako’y palaging napapadungaw sa bintana namin. Unti-unti nagugustuhan ko ang pagiging tahimik mo, ang ‘di mo paghuhubad ng T-shirt kapag nagba-basketball, ang itsura mo na laging mukhang presko kahit pagod. Maging ang pag-iwas mo sa mga inuman at ‘di paninigarilyo,  pagbabasa ng diyaryo at pagpapatugtog ng radyo. 

Alam mo bang napakasaya ko noong batiin mo ang pagsasayaw ko kahit parang  palpak naman  ang  nagawa ko.

 

II

 

Napangiti ako nang malaman ko na marami pala ang nagkakagusto sa iyo. Akala ko nga may nagustuhan ka sa isa sa mga kabarkada ng ate ko. Bigla-bigla hindi ka na lumalabas sa inyong bahay at nawala na rin ang alingawngaw ng iyong radyo.  Napansin ko na lang din na palagi akong niloloko ng kuya mo noong mga panahon na iyon.  Sila ba ang patalastas ng ating kwento?

Isang okasyon, nagulat ako dahil sumama kang makikain sa amin.  Sa bigla ko nga ay para akong naging istatwa at namula ang aking mukha. Kahit gutom ako nun, mas pinili ko ang maglagi sa kwarto

Naalala ko rin noong gabing ‘yon ay nagmamadali kang umuwi. Akala ko nataranta ka rin dahil bigla akong lumabas, iyon pala nahiwa ang daliri mo ng salamin ng mesa namin. Ang cute, namula ka rin nang magtama ating mga mata.

 

III.

 

Minsan umangkas ako sa tricycle ng kaklase kong lalake para maihatid malapit sa bahay namin.  Kung ano ang saya ko sa biyahe, iyon naman ang simangot ko noong makita mo akong bumaba ng tricycle. Nanginig ata tuhod ko noong tumayo ka at umalis. Tama nga ang song mo sa akin, “Isang Tanong, Isang Sagot” type ba natin ang isa’t isa?  

Pero mas nalungkot ako nang malaman ko na maninirahan ka sa ibang bansa.

 

IV.    

 

Ilang taon ang nakalipas, wala ng balita sa iyo at abala na rin ako sa ibang bagay. Isa sa inaayawan ko noon ay ang mamalagi sa tindahan namin, pero minsang abala ako sa pagnguya ng chichirya ay narinig ko na lang boses mo.

“Hi Hoshi!” bati mo sa akin. Noong araw na iyon, parang lalo kang gumawapo at hindi ako nakaimik. Sabi mo “hindi mo na ako kilala?” Kunwari, kinikilala kita pero sa totoo lang alam kong ikaw na ‘yon. Pero, ang mahirap sa iyo puro ka pagbati  at hindi ka marunong magpaaalam, lalo na nung muli kang umalis.

 

V.

 

Nitong Marso nabalitaan ko na darating ka at dahil may teresa na ang bahay ninyo hindi ko maiwasang tumingala rito. Subalit ilang linggo na ang nagdaan nun ay hindi pa rin kita nakikita.

Isang araw, naisipan ko na magsimba sa paborito kong simbahan sa Manila. Dahil inabot ako nang tanghaling tapat at nakita kong may mga basura sa tapat ng aming bakuran, medyo uminit ang ulo ko. Subalit, maya-maya  ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.

Nang tumingala ako, nakadungaw ka na sa inyong teresa. Binati mo ako at dalawang beses  naman kitang nasabihan ng “Hi!” Binati kita at sinagot mo naman ako sa wikang Tagalog kaya namangha ako sa iyo.  Iba ka kasi sa  nakatatanda mong kapatid.  

Maya-maya napadako ang tingin ko sa batang naglalaro sa tabi mo  Tinanong kita kong kaano-ano mo ang bata. Sinagot mo ang tanong ko at dahil doon gusto ko nang tumalikod kahit nararamdaman ko na gusto mo pa akong kausapin.  Pero tingin ko ‘di mo narinig ang tanong ko dahil saliwa rin ang sagot mo nang sabihin ko na kausapin mo ang kuya ko.

Hindi ko mapigil ang mapatanga sa tuwing naalala ko ang eksenang iyon, lalo na’t nalaman ko na hindi mo naman  nakausap sino man sa miyembro  ng pamilya ko o sa mga kapit-bahay natin. Salamat! Dahil nitong huling alis mo, isinigaw mo ang pangalan ko.

head to toe: blush on

Dear Ate Jevz,

Natuwa naman ako sa friend ko from Spain (Manila City) dahil binati niya ako in advance ng Happy Birthday. Maaga rin niyang ipinaalala na gumugurang na ako dava! Actually, bukod sa mga seryosong bagay na kailangan ko ng gawin bilang mature individual (chuz!), may bagay na pumasok sa kokote ko ngayong magte-twe…(sirit?) ay ang isang usapan nangyari mga sampung taon na ang nakakaraan.

Third year high school ako noon, nang minsan nakaistambay kami ng classmate kong si Dominga sa aming class room, nandoon din si Isabelo (na core commander naming na naging crush ko nung second year at naging crush niya rin ako, na nung malaman ko, ayoko na sa kanya) na nagpapagupit sa klasmyet naming si Gene ( short for Generoso!).

Tahimik kaming nagtsi-chikahan ni Dominga (pano yun?) nang umentra sa eksena sina Leopoldo at Dion (short for Dionisio). Umupo pa sila sa tabi naman ha! Nga pala that time, may HD (Hidden Dilemma! Ate Jevz) ako kay Leopolodo. Ngayon ‘tong si Dion (na ewan kung Orang Dampuan o taong Java) ay nagtanong, siguro para maka-singit sa malalim na pag-uusap namin Dominga.

Dominga: Syaks! may white hair na ako… san ka lalafang mamaya?

Me: depende sa iyo? Eh nakikikain lang naman ako sa baon mo eh. Eto nga kutsara’t tinidor lang baon ko.

Dominga: ah buti ka pa, hindi ka namomobrolema sa baon.

Dion: ano kaya tayo after ten years?

Dominga: (being so conservative young adult), ako nagtatrabaho, tutulong sa pamilya at di muna mag-aasawa.

Dion: (feeling crush ng bayan) ako malamang may isang dosenang anak na. Ikaw Liz?

Me: (na kunwari cool lang kasi kaharap si Leopoldo) malamang wala pa rin akong asawa nun at career woman din.

Leopoldo: ako rin, mga twenty… (sirit? Mas gurang siya sa akin ng two years) na nun, may hihintayin ako… hindi muna ako mag-aasawa.

So feeling ko naman, ako ‘yong pinatatamaan niya di va? Nang…

Dion: (nag-confess, ang hitad!) alam mo Liz, nung unang pasok ko dito ikaw kagad ang napansin ko (transferee ang damuho!) crush nga kita e.

Alam mo yun ate Jevz nasa momentum na ako nung sabihin ni Leopoldo yung may hihintayin siya..sabay sasabak itong Dionisio na ito! Namula tuloy ako at feeling ko uminit ang mukha ko… (‘yong tinatawag nilang Blush on…hahaha)

Sabay hirit naman ‘tong si Isabelo na nakikita na ang tinatagong poknat dahil kinakalbo na ni Gene.

Isabelo: Naka naman si Liz, kinikilig… nagba-blush…

Ako naman sa narinig na ‘yon although gusto ko ng mag-walk out, (as in nasa door na ako) bumalik ako sa inuupuan ko (at tatawagin ko yung blush off!) Hay… dun ko lang ata na-feel mag-blush… ha… High school life talaga… Kahit tostado si Leopoldo, na dark eh cute naman saka mabait( na hindi na raw ngayon, according to my kumareng Dominga) at ang galing-galing mag-drawing at maggitara.

Nagbabalik-tanaw,

Alicia Ictad

Dear Liz,

1 cool phse ng ating lyf ang HS deis natin…ei at least @ dot point of ur lyf e my nagka-crush sau. Up2 nw cguro may HD k p kay Leopoldo no, may I find u s frndster ng acct nya. N tingin me ay nhanap u but denilet u rin. Why? Ksi n- disappoint u s knya. But I thnk also nate-thrill kng mkta sya. Why? U lyk 2 nw kung mputi n sya at kung male p rin sya. hahahaha

Ate Jevz.

%d bloggers like this: