Bi-day ni Nanay (A Hoshi’s monologue)

I.

Birthday ng Nanay ko ngayon, pero wala ako sa bahay.

Malungkot ba  ako? Hindi naman, pabor pa nga e!

Pag-uwi ko mamaya, kakain na lang ako at kakanta sa videoke

Iyon ay kung mayroon at hindi ballroom ang magaganap.

II

Tulad noong isang taon, ganon din ang iniregalo ko sa nanay ko.

Mas okay sa kanya ‘yon, saka ‘yon din naman ang sabi niya.

Malaking diperensya noon bata ako, na hihingi ako ng pera

para ipambili ng regalo rin sa kanya at kalaunan ay hihingin ko rin.

III.

Specialty ni Nanay ang kilawing dilis pati na ang menudo at kaldereta.

Kaya tuwing may handaan kasama ang mga ‘yon  sa mga nakahain.

Noon ako na ang nagtotoka sa sarili ko na mag-waitress.

Pero mas type ko na ngayon ang maghugas na lang ng pinggan.

IV.

Wala ng makakasaksi kung gaano katagaktak ang pawis ko

Hindi na ako magtatanong ng “ate o kuya, tita o tito tapos na po kayo?

At maiiwasan ko na rin ang mga chikadora na panay ang chismak

“Ayan na ba yong bunso n’ya? Aba’y dati ganito-ganire lang yan e!”

V.

Kilala ko naman ang karamihan sa kabarkada n’ya,

mas kilala kumpara sa mga kamag-anak namin.

Mahirap kasi  tandaan ‘pag pare-pareho ang mukha

at minsan lang kung magpakita tapos magkakailangan pa kayo.

VI.

Ang mga amiga kasi ni mi Mama ay mga viva.

Hindi ka patatahimikin sa kakatanong at kakausyoso

Magkukuwento ng kanilang buhay, pamilya at pagkakaibigan

Na malamang ay mauuwi sa tawanan, sabay hampas ng abaniko

(buhahahaha)

VII

O s’ya-s’ya isa lang naman ang  gusto kong  sabihin talaga,

Maligayang Kaarawan Nanay Jules, more years to come – more

Blessings, more love, more peace of mind, and more power!

Vaya con Dios!

Happy Mother’s Day!

 

Madalas sa kainan ang bonding namin ni Manang Juling. Pwedeng may uusbong na diskusyon pero hindi ako nakikipagtalo sa kanya. Sabi nga ng mga kapatid ko, sa akin lang siya nakikinig, pero ang hindi nila maisip e kasi ako ang lagi niyang kausap.

 

Alam ng mga kapatid ko na hindi rin ako nominado for Best performer in a daughter role  Ang isang special skill ko lang ay matutuhang makinig sa mga kwento niya  Kahit paulit-ulit na at tila alam ko na ‘yon,  nakikinig pa rin ako kasi ang puno’t dulo niyan ay gusto lang niya  ng may ka-chat.  

 

Persona ko na ang magkaroon ng sariling mundo (paminsan-minsan). Subalit, kapag lumabas na ako roon, hindi ko kinakaligtaan  na may nagmamahal sa akin at karapat-dapat kong mahalin. Mahirap maging ina, lalo na kung nag-iisa kang umiintindi sa isang weirdo at mga pasaway mong mga anak

 yon oh, Hi C!

Ba’t ‘di n’ya ako pinagbibigyan at bakit niya ako lagi pinapagalitan? Madalas kong tanong bilang musmos na nene Naliwanagan ang kokote ko na hindi madali ang mag-alaga ng bata nang mag-yaya ako sa pamangkin ko. Nagsusumikap ako na maging pasensyosa pero nasasagad talaga

 

Alam mo ba ‘yong pakiramdam na mag-uumpisa ka ng managinip, tapos biglang iiyak iyong sanggol sa tabi mo. Para kang nahulog sa pagkakalaglag, na kung pwede lang i-tacker ang bibig niya e ginawa mo na…

 

Naranasan mo na rin ba ang humawak ng budget ng buong pamilya na tipong sa iyo manggagaling ang pera para sa tubig, kuryente, telepono, maging ng tuition fees at iba pang anik-anik? Akala ko okay na ang pagiging matipid ko  pero iba pala ang power ni Manang Juling. Kailangan marunong kang mag-priority at matutong humindi. Sige nga pano mo sasabihan ang kuya mo na magtipid na humihingi sa iyo ng baon.

 

Wala pa diyan iyong pagdalo sa mga gulo nila sa buhay. Naranasan mo na rin ba ang magpanggap kang guardian kahit sa tingin pa lang ay talagang mukhang bata ang itsura mo kaysa ipinapakiusap mo sa guidance counsellor? Sa bagay di hamak na maigi na ‘yon kaysa magsugod sa ospital o mapadpad sa presinto.

 

May nabasa akong English novel na nabili ko ng sampung piso. May isang character dun na galit sa style ng parents niya.  Pero ‘di naglaon, napagbulaybulayan niya na ginawa lang nila kung ano ang  alam nilang tama at nararapat. Mayroon  din silang pagkatao na  hindi lang dapat unawain kundi kailangan ding intindihin, dahil sa bandang huli, tao rin sila na may sariling mga paniniwala, pag-uugali at pangangailangan.

 

Kung ano ang ating magulang sila na ‘yon. May sarili silang background story na humulma na sa kanila ng maraming taon. Matampuhin, mahina, magagalitin, istrikto, parang walang  paki, eh ganon talaga…  Ako tinatanong ko sa sarili ko kung hindi ba ako ganon, sabi niya mas masahol  ka pa hitad!  ‘Pag majunda ka na baka ikaw na ang “oldest weird on earth.”

 

Kaya payo ko lagi kay Manang Juling, mag-ballroom kayo at magpakasaya… malalaki na  kami…”Be Happy, yoh!!!!”

 

 Advance Happy Mother’s day  sa lahat, lalo na kay Manang Juling. Pati na rin kina young Mommy Tonet at Hot Mama Tet!!!