Ang Pinakapaboritong Nora Aunor Movies

At last may nakita na po akong video rental shop na malapit. At ang isa sa mga unang pelikula na aking hiniram ay ang huling commercial film ng tinaguriang Superstar ng local cinema na si Nora Aunor.

Ang Naglalayag ay pelikula niya kasama sina Yul Servo, Aleck Bovick, Jaclyn Jose, Chanda Romero, Irma Adlawan, at Celia Rodriguez. Hindi ko type ang istorya kasi di ko masakyan pero hindi ko naman sinasabing pangit. Siguro nga ay effective si Nora rito kasi kahit papaano napa-isip talaga ako kung what if ay mangyari rin sa akin na umibig ako sa isang mas bata sa akin, tipong mga dekada.

Mas gusto ko pa rin ang mga luma niyang pelikula na napanood ko – Ang Minsa’y May Isang Gamu-gamo, The Flor Contemplacion at Himala. Interesado naman akong mapanood ang kanyang Ina ka ng anak mo, Bona at Tatlong taong walang Diyos.

Samantala narito naman po ang countdown ng Pinakapaboritong Nora Aunor Movies na itinampok sa Ang Pinaka.

10. Merika (1984 at directed by Gil Portes)

9. Bulaklak sa city jail – (1984 at directed by Mario O’ Hara)

8. Bakit BUghaw ang langit, (1981, dinirek ni Mario ‘O Hara)

7. Atsay (1978, dinirek ni Eddie Garcia)

6. The Flor Contemplacion Story (1995, dinirek ni Joel Lamangan)

5. Ina ka ng anak mo (1979, dinirek ni Lino Brocka)

4. Bona (1980, dinirek ni  Lino Brocka)

3. Minsa’y isang gamu-gamo (1976, dinirek ni Lupita Kashiwahara)  ito ay tungkol sa isang nurse na mangingibang bansa na sana papuntang Amerika. Pero nabaril ang kanyang kapatid ng mga air force na kano.  Dito nagmula ang linyang

“My brother is not a pig, my brother is not a pig. Ang kapatid koy’ tao. Hindi baboy damo.

2. Tatlong taong walang Diyos (1976, sinulat at dinirek ni Mario O’ Hara)

1. Himala, (1982, dinirek ni Ishmael Bernal)–

kwento ito ni Elsa na di umano’y pinapapakitaan ng Mahal na Birhen at nakapanggagamot. Dumating ang puntong nawalan na umano siya ng kapangyarihan at sinisisi siya sa pagkamatay ng kanyang matalik at tagasuportang kaibigan. Anong nangyari? Panoorin ninyo.

Dito nagmula ang linyang “Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Tayo ang gumagawa ng mga himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa, ng mga dios.”

At para sa mga hindi pa nakakaalam ang Himala ay kinilala ng CNN APSA Viewers Choice Award bilang Best Asia Pacific Film of all time . Tinalo nito ang Seven samurai ng Japan (2nd place) at   sikat na Crouching Tiger Hidden Dragon ni Taiwanese director Ang Lee at co production ng China, Hong Kong, Taiwan, at United State.