Confession of a slayer

Dear Ate Jevs,

Sisimulan ko ang aking kwento noong 1995 kung kailan ako naospital. Sa loob ng ilang araw na naburo at nakakadama ako ng sakit, unti-unting nabuo sa aking isipan ang masidhi kung pagnanasang pumatay.

Pagsapit ng dilim o kahit sa tanghaling tapat, kapag may nararamdaman ako sa aking binti… naroon ang bugso ng aking damdamin. Napopoot ako at gumagawa ako ng paraan para pumaslang.  Gusto ko ang makakita ng dugo, gusto ko madami at mas matinding paraan ang nagamit ko, mas ikakasiya ko.

Nag-umpisa ako sa paggawa ng bitag sa aking mga biktima. Isa sa mga una kong ginamit ay ang pagpapaamoy ko muna sila ng 1isang bagay na kung saan unti-unti silang mahihilo at kalaunan ay mamatay. Ginamit ko rin ang technique na itinuro ng aking tiyahin, ang pagpahid ng gamit na gamit na mantika sa ‘di na ginagamit na plato. Sa pamamagitan noon, madali akong nakakadale at hindi na sila nakakawala sa aking maitim na balak.

Pero nagkaroon din ng pagkakataon na kusang lumalapit na sa akin ang aking mga biktima at napapatay ko sila ng ‘di sinasadya.  Naisip ko na rin na kailangan kong pigilan ang aking sarili at iwasan sila. Bumibili ako ng 2 gamot, matama ko ‘yong pinapahid sa aking binti at hita, oras na umaatake ang aking topak.

Ngayon nate-tempt na naman ako na pumatay, lalo na’t kakunstaba ko na ang aking buong pamilya. Mayroong kaming pinakabagong kinahuhumalingan na pampatay.16-06-09_0604

Oh ‘di ba para lang kaming naglalaro pag pumapatay ng lamok… ganda pa niyang spark lang ng spark habang tintetepok ang mga lamok.

June Antonio

——–

Dear June,

Ewan ko sa iyo June, tinakot mo ako, iyon lang pala. Hahaha! Pero mabuti ngang puksain ‘yang mga yan dahil mahirap magka-dengue lalo na’t tag-ulan ngayon.  Alam mo bang ang dengue ay pwede kang patayin in one week kung hindi maagapan?

Kaya po mga ka-Hoshilandia, ingat po palagi at panatilihin ang kalinisan sa inyong kabayahan. Lahat ng iniimbak na tubig ay takpan at linisan ang mga kanal. Isang sintomas na ng dengue ay pananakit ng tiyan at tuloy-tuloy na lagnat.

16-06-09_0606Ayon sa aking pagkakatanda, ‘yong mga nagkakaroon ng red rushes or spots (maliit masyado) ay third stage na at kapag nilabasan na ng dugo ang ilong o bibig, 4th stage na ‘yon. Kapag ganun malala na ang dengue at maaari ng mabingit sa kamatayan.

Paalala ng inyong abang lingkod,

Ate Jevs

Note

1 katol

2 off lotion

Paranoid

Bago ang lahat condolence muna sa family & friend ni Francis Magalona!

Go!

Lalo atang lumala ang pagiging paranoid (exhibiting or characterized by extreme and irrational fear or distrust of others) ko, especially at maraming news about sa iba’t ibang sakit.

plpa0124Nung bandang January magkasunod na nagkasakit sina Pauleen Luna at Angel Locsin ng Dengue. Dahil second time na nila ‘yon, parang imbes na ma-immune (akala ng iba, immune na kapag nagkaroon) ay mas malala ang naging lagay nila. Halos pareho silang nabingit sa kamatayan. Hindi ako natatakot dahil kasi pareho kaming magaganda (charot!), kundi dahil nagkaroon na rin ako ng dengue before. So like them, ‘pag nagka-dengue ako pangalawa ko na rin yon.

One week akong na-confine at naka second stage na ako noon. Konti na lang ata third stage na (‘yong nilalabasan ng rashes.) O nga pala ‘yong forth, ang pinakamalala o final stage, iyon naman ‘yong nilalabasan na ng dugo sa saan mang trip lumabas noon. May kapit-bahay kami in one week, patay! (nanakot talaga di ba?) So takot pa rin si ako. Ang hirap pa sa gamutan ng sakit na ‘yan ay every six hours kinukunan ng dugo. Ganda ng tulog mo eh, bigla kang tuturukan ni Nurse.

Actually, nung bata ako sakitin ako talaga. Pisngi ko lang ata ang di pumapayat. Kahit na anong vitamins na ipinainom sa akin ni Manang Juling, wa epek. Hirap pa naman lunukin nung iba na ang lalalaki ng capsule. Busog na busog na rin ako sa tatlong kutsarang kanin at isang maliit na mangkok na ulam. Siguro, ang maganda lang na naidulot ng pagka-confine ko ay mas naging healthy ako pagkatapos. Tas ‘yon nagkalaman na ako.

Last year naman, si Ex. Pres. Cory Aquino na-diagnose na may colon cancer. Kasama na siya sa listahan ng mga celebrities na dinapuan ng sakit na ‘yan like Rio Diaz, Chat Silayan, Jun Encarnacion at Joey Albert (na may isa pang cancer before) Eh sa ganda ng eating habit at digestion ko, natatakot din ako.

At eto na nga ‘yong kay Francis, ang leukemia. Dati yang sakit na yan, maganda lang gawing problem/conflict sa mga telenovela. Eh this time totoo na siya, so ako naman… napa-paranoid na naman. Last month binalingoyngoy ako kahit maghapon ako na nasa office (may aircon naman kami no), tapos hmmm may month na … at  nagkaroon ako ng malaking pasa as in bukod pa sa ibang maliliit. Pero bini-blame ko naman ‘yan, sa aking pagiging mutant sa bahay. Ewan kong masyado lang ako natatakot sa mga bali-balita. Pero I know na kailangan na maging aware ako sa impormasyon, magandang lifestyle at good diet. Good thing lang talaga, wala akong bisyo maliban sa pagkakape.

Ang isa pang bahagi ng pagiging paranoid ko ay sa tao naman. Lalong lalo na sa mga matataong lugar, may konti akong masagi o matabig, tinitingnan ko mabuti or pinakikinggan ko kung may sasabihin. Baka may sabihin against sa akin e. Hindi ko naman aawayin (hindi naman ako war freak no!) basta tinitingnan ko lang. Tas pag napatunayan ko, saka na ako gumagawa ng action.

Ito sample, sumakay ako sa isang magandang bus. Kaso nga lang ‘yong inuupuan ko mismo medyo umuuga. Maya-maya napansin ko, panay kislot ng katabi kong Ale na parang nasa 40-50 years old na ang edad. Medyo iniiwas ko ‘yong katawan ko sa kanya pero di ba ‘yong upuan ang may problema at hindi ako. Eh panay ang kislot, ‘yong galaw na hindi mapakali na tipong nakaka-distract na talaga para sa akin. So nilakasan ko ang loob ko na tingnan siya ( pag matanda talaga sa akin, lahat ng pagtitiis ginagawa ko, respeto na lang baga) para sabihin na yung upuan ang may problema kong nirereklamo nya ang pagbangga ko sa kanya.

Ay sos si Ati, nakikinig pala ng mp3  at bigay na bigay pa sa pagkanta ng “Crazy for you” Pastilan!