Lagpas-lagpas

Isang tanghaling tapat inutusan ko ang aking pamangkin na si Rica (8 years old) na bumili sa tindahan namin.

Imagine na ang aming hapag-kainan ay katapat lang din ng pintuan at doon ako nakatingin habang hinihintay ko s’ya.

Nung bumalik siya kitang –kita ko kung paanong lumagpas siya sa may pintuan at bumalik para pumasok.  Patakbo kasi siya nung bumalik.

Mula sa pintuan hanggang sa pag-upo niya ay hindi ko mapigilan ang aking pagtawa.

Rica: Bakit?

Hoshi: Wala nakita ko kasing lumapagpas ka, wahahaha!

Rica: Bakit ikaw ba hindi lumalagpas ‘pag  nakakatulog ka sa bus?

Ako at ang ina n’ya ( ate ko): Naisip mo ‘yon!!!

Bonifacio Day

Pare-pareho kaming walang pasok ng aking mga pamangkin kahapon dahil nga Holiday. Tinanong ko ngayon ang mga pamangkin ko kung bakit walang pasok. Mabilisan ang tanong ko ha…

Yana: Kasi po Bonifacio Day

Hoshi: Sino si Bonifacio

Yana: si Andres Bonifacio

Hoshi: Ano ba si Andres Bonifacio?

Yana: Bayani

 

Hoshi: Bakit siya naging bayani?

Yana; (ngingisi-ngisi)

Hoshi: Sige okay lang yan, tutal alam mo kung bakit holiday ngayon.

 

Hoshi: Taga-saan si Bonifacio

Yana: (ngingisi-ngisi uli)

Rica: Cavite?!

Hoshi: Tama

 

Hoshi: Sino ang pambansang bayani?

Rica: Si Jose Rizal

Hoshi: Sino si Cory?

Rica: si President Cory Aquino

 

Hoshi: Sino si Lito Lapid?

Rica: Hala baka si Lapu-lapu yung sinasabi mo Tita

Hoshi: (hagalpak sa tawa at tuwa).

Rica: si Lapu-lapu na lang kasi.

Mabahong debate

  1. poopoong-wagi-

    Saan the best mag-pups maliban sa bahay?

Sawi: Sa dulong cubicle

Yagit: sa lugar na hindi matao

Wagi: kahit saan basta walang nakakakilala sa iyo

 Anong oras the best mag-pups kapag ikaw ay nasa opisina

Sawi: hmmm kapag break?

Wagi: kapag nakapag-break na ang lahat

Yagit: pag oras na –oras na. dala ka na lang timer.

 Ano ang motto mo sa pagtae?

Wagi: Time is gold, don’t waste your time!

Yagit: Shit ka, get real!

Sawi: No Guts, No Glory – No Pups, No Hurry!

poopoong-sawi-

 Anong  masasabi mo sa mga tao?

Wagi: “what is done is done, hindi mo na maibabalik kung anong nailabas mo na”

Yagit: Aanhin mo pa ang tissue kung inubos mo na ang dyaryo.

Sawi-Sawi: Ang pupu pare-pareho lang yan. Ang pupung mayaman inilalabas  sa toilet na may bayad, ang pupung mahirap  ini-squat sa inidorong binubuhusan.

 

ipinupungginuhit ni ka Conrad Mananes

Kung ang puwet ay isang tao, sino ito at bakit?

Ms. Sawi:  an ombudsman,  nilalabas nito ang baho ng masasasamang loob.

Ms.  Wagi: holdapper, ninanakaw nito ang  ilang sandali o oras ng iyong buhay.

Ms. Yagit: aktor, bakit? Binibigyan n’ya ng justice ang kanyang ginagampanan.

find more pupu jokes @ pupu series page of kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com 

The right choice of word? a DICTION?

(Note: Fine isulat o hulaan ang correct term o sagot sa inyong comment…yon ay kung may tama ka!)

 

Gigabyte

Baradong-barado na ang inidoro dahil hanggang 1gig (gigabyte) lang ang capacity nito.

Coming- out

“Sir coming out ka na ba (CR), going in na sila sa ibang store.”

Flyover

Kataka-takang may namamatay sa highway na ‘yon, eh ang dami-dami namang flyover para sa mga tao.

Professional

Ati: Hindi ka naman marunong maglaba pero ang mahal mo naman maningil?!

Hoshi: Professional ako e, kahit hindi ako marunong maglaba.

Diamond

Ilang gramo ng diamond ang nasamsam n’yo sa kisame n’ya?

Tipak

Bumili ng isang tipak na tawas si Oswaldo sa Aling Yska Sari-sari Store

Tumpok

Mahilig humithit ng isang tumpok na sigarilyo si Patrash bago siya naging suki sa Lung’s Center.

Sinagi

Sa salaysay ng saksi, nasagi lang ni Dioning si Quatro bago ito nalaglag sa underground floor mula sa roof top.

Sinipit

Matapos ang matagal na pagkakalayo, nagsipitan ang masyota nang magkita sila sa airport.