The girl with the dragon… skirt

Kamakailan umalis kami papuntang Baler dahil puro t-shirt at jeans/cargo pants ang mga kadamitan kong casual ay naisip kong bumili ng skort. oo yung short na nagpapanggap na skirt.  Alangan naman kasi mag-dive ako sa tubig na naka-pants.

Nung nililigpit na ‘yong mga damit, nakipagtalo daw si Nanay  sa kasama namin sa bahay.  Isauli raw ‘yong palda doon sa isang nangungupahan sa amin baka napasama sa mga nakuha sa sampayan. Sabi ng kasama namin, akin ‘yon kasi halos mga damit ko ang mga nilabhan n’ya.  Ayaw daw talagang maniwala, kasi hindi naman daw ako nagpapalda.

Oh well kilala nga ako ng Nanay ko at ang lesson ‘pag bumli ako ng pa-girl na outfit ay ipakita muna sa kanya, baka ipamigay n’ya sa iba.