100 Things About Me III

68.  nakatagilid akong manood ng TV or sine

69. mahiyain ako magprisinta pero gusto ko rin bumida sa dancing, singing and acting

70.  honestly, natural sa akin ang maging masaya at makuntento  sa pagkapanalo ng iba (kahit nakalaban ko) lalo na kung deserving naman.

71. favorite dessert ko ang ice cream, leche flan, at ube halaya

72. tumatakbo ako dati sa Ultra, Pasig ( detalye pag bumalik na ang Hoshilandia.com)

73. takot akong makuryente kahit sandali or kaunti lang

74. mayroon akong 9 na nakakatandang kapatid

75. nakatikim rin ako ng 3.5  grade sa Math noong college, nagawa kong 1.75 nung midterm

76.  childhood crush ko ang barkada ng kuya ko na tinawag na suplado ng pinsan ko at tinutukso ng nanay ko sa ate ko. secretly, naging mag-MU kami (wish)

77.  i think may extra-ordinary power ako when it comes to dreaming

78.  girl crush ko si Catherine Zeta Jones especially nung Mask of Zorro days nya

79. May times na hindi lang ako basta bagot, talagang sadyang down and sad

80. miss ko na ang mga friends – CMC, classmates noong highschool, college at sa Ortigas

81. Curly ako, inborn

82. i think niligawan ako ng 2 tomboy or bi sexual kong friend, supla- friend is friend and girl is girl for me

83.  nagmarka sa akin ang pamamahiya ng teacher ko noong elementary kaysa  noong minura ako nung principal ko noog high school

84.  Turn off traits for me ang lalaking mas nagger pa sa babaeng hindi inuuwian ng asawa at antipatiko na wala sa lugar

85. isa akong batang Kyusi, Escolarian (if you know what I mean) at nagwo-work sa City of Make It Happen

86.  sensitive ako sa usapang behind my back

87. Okay lang sa akin na i-criticize ako basta i-prove mo sa akin na may right ka

88. hinahanap ko ang una kong tinawag na best friend – si Maricar Briones na nag-aral sa Dona Juana Elementary School

89. naniniwala ako may kanya-kanyang level ng kaplastikan na ang iba ay helpful at ang highest form ay harmful

90.  sa st, jude mendiola at monasterio de sta. clara ako madalas na nagpupunta na simbahan

91. muntik na akong maglayas noong high school dahil sa pekeng pera… hehehe

92.  best years for me so far: 1993, 1997, 2001, 2007, 2011, and 2012

93.  na-harass na ako, seriously

94.  even for my family and friends- business is business and utang is utang for me…”hindi kumo’t nakikita nila na may pera ka pa naman, okay lang na hindi magbayad.  lalo na sa mga hard working at tinitipid ang sarili, deserve mong mabalik ang perang ang bilis mong pinahiram. ang nakaka-sad pa nito, naniningil ka na nga lang para maitulong mo sa iba sila pa ang galit. sad to say may 2 friends akong nagpakilala sa halagang 2K and 3K. actually, it’s not about the price but about giving value sa friendship and word of honor.

95. gusto kong makapag-publish ng book-hindi ko na nga lang alam kung anong klase kasi give up na ako sa children’s book

96. pangarap ko rin ang makapag-put up ng online magazine at makapag-radyo

97.  hindi ako nagsisi sa mga nabasted at napalampas kong possible BF, basta ang alam ko  darating na lang yon o ako na mismo hahanap sa kanya. yeeehah!

98. marami akong alter ego online or offline

99.  dati at muling magbabalik ang aking mga obra sa Japan (pero sana makarating naman ako dun diba?!)

100. seryoso ako pag di mo pa kakilala, jolly pag medyo na, at maloko pag matagal na.

parang kulang  pa pala ang 100 gawin ko na kayang 150? hehehe ask your personal questions-email sa hitokirihoshi@gmail.com hohoho

100 things about me

Ilang points na lang makaka-100,000 na ang hits ng Hoshilandia Sr ko. pampasaya habang nire- resurrect pa ang Hoshilandia.com (huhuhu). Parang kailan nga lang ay masaya na ako sa apat isang araw, Parang kailan lang na tinatago ko pa sa iba. at parang kailan lang na sobrang active ko mag-blog dito para gumawa ng kalokohan, ang magseryoso at mag-share ng kung anu-ano.

At dahil pinagtagpi ng tadhana at may time ako at hinihintay ko ang pagbabalik ng aspectos de hitokirihoshi. magsi-share ako ng ilang kabagayan about me.  baka hindi ko kayanin ng isang bagsakan so let’s see kung may sequels.  so gorah

 

1.  Gusto ko nang makabalik ang salbehe.com, iamstorm.com and hoshilandia.com sa ere

2. Gusto ko makapunta sa  Japan next year

3. Pampakilig..iki-claim ko na magkaka-love life ako this year.

4. Naniniwala ako na ‘pag ginawan kaming mag-Nanay ng masama, binabalikan ng karma ang taong gumawa sa amin ng masama

5. May sinusunod akong number  kapag ako ay nag-i-invest – 21- 17- 7

6.  ang kulay ko ng confidence ay blue pero favorite color ko ay Orange kasama ng Purple at Silver

7. Mahilig akong uma-attend ng seminar na libre lalo na pag may kinalaman sa blogging, financial literacy, scrapbook, arts and culture

8.  Nagpapa-autograph ako sa writer, hindi sa artista

9.  Humihilig ako sa artista kapag nagpa-picture ( para kunwari close)

10. Gusto ko pag-aralan at pasukin muli ang Mutual Fund

11. Hindi ko pa rin nagagawa ang scrapbook ko about blog and travel

12. gusto ko bigyan ng t-shirt ang lahat ng sumali sa sa Blog Life Contest ko. kailan? di ko pa alam

13. Happy ako sa bago kong schedule sa office – 7am to 4pm

14.  May possibility na iwan ko ang Pinas at lumipad sa New Zealand ( undecided)

15.  Pangarap ko ang makapag-radyo kahit taga-gawa lang ng script or gumawa ng feature news

16. Gusto ko magpa-picture at ma-interview si Jericho Rosales bago sya ikasal kay Kim Jones

17.  Hindi ako palabati in person lalo na sa mga lalake- isang bagay na pinagsisihan ko minsan pero sadyang ganun lang ako

18.  favorite kong i-request ipaluto ay sinigang  na baboy at adobong adidas

19. mahilig akong mag-uwi ng sapin-sapin

20.  Hindi ako  mahilig magpalda pero lintik babae ako dugot-laman ( palda lang ata tingin ng mga girls para masabi kang straight. hello mas maganda pa ako sa iba sa kanila. hahaha

21. favorite band ko noon ang Rivermaya

22. mahilig akong kumanta lalo na pag nagsi-CR yun na ang way ko ng pag-ere at pampainit pag maliligo ng madaling araw

23. nabawasan ang pagka-crush ko kay Bae Yong Joon noong nakarating na ako sa South Korea.

24. Nagko-collect ako ng mga Superhero movies, dance flicks, action films (especially babae bida) at ilang romantic films -Original VCD

25. Magulong-magulo ang kuwarto… at alam na alam ko kung saan lahat nakapuwesto ang mga gamit ko.  chuz!

sundan ang part 2 sa susunod…

“,)

So after all I have art in my body

Let’s say na through the years, I gain confidence when it comes to blogging.  So in the art of writing pwedeng pasado na ako but when it comes sa ibang art especially sa mga  handicrafts sobrang below sea level ang aking self esteem. Babalikan ko pa ba ‘yong ipinahiya ako sa klase ng aking elementary teacher? Pero nagbago ang lahat, when I made something because of concern or let’s say Love.

Remember my Kopikey Kurtain ,which I published in Hoshilandia.com (if I’m not here, i’m there- so please visit this site too)?

Nanalo ako sa contest na kung saan ko ito isinali. Sobra itong nagpataas ng aking trust rate -sa art -ayon sa aking sariling survey. Dito ko na-realize ‘yong sinasabi ng Iba na they don’t actually care about the prize ( pero siempre impossible naman na hindi) kundi dun sa something na ma-prove sa iyong sarili. At ito na ‘yong isang dagdag na kwento sa Iba na masaya ka na makakain na sulit meal tas bigla may nagbigay na ng extra rice at may dessert pa.

Thank you very much sa Craft Time Magazine sa pagpili nila sa aking entry. I’m looking forward na makita ang aking pa-cute na pagmumukha at medyo  generic at nakaka-addict na real name kasama ng aking pinaghirapanng curtain sa special feature section sa kanilang next issue.

Sana lang suportahan ako  mga ka-blog ko. Grab your copy now! Damayan n’yo ako sa aking art journey. hohohoh!

update: Hoshilandia.com is still under medication

The good news lahat ng sites under salbehe network ay okay na.

the bad news exempt sa akin.  Kanina gumana na yung mga plugins ko pero yung site hindi na “page not found” kundi “Directory has no index file.” I don’t know the meaning of that pero I believe little by little mababalik na. Sana nga!

Limang araw na rin ang nakakalipas. Iba yung hindi mo lang nadadalaw o naa-update ng isang linggo pero alam mong gawa naman kaysa ilang araw na hindi mo magalaw totally.

I’m assessing myself, kung ano ang kutob ko. Sabi naman ng sarili ko mukhang magagawa raw. Pero just in case na hindi na makabalik, isang malaking panghihinayang. Pwedeng hahambalang sa isang tabi, titingin sa kawalan, magdo-doodle pero siguradong babangon uli . hehehe. Bawal ang nakahilata sa amin.

Sa puntong ito ng aking buhay (punto talaga di ba?!), napapatunayan lang na tama ang aking decision na huwag iwan ang Hoshi Sr.  Para itong deodorant, it wont let me down. hehehe