Blogging is sending a message

Hoshi: You know what?

You: What?

Hoshi: Blogging is not about telling your stories but also sending meaning messages not once but 2 glasses   to as many people as you can around the globe. Ito na pakikibaka mo para ma-promote ang adhikain mo…

Kawal ni Prinsesa Musang: Hep-hep-hep! Parang may mali sa sinabi mo ka Hoshi? Bawal yan!

Hoshi: tsori po! Para sa mas komprehensibong pangangatwiran ni  Prinsesa Musang sa kanyang pagba-blog. Basahin ang kanyang entry na may pamagat na

It Won’t Be Soon Before Long: Changes Blog Life Contest Entry .

Ikaw , bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

Hoshilandia is under construction…

…Because Hoshi Sr misses me

Iyon ang dating sa akin, bakit ba? Para kasi akong sinipa palabas ng highway nang di ko alam kung paano bumalik. Ligaw at lito na ako pero kailangan ko pa ring  huminahon. Ano bang magagawa kundi magsisi at umisip ng solusyon o mag-merienda muna. Hehehe

Wala naman akong sisihing iba kundi ang sarili ko . 2nd time na ito, so wala talaga akong pinagka-cute-an. Eh ganun talaga, kailangang sumubok para magdusa, para mas matuto at mas maging maalam. Test of patience although para akong nagtapon ng buong isang araw when in fact marami akong naka-line up na gawin.

Anyway, let’s talk other lessons in life…

“Do it now! Today will be yesterday tomorrow” – Our Daily Bread

Bumasa ka ng business books, self-help books, at kahit fashion magazines may babanggitin silang “now na!” Madalas, in so many ways, ako ay maraming gustong gawin, basahin at pag-aralan. Sa awa naman, iilan lang ang nagaganap at karaniwan ay nauuwi sa drawing. Let’s say baka kulang sa passion, sa light Tagalog interpretation – gana. Mahirap kalaban DongYan then sasahugan mo pa ng tatlong budbod ng kawalan ng disiplina at may isang tumpok ng tinadtad na katamaran.

However, may chance naman na may gana naman sadyang gusto o tingin ko ay okay namang gawing bukas. Resulta? Natatambak lang kung saan yung bagay, napapatungan ng iba hanggang sa konti na lang makakalimutan ko na. Lately, I try to read ng isang bagsakan ‘yong isang babasahin lalo na kung sa papel lang naman. ‘Pag pinatagal ko pa kasi masasama na lang sa pambalot ng tinapa o sketch pad ng pamangkin ko. You know, ‘pag moment na- do it na. kasi pag di mo ginawa baka sa susunod kailangan pa ng gamot gaya ng suppository. Hehehe!

For someone who lives on milk is still an infant and doesn’t know how to do what is right. Solid food is for those who are mature, who through training have the skill to recognize the difference between right and wrong. “ Hebrew 5:13-14

Okay hindi naman ito tungkol sa growth gap, na biktima ata ako kasi marami akong gap. Hohoho! Nagandahan lang ako sa pagkakasulat ng verses na ‘yan na sobrang meaningful.  Isang punto rito ay ang pagkakaroon dapat ng self-control. Parang ‘yong EQ (hindi yung diaper) o Emotional Quotient.

The risk-taker takes the consequences

Ako na ‘yon and that’s it, bow!

Happy 4th Anniversary Hoshilandia/Hitokirihoshi Sr!

sa apat na taon ko sa pagba-blog, naging mapagpanggap ako, nag-inarte at eventually blogger na nagpapakatotoo. ang blog na ito ay hindi lang basta sa mga kwento at paniniwala ko kundi maging sa sarili ko mismo bilang tao.

minsan naiisip ko, ako pa ba ang si hitokirihoshi noong 2007? para kasing nawawala na ang humor ko at umiiksi na ang attention span ko. hindi na rin ako gaanong makapag-blog hopping at  marami na akong itinuturing na co-blogger na dumating at umalis. pero ako ay nagpapasalamat na so far ay katamaran at kaabalahan pa lang ang kalaban ko sa pagba-blog lalo na rito. minsan iniisip ko sana may apps ang mga  cellphone ko na diretso sa wordpress. (pero hindi ako bibili ng mobile phone para lang dito …ako na ang frugal, duh!)

in four years, napagtanto ko na ang nagbibigay gana sa blogging ay mga taong tumatangkilik sa iyo. mga comments, likes at subscription. kahit iilan at sila-sila lang, okay na. basta sincere sila sa iyo okay na okay na. hindi mo kailangan i-please. kasi once na nagpi-please ka na at hindi mo gusto, mawawala rin ang drive mo.

isa pa, hindi rin maganda yung lagi kang nagba-blog. sasang-ayunan ko yung isang article na nabasa ko sa Yahoo na kapag masyado kang babad sa passion mo mabi-burn out ka rin. parang dumating ako sa point na yun pero mabuti na lang talaga hindi. nagpapasalamat ako dahil hindi lang naman kasi blogging ang inaatupag ko sa buhay at marami rin naman ako pinagkakabalahan. mas masarap mag-blog kong ikaw mismo marami kang maiba-blog at tungkol sa mga positive things na gustong-gusto mo.

hanga ako sa mga taong rumaragasa ang creative juices at ito lang ang puhunan sa kanilang pagba-blog. Ang kailangan ng mundo ngayon ay magbibigay ng kamalayan, kasiyahan at inspirasyon. Inirerespeto ko naman ang mga nagra-rant dahil ang blog ay isang espasyo sa internet para sa malayang pamamahayag. Ako mismo ay nagra-rant pero kung ito lang ang core ng blog life mo, utang na loob mag-diary ka na lang. at huwag kang magtaka kung bakit walang nagki-click ng blog mo at isa kang bad link. I believe may magagaling na bloggers na magaling mag-rant pero magaling i-convert ito sa positive ways. Isa pa yung mga hinahangan ko.

Maraming salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay buhay sa aking blog life! sa mga nagbibigay sa akin ng ngiti at pumapatol sa aking mga trip. Sana ay hindi kayo magsawa. Hohoho!

plusg
plush pins (made by gawa ni femi) & caricature by Jec Mendiola
gift from VJP

(sa mga gustong bumati sa mas malikhaing pamamaranan, bukas po ang aking FB at email sa inyong pagbati… hitokirihoshi@gmail.com )

Hoshi in the Office

Pucha!

Nakita ni Hoshi na abalang-abala si Kuya Boy sa paglilinis nang siya ay…

Hoshi: knock-knock

Kuya Boy (busy sa paglilinis): who’s there?

Hoshi: Pucha!

Kuya Boy: (napakunot) Pucha who?

Hoshi: Pucha hend on my shoulder ( tono ni Paul Anka)

Kuya Boy (napatawa) Hang Corny!!!

Hoshi:  (napatawa ka naman)

Yes Go Ahead

(nakiki-text si Hoshi nang marinig niya…)

Sec. Grace:  Oh I’m sorry she went out

(seryoso si ate)

(Alien: Blah Blahh Blahh) < imagination ni Hoshi>

Sec. Grace: Probably afternoon

Alien: Boom, boo, boom, Pow! < imagination ni Hoshi>

Sec. Grace: You wanna leave a message for her?

Alien: pe pep pep < imagination ni Hoshi>

Sec. Grace: yes, go ahead! (nagsulat at ibinaba ang phone)

Hoshi:  (ginaya si Sec. Grace at ang alien)

Alien: I’m hopeless can I commit suicide?

Sec. Grace: Yes Go Ahead

Alien: Thanks so much.

Look young, masyado

Chief: (dumating) Kumusta naman ang headband? (Ko)

Hoshi: (loko ito a, e napansin ko ang bagong gupit na hair ni Chief) Aba bagong gupit? Bumata ka…mga 2 hours

After 10 mins.

Hoshi: Oh bat mo tinatali ang hair mo, ganda nga e bagay sa iyo? Buhaghag MASYADO?

Chief:  oo e. masyado ngang maikli ang pagkakagupit.

Hoshi: ‘di, baka mahangin lang MASYADO kaya buhaghag ng MASYADO ang hair mo.

Chief: oo nga, tama ka.

Hoshi: (Ngumiti ng MASYADONG wagas)