The Hope is You

Masarap ang makahugot ng inspirasyon, ang makinig ng payo at gawin ang iyong pasyon. Ano ba ang nagtutulak sa iyo para gawin ang isang bagay? Kahit hindi mo alam kung saan ang tungo at kung ano ang kahihinatnan nito. Madaling madapa at mas madali rin mawalan ng loob. Pero bakit ka bumabangon? Dahil ba sabi ng parents mo? ng relihiyon? o ng iyong iniidolo? Hindi! Maraming prinsipyo sa paligid mo, minsan nabibili pa sa merkado. Pero kaya ka nagpupursige ay dahil naniniwala kang mayroon pa… may darating pa, may bukas pa, at magbabago pa. Iyan ay dahil hindi man sakto o diretsong lalabas sa isipan mo naniniwala ka sa pag-asa. Hindi sa taong taga Pag-asa Kundi ikaw ang gagawa ng pag-asa. at oo ikaw na mismo ang pag-asa and you can be a Hope for other people too

The Two Doors

Ngayon papatapos na ang taon, nasaan punto ka ngayon?

Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?

Buksan ang pintuan ng kahapon…

Ano ang iyong nakikita?

Makukulay na pangyayari?

Lugar kung saan ka naglagi?

O mga taong ang iyong nakatagpo’t nakatabi?

Subali’t may mga masasayang sandali na hanggang alaala na lamang…

May mga pangit na tagpo na sadyang mahirap kalimutan

Sa bagong kabanata

Sa kinabuksan

At sa bagong pintuan ng iyong buhay

Dito muli kang dadanas ng makukulay at naiibang

Mga karanasan, pakikipagsapalaran

Nakabubulagang surpresa, bagong makikilala

Sisimulang plano, panghahawakang kasiyahan

At mga hamon na laging laman ng iyong isipan.

Pero  hindi ba?

Kahit anuman ang magsara at magbukas

Mananatili at magbago

Umalis o bumalik

Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mo ng

Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

Maling pag-asa

Dear Ate Jevs,

Gusto ko lang po magtanong kung tama ang aking tingin sa aking mga kamag-anak? Para kasing ang hirap nilang lapitan. Gayong kung tutuusin ay dapat alam nila ang aming kalagayan dahil galing din naman sila sa hirap. Ganyan ba talaga ‘pag yumayaman nag-iiba ang ugali?

Djon-Djon

Dear Djon-Djon,

Ikli naman ng letter mo. Wala pa sa climax at walang ka-gap-gap ay nag-end na. Gusto ko pa naman malaman kung ilang beses na ba kayong na-turn off ng kamag-anak ninyo at anu-ano ba kasi ang pinaghihingi ninyo?

Sa aking palagay ay may dalawang punto d’yan. Ang tingin mo sa iyong mga kamag-anak ay matapobre sila, habang puwede ring ang tingin naman nila sa inyo ay garapal o something to that effect.

Actually masakit talaga ang ma-turn down, especially ‘yong lalapitan mo ay ‘yong masasabi mong tanging pag-asa mo. But no matter what, sana matanggal sa atin na lagi na lang umaasa o dumedepende. And hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan tayo sa ating mga hiling, kahit gaano pa kayaman ang ating nilalapitan. Unang-una roon ay hindi naman nila siguro kayo obligasyon at hindi huwag mong lahatin/diskriminahin ang mayayaman. Dahil ang iba sa kanila ay puwedeng nagpapanggap lang, hehehe.

Siyempre hindi naman ako kumakampi sa kanila, napagdamutan na rin kaya ako ng so many times! Pero pino-point ko lang ay para huwag sumama ang loob mo at maging ng ibang magkakamag-anak ay sana tayo mismo ang gumawa ng sarili nating pag-asa. Magsumikap sa buhay para umangat at huwag PALAGING aasa sa tulong ng iba dahil sa tingin ko ‘yon ang maling pag-asa.

Naalala ko tuloy yung sinabi ng pinsan ko na naging bagger sa supermarket ng isang mall. Aniya, madalas daw kung sino pa ‘yong mayaman ‘yon pa ang mapagbigay sa kanilang mga pagkakamali. At yong iba naman daw na hindi naman mayaman iyon pa ang mababa ang tingin sa kanila at mareklamo. Well kayo na humusga kung ano ang reaksyon ninyo sa sinabi niya.

Mabuhay Djon!

Pick 5

Okay for people asking me kung ano ang meaning ng aking drawing sa post kong I,” eto na ibibigay ko na. Maraming salamat nga pala sa mga nagbigay ng komento at doon sa iba na hindi pa nakapagbibigay ay…wala na, sarado na , boooh! ibibigay ko na nga itong interpretation di ba?! Hehehe!

Ang pamagat nito ay “Point of five directions”

hulaan?
hulaan?

Pwedeng tao o sitwasyon ang point na nasa gitna (siempre). Mayroon itong at least five things na pwedeng pagpilian o directions na pwedeng tahakin. Actually, ‘di ko sinasadya na ‘yong dalawang arrow (dapat lalagay ko ‘yong tulis pero naisip ko na ang direksyon ng buhay ay nagbabago so ‘wag na lang) ay mag-cross. Pero tama lang ‘yon kasi may part kasi sa buhay natin (este ako pala) na nagtatagpo talaga ng landas o nakakaapekto sa isa’t isa. Gusto ko na sana i-elaborate ‘yon kaso mas type ko na next year na lang. Basta ang clue ay isasama ko ‘yon sa future entry ko na THANKS 2009!

Samantala, hindi nga ba’t dumadaan tayo sa sitwasyon na feeling natin ay stagnant lang lahat at mayroon din namang na ang dami-daming nangyayari. Subalit, masasabi ring kapag may sinugalang bagay ay may nagsa-suffer na isang aspect at puwede din iyong parang since birth ay maaalat talaga ang pagkakataon.

now is the timeIba-iba ang approach natin sa nailalatag na sitwasyon sa atin. May sige ng sige at mayroon din namang mabagal kung kumilos. Ako, medyo mapag-isip akong tao (obvious ba?!). Gusto ko hanggat maaari ay inaalisa ko muna bago ko umaksyon. Ayoko atang sinisisi ko sarili ko, kasi nagpadalos-dalos ako. Iyon nga lang ‘di sa lahat ng oras ay puwede pang makapag-isip at kahit mag-isip din ay hindi mo talaga makokontrol ang posibleng mangyari.

Humahanga ako sa mga taong nangangarap at tinutupad ang mga ‘yon. Malaki o maliit, ang bawat achievement ay achievement pa rin. Hindi dapat pinapares sa iba at hindi dapat nawawalan. Honestly, dumating ako sa point na ayoko na mag-expect kasi napu-frustrate din naman ako pero pangit naman siguro kung pati ang umasa sa pag-asa ay mawalan tayo ‘di ba?

ice cream yan no!
ice cream yan no!

Kagabi napanaginipan ko na nasa isang forum ako, pick five (parang sa facebook lang no?!) ng kahit anong hit list na trip ko. Doon sa dream ko, naisip ko raw ‘yong bagay na iniisip o ginagawa ko kapag nai-stress/ napapagod/ nalulungkot at kailangan ko ng inspirasyon. Well ito ang mga ‘yon…(as in according sa panaginip ko at sa totoong buhay)

Five na nagpapawala ng aking stress o nag-i-inspire sa akin

  1. Family
  2. Friends
  3. Ice Cream
  4. Sound trip (sa isang lugar na ako lang ang tao)
  5. Videoke / Writng/ Films/ Dancing

Pansin n’yo ba na mahilig talaga ako sa “o,” “/,” at “at.” Ako ‘di ko napansin o nawala lang sa isip ko, puwede ring baka namalik mata ako at ewan ko nga ba.