He’s 21 things

(in my p.o.v.)

  • Naniniwala akong may hormone na panglalake ang mga babae. Depende ang lakas ng arrive nito sa katawan ng girl.
  • Mas matindi ang mga boys kapag nagtsi-tsismisan, wawa ang topic girl ‘pag nakinig ka
  • Madalas may pagkatamad pero ‘pag inabot ng sipag OA naman. Kahit hindi dapat itapon, tinatapon. Bagay silang paglabhin ng pantalon at mga kumot
  • Hindi ako sanay sa lalaking nagger na nasa normal mode naman. Napapag-isip talaga ako nila.
  • Sanay ako na makarinig ng green jokes, kakasabi nilang sila ang pinaka sa lahat ng bagay at magkuwento ng casual about SEX. (maalaman mo tuloy kung sino lang ang nagpapanggap…)
  • Cool ang gawin silang barkada, mas maalaga. Iba naman ‘pag best friend parang may pagka- complicated
  • Dati, curious ako sa lalaking pa-mysterious effect pero ngayon queber na. Sawa na akong umintindi sa hindi naman kaintindi-intindi
  • May ibang nagpi-flirt, pero mayroon namang natural na flirt
  • Mahirap ‘pag sobra silang na-in love, pero mas mahirap ‘pag naapakan mo ang pride nila. parang yung street sign “nakamamatay”
  • May bagay na puwedeng maging turning point nila, ‘pag naging tatay na.
  • Dati, ang tingin ko sa lahat ng lalake dapat may sports. Ngayon, lahat may kinahihiligan… well kung ano man yun (example – music instruments, gameboy, playboy, gagamboy…)
  • Ayokong kausap ang lalaking pawisan at nakahubad ng T-shirt, tapos kakain. Iwww!
  • Ma-prinsipyo ang lalaking may palabra de honor. Pero madalas nagsasabi sila ng akala mo ay totoo.
  • Ang maganda sa lalaki bibihira ang maarte. Iyon nga lang bad trip sa pagkamainipin
  • Hindi sila madaling mairita, madali silang maasar lalo na ‘pag nahuli mong totoo
  • Sa ngayon as in now, nag-iisip pa ako kung sino na ang mas vain?
  • Kahit ang mga joker talaga, may kadramahan din. Kahit walang inuman, may emo mode din ang mga ‘yan.
  • Nagtataka ako sa mga kuya ko na nag-aagawan kumain sa takip ng kaldero para gawing plato at pupuwesto sa may pintuan para doon lumamon.
  • Bakit hindi ko mapigilan na humanga sa mga tatay na nagbabanat ng buto at nagbibilad sa init ng araw? Iyon nga lang nag-iisip din ako kung kasama na roon yung pang-inom nila, iyon ay kung tomador sila.
  • Hindi ako madaling ma-convince na bading ang isang lalaki, unless masyado ng obvious o ipinagmamalandakan na. Naniniwala ako na sadyang may mga lalaki na mahinhin, malinis masyado at parang mahina este mahinahon.

    My Hoshi
    My Hoshi
  • Hindi porke’t younger guy ay hindi pa matured at hindi kumo’t older walang kapasidad na mag-isip bata. Uso lang talaga ang page- generalize. Pero ako mas gusto kong… kasama yung favorite Tito ko, pinsan ko at yung pamangkin kong curly cute.

Violet Revolution

Hmmm, ayokong makisawsaw sa pamumukadkad ni BB Gandanghari dahil choice niya iyon. In a way, nakakatuwa siya kasi ang lakas ng loob niyang patayin si Rustom Padilla at parang nakaka-tense ito kasi hindi ko alam kung anong impact ang kanyang iiwan sa mga kabataan. Sa totoo lang, naisip ko talaga na reality show ba ito o hindi?  Pero,  malalim na usapin ‘yan at ayokong mag-dive!

Basta lately, para sa iba’t ibang isyu natutuwa ako sa mga bantog na personaliad na kilala sa kanilang pagiging binabae. I admire their sincerity and talagang kapag gagawa ako ng script gusto kong hiramin ang pamatay nilang mga linya.

Beauty expert Ricky Reyes to BB Gandanghari:

“Ang pagkababae ng isang bading ay dapat sa sarili lamang niya… ayoko ng bawat bading dito sa Pilipinas ay parang matsing sa hawla na pinaglalaruan at pinagtatawanan.”  (source: abs-cbnnews.com)

– Gandaaa mother, I like it! Ito hindi dahil sa sinabi niya kay BB ha, talagang panalo lang ang mga words.

Veteran and award-winning scriptwriter Ricky Lee to Nora Aunor and other artists:

“Optimistic akong tao. ‘Pag magaling ang isang tao, direktor man, artista, writer, at marami ka pang dapat i-share, gagawa ng paraan ang Diyos man, ang kapalaran o ang tadhana o ang lahat ng tao sa palibot mo para mai-share mo pa ‘yong kakayahan mo. Maraming mga tao ang tumutulong para makabalik siya at isa ako dun. May mga gumagawa ng paraan para makabalik at makagawa ng proyekto ang isang mahusay na aktres na tulad niya.” (source: gmanews.tv)

-alam n’yo ba na mahaba rin ang nagiging paglalakbay niya para maabot ang kanyang pangarap.  At sa ngayon ay tinatrabaho na niya na magkaroon ng foundation na mala- MOWELFUND para sa mga bagong writers at maging doon sa  wala na sa hanapbuhay.

Prolific and award winning scriptwriter-director Joey Reyes to Gay movie directors and producers:

“Ang paniniwala ko kasi riyan, sapat na ‘yong naging bading ako, and I just have to live with my homosexuality. Hindi ko na kailangang isapelikula pa ‘yon, o gawin sa pelikula ang mga paniniwala ko. Marami pa kasi akong ibang ideas na pupuwedeng gawin, na sa palagay ko, interesting na mapanood ng mga tao.” (source pep.ph)

-mukhang may punto rin naman si Dir. Reyes kasi nagiging trend na nga sa mga indie film ang topic about homosexuality.

Sa akin, wala naman ‘yan sa gender kundi sa personality or individuality ng isang tao.  Kung gusto mong irespeto ka, umakto kang karespe-respeto.  Hindi mo kailangan magpanggap, kung alam mong wala kang ginagawang masama.  Lahat naman tayo ay tao lang nangangapa sa mundong ito at kailangan makisama sa isa’t isa. Problema na ng iba kung panghihimasukan pa nila ang pribado mong buhay tapos huhusgahan ka.