Between I Like and I Love You

bgheart1Siguro nga may problema ako sa pag-e-express ng emotion at sa pag-iisip ng appropriate action sa isang situation.  And puwede ko na sigurong i-claim na next to Kristen Stewart, I’m  the most awkward woman in town. But I think i can say mas gusto ko magsabi ng I Like you than I Love You.

I Love you, please share 

Sa dami ng type of ads ngayon madaling sabihin kung alin ang obvious na hard sell.  And saying I love you so casually to someone you don’t really know ay major turn of.  Applicable din ito sa tunay na buhay of course. Kung sasabihin mo sa isang babae o  lalake na I love you sa unang beses na inyong pagkikita kahit natamaan ka ng tinatawag na Love At First Sight, mag-iiwan yan ng di magandang impression.

Why? Because Love is a powerful word. Dapat hinuhugot yan sa kaibuturan. Pero kung sasabihin mo na “I Like You”  medyo accepted pa.  Dahil ang Like ay general at  tipong impromptu na sinabi ng kokote at ng puso mo.

  Bola Like or Love

Hindi ko naman sinasabing bawal magsalita ng I Love You and in fact, magandang nagsasabi  nito palagi sa TUNAY na malapit sa iyong puso gaya sa iyong parents, siblings, grandparents, pets, friends at kay God.

Pero hindi ko lang talaga masakyan ang mga taong so casual na  magsabi ng I Love you for the sake of saying it.  Parang higit pa sa bola at kaplastikan.  Or puwede ring totoo naman they mean it, hindi nga lang malalim.

Kung ganun,  matatanong mo kung gaano pa kalalim ang pagtingin nila sa Love.

So ito, hindi bola –  I Like Blogging and I like  my blogging community.   You put love in my crazy world.   Have a meaningful Love this Holy Week!

One Little Candle

Sabihin mang mapagpapaniwala ako, pero pina-practice ko talaga ang pagsisindi ng kandila kapag trip ko before or after magsimba. Ang pagdadasal at pagtitirik nito ay ekstrang aktibidad pero habang pinapanood ko ang alab ng apoy dito at unti-unting nauupos ay naghahalo ang dasal, pag-asa at reflection sa aking sarili.

Sa aming prom naalala ko ang palitan ng rosas at kandila naming magkaka-schoolmate habang kinakanta ang One Little Candle na medyo saulo ko pa ang ilang linya.

It is better to light just one little candle
than to stumble in the dark.
Better far that you light just one little candle,
All you need is a tiny spark.
If we’d all say a prayer that the world would be free,
A wonderful dawn of a new day we’d see…
And if everyone lit just one little candle,
What a bright world this would be.

I think hindi ko kailangan pang i-interpret ang simpleng kahulgan ng one little candle sa kanta. Ang mahalag ay manaligt sa Kanya sa kahit sa kaliit-liitan at simpleng paraan. Mahirap an magapa sa karimlan, hindi ba?!

Nawa’y maging momentous and solemn ang ating pag-alala se Semana Santa at higit sa lahat, sa pagkilala sa Kanya.

Napagtanto ni Bunso

Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!

Dear Ate Jevs,

Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana.  Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo.  Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest.  May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.

I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past.  Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa

Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.

Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya.  But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama.  Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.

Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.

May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito,  na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat.  At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.

Sincerely,

Nemitz B.

Dear Nemitz,

I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.

Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao.  Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.

Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!

Ate Jevz