Hoshi’s drawing for Jec!

Aminado ako na isa sa mga hindi naibigay na gift sa akin ay ang pagguhit o drawing. Isa pang kahinaan ko ay kahit gumamit ako ng ruler tumatagilid  pa rin kasi patagilid ako tumingin,hehehe!

Ngunit dahil Pasko at para sa “Jec Mendiola’s Giveaway: The Ukulelist (painting),sinubukan kong muli. Malay natin ay sa muli kong pagguhit, may mahukay akong galing. hohoho!

materials: manila paper, kinulektang color pencil at pamatay na pentel pen/ sign pen

Pero seriously, this is for you Jec. wala na akong paki sa kung may K ako sa pagguhit. Mabuhay and Merry Christmas!

Sorry Jec kung sakto sa deadline ko naipasa ito. nagawa ko na yung kalahati last -last week kaso dahil party -party busy kami hindi mahirap ng boingga.

bulagta sa sosyalan

May sandali na gusto kong umiyak last weekend dahil sa pagod at puyat. Iyak kasi naaawa ako sa katawang lupa ko pero yung espiritu at emosyon ko naman ay punong-puno ng enerhiya.

Mula QC ay dumating ako ng around 1 or 2pm nung Sat sa Recto na pagkikitaan namin ni Syngkit. Dun ay lumamon kami ng tanghalian at ngumawa sa videoke. Hayun napansin namin na male-late na kami sa pupuntang Sta.Mesa

Around 4.45 nang dumating kami sa venue ng Saranggola Blog Awards (ito ang detalye)

Mga 8pm nilayasan ako ni Syngkit na akala ay hanggang 6pm yung event

Mga 8: 30 pm nung umalis na rin ako sa Illumina Residences, Skylounge

After noon dumaan ako sa SM Centerpoint para bumili ng cake, na potluck ko para sa Christmas party na pupuntahan ko. Late na ako ng four hours sa oras ng party at two hours sa pangako  na dating ko kaya ‘di puwedeng wala akong dala.

Quarter to 10 nung dumating akong Marikina kung saan ang party-party namin ng mga kuya at ate ko dati sa work (ipagdiinan daw na mas bata ako).  Hayun  6am na ako kinabukasan naka-uwi sa QC.

7am natulog ako  at 9am pinuntahan ako ng dalawa kong kaklase dati. Sakit sa ulo, kung aamininin ko lang sa kanila. Pero na-enjoy ko naman ang pag-e-entertain kahit bangag sa puyat. Sabi nung isa, “para kang lasing!”

11:30 larga naman ako papuntang brainstorming para sa reunion na in-organize namin.  Hayun inabot kami ng 2:30 from original na 11am to 1pm. Ayos lang naman kasi naplantsa ‘yong mga dapat naming gawin.

Sa mall kami nagkita-kita so after ng brainstorming hanggang 5:30 ay ikot ako ng ikot sa mall kung ano ang susuutin ko para naman sa Christmas party ng company namin. Malakas ang loob ko na late ng bumili kasi luau party naman o Hawaiian ang theme. Sa awa naman, short lang ang nabili ko. Naisip ko na pagtsagaan na lang ang damit na available sa bahay, ‘wag ko nang karerin.

Pauwi sa amin, dun ko naramdaman yung tipong bubulagta ako sa init ng pakiramdam ko at ang sinasabi ng kaibigan ko na namumula yung mukha ko.  O nga pala, hindi pa natatapos yung matinding allergy ko ( sa seafoods, dust and bagoong alamang at baka rin sa chicken).

6pm ang start talaga ng party namin pero natutulog ako sa kuwarto ko hanggang as oras na ‘yon, wish ko kahit isang oras lang na power nap. Hayun, dahil sa pag-aalalang wala pa akong particular na susuutin, tumayo ako after 30 mins. In one hour sinikap kung mag-ayos ng mabilisan (na ‘di normal sa akin).

8pm nasa MRT Boni station ako at naghihintay sa kasama kong late din. Dumating siya siguro after 45 minutes saka pa kami pumunta sa venue. Hayun sa awa naman, hindi ako natawag sa kahit anong pa-raffle. Pag-uwi ko, ipinagpapasalamat ko na may kuwarto at kamang sasalo sa aking pagod na katawan, may special power akong mag-leave kinabuksan at naka-attend ako sa iba’t ibang event nung weekend. Mabuhay pa rin! Hehehe

Merry Christmas and Happy New Year!

Pinoy ka?

Iba na ang pakiramdam ko, kumpara nung estudyante ako, kapag dumarating na ang Hunyo. Apat na petsa lang naman ang sa tingin ko na kailangan kong paghandaan sa pagpasok ng buwan na ito, lalo na kapag nag-aaral ka pa, Independence Day, Father’s Day, Kaarawan ni Rizal at pasukan sa eskwelahan.

Alin ba ang mas binibigyan ng effort? Siyempre ang pasukan ‘di ba. Momobrolema ka kung kakayanin ba ng budget ang pambili ng mga school supplies at tuition fee. At ito pa, ang matinding daloy ng traffic kasabay ng rumaragasang rain & flood.  Naku ayoko ng ikuwento ‘yong nabura ata ang isang hibla ng intestine ko nang ma-stranded kami. Biruin mo 12 oras akong ‘di nakakain, basang-basa ang ulo at mga paa, at di ko alam kung nasan na ang FX taxi na sinasakyan naman. Ayoko na ikuwento ‘yon kasi alam kong maswerte pa ako. Iyong iba nga naglalakad sa hanggang kili-kiling baha e.

IMG_4249
sa Luneta

Maiba tayo, bilang lehitimong taga- Pilipinas, kailan mo sinserong na-feel na wow Pinoy ako? ‘Yon ba ‘yong panahon na gumawa ka pa national flag na gawa sa pinaggupit-gupit at pinagdikit-dikit na art paper with matching stick?  O nung nag-field trip kayo sa Rizal Shrine, Luneta, at Intramuros nung estudyante ka pa?

Pero kahit naman wala ka sa school, kahit papaano’y may bagay na makakapukaw ng iyong atensyon bilang Pinoy. Sige nga, pinapalampas mo ba  ang mga laban ni Manny? At kahit hindi mo trip ang style ni Martin, dinamdam mo rin ang pagkakanta niya ng ating pambansang awit.  Ako  hindi ako mahilig sa mga beauty pageant pero ‘pag alam kong malakas ang laban ng ating pambato  interesado akon malaman ang update sa kanya.

Lately sari-saring isyu rin ang tila humahamon sa atig diwa bilang mga Pinoy.  Nariyan ‘yang pasaring ni Alec Baldwin, pagbawi sa kaso ni Nicole kontra kay Daniel Smith, ang matalim na comment ng favorite writer ni Raft3r na si Chip Tsao, ang desperadang linya ni Teri Hatcher at isasali ko na d’yan ang hot topic ngayon, sinong mas malakas si Nardong Toothpick or Nardong Putik este ang sex video scandal ni Dr. Hayden Kho.

Saan na nga ba inaabot ang damdamin mo sa bayan o sa iyong pagiging Pinoy? Nagagalit ka ba sa mga foreigners na nagkokomento ng ‘di maganda sa atin/sa Pilipinas o sinisisi mo rin ang ating ilang kababayan na nagpapakita ng ‘di magandang asal sa ibang bansa? at sa palagay mo gaano na ba kalala paglamon sa atin ng pagiging kolonyal at pagyakap sa globalisasyon?

Ako ito lang… sabi ng Nanay ko kinausap daw siya ng teacher ng pamangkin ko na kausapin daw in English ‘yong pamangkin kong si Calabasa. Ito ay para daw masanay at  matututo ang bata na magsalita sa Ingles.  In fairness napaisip ako nang — Pinapasok ng mga kuya ko ‘yong pamangkin ko sa loob ng bahay dahil nag-iinuman sila. Eh makulit…

Kuya ko: Hey you, young pumpkin, go inside before I kick your ass!

Calabasa: I don’t like tito you’re such a loser!

Whaahh I’m confused as in confuse  capital LBC.

%d bloggers like this: