Pet Society

Bakit pag nilalambing natin ang isang tao, pagkain ang tinawag sa kanya? Di ba Honey, Sweetie Pie, Hugs and Kisses, Sugar, Crèma de pruta ay wala pala yung huli. Pero hayop naman sa pagka-animal pag nagagalit tayo or naninira tayo.

Kapit-tuko! – sipsip na malaki ang mata chuz!

Para kang linta – sipsip din pero madugo, bloodsucker!

Peste! –  yan yung di lumilipad at hindi na kailangan sa kabukiran kahit sa bahay lang at walang ginagawa.

Para kang aso – ibig sabihin maitim ang nguso este kung makaihi sa kung saan-saan lang

Parang mga aso – tawag sa mga magsyota na kahit saan chumuchurva as in makatakip lang ng payong, matabingan ng talahib ng damo, madiliman lang konti o minsan kahit wala na, go lang go!

May sa pusa – puwedeng ipalaman sa siopao este parang matagal matigok. Manood ka ng action movies sasabihin ‘yan dahil pinagbabaril, pinag-iitak, pinagto-toothpick eh buhay pa rin.

Ahas! – traydor!

Rattle snake!- pag hanggang sea level ang betrayal na naganap

Black mamba! – kapag gusto mo ng revenge ala Kill Bill

Usad Pagong –mabagal kumilos puwede ring lagay ng traffic sa EDSA lalo pag rush hour at umuulan

Hunyango ka! – mapagbalat-kayo! salawahan! balimbing! Tagalog version ng “Karma-Karma Chameleon”

Etchoserang palaka – (no comment na lang hehehe)

Kalapating mababa ang lipad – Natirador na ng mga bata, magdalena, itinuturing na mababang klase ng babae

Unggoy! – Mukha mo! (ewan kong may iba pa, yan ang tawagan ng nag-aasaran sa amin e)

Patabaing baboy – matagal-tagal ng palamunin

Buwaya – politikong corrupt to the sea level. Pag pasosyal puwede ng crocs

Hayop ka! -your are resident asshole

Animal ka! – You are globally asshole

Ikaw may idagdag ka pang hayop na term?

Head to Toe: Environment friendly tips

Dear Ate Jevs,

Grabe na po tlaga ang global warming. Lahat ng bagay, may buhay o wala ay naaapektuhan. Pati nga po hair ko sobra ng dry.

I think kailangan ko ng mag-care because I believe hindi lamang po kalat o dumi, ang mare-resolve kapag naging mapanuri tayo sa ating ginagawa at ginagamit. Ako, aminado ako na hindi ako dugyot at burara, makakalimutin lang at saka makalat.

May maibibigay po ba kayong tips na tipong kahit simple ay makakatulong ako para wag dumumi at magkaroon ng basura?

Bebong Pinlat

Dear Bebong,

Mbuti nmn at may k2lad mo n cncern n rin s atng mother earth. Nawa’y may 2mulad sau. Nri2 ang few smple tip q n kering gawin pra mpakinabangan ang mga old things na itinatambak lang.

Para hindi na sila maging kalat, gawan na natin ng paraan.

Ate Jevz

old damit. Maraming pakinabang sa mga lumang damit. Pwede itong ipamigay, i-donate at kung pangit na ay gawing basahan. Kung puting shirt, aba’y mas lalong maraming gamit diyan. Pwedeng panala sa gripo o posong makalawang, ulong kinukuto, at pampatong sa noong nilalagnat.

ice cream containers. Maraming mahilig sa ice cream ( mabuti na lang hindi ako mahilig rito) pero kapag ubos na ay kung saan-saan itinatambak ang galon, cup o anumang lalagyan nito, plastic man o lata. Pwede ang mga itong lalagyan ng mga pantahi (sinulid o karayom), krayola, pantali, panty & brief etc. Papasa rin ang mga itong paso para sa mga halaman at arenola sa gabi. Ang cup nito ay pwede ring lalagyan ng ebs or wewe kapag papa-medical check-up.

Old magazines and newspapers. Punit-punit na ang linyang pagbebenta sa mga ito pero iilan lang ang gumagawa. Hindi ba’t masaya ang kumita kaysa matambakan ng basura. Hanap ka na lang ng mahal bumili ng mga ito. Pwede mo rin itong ipangsapin sa iyong cabinet, cover sa iyong notebooks or books, panlingas sa kalan, pambalot sa tinapa o di kaya sa sanitary napkin na bibilin o itatapon na. May mas luma pang gamit diyan,’wag mo na lang ipa-elaborate kasi may CR naman siguro kayo.

Cellophane, paper bags or plastics. Itago mo ‘yong mga pinaglagyan ng mga pinamili mo sa grocery o talipapa. Para pag nakapamili ka hindi ka na kakalabitin ng mga bata o aleng nagbebenta ng plastic. Baka nga makapagbenta ka pa?

Pringles, ricoa, or boxes. Well tulad din ito ng ice cream containers mas maliliit na bagay lang ang mailalagay mo. Pwedeng ilagay sa mga ito ang mga nalaglag na botones, nahanap na pardible, o mga tali. Yong mga barya na hindi mo pinapansin dito mo na lang ihulog para dumami. Kapag may reregaluhan maigi rin ang naka-box.

Itlog. Dahil may kanya-kanyang expertise ang 2 parte ng itlog, may isa rito ang natatapon. Kapag ang egg white ang ginamit, ilagay ang egg yolk sa sinaing para maluto maipakain pa sa mga bata. Kapag ang egg white naman ang natira, lagay mo sa mukha mo, maigi raw yang facial mask. Tas yung egg shell lagay mo sa mga orchids… ginagawa yan ng maderaka ko kaysa sa ihi..hahaha.

Lumang kalendaryo and political paraphernalias. Ito gamit na gamit ko ang taktikang ito noong high school at college. Instead of cartolina and manila paper (na gingamit ko lang pag may pera ako), why don’t you try likod ng mga malalaking calendars or yung mga likod ng mga posters na ginamit mga politico. Hindi mo dapat ikahiya yon, dahil part ng buwis ng parents mo ginagamit lang mga pulitiko sa mga ‘yan. (naks mag-ala aktibista ba?) pwede mo rin silang pamaypay, panggatong at sapin para sa maduming sementong uupuan mo.

retaso, tickets, negatives etc. Well pwede na rin ito sa last kong letter sender. Yong mga magagandang gamit-gamit, pwedeng pagtiyagaan para magamit sa scrapbook like ng retaso ng tela, ticket sa bus, film negatives, balahibo ng ibon, natuyong rosas etc. (pwede rin kaya ang hibla ng buhok, ingrown, naipit na lamok sa libro etc. hehehe)

Mag-alaga ng Hayop. Kung laging may nasasayang na food, mag-alaga ng aso, pusa o baboy. Nakatulong kana sa kanila wala pang naaksayang food. Pero wag mo namang tratuhing hayop ang mga hayop na sobrang panis na ang ipinapakain mo. Redundant na yan!

Napkin. Every time na kakain tayo siempre di pwedeng walang tissue. Kunin mo ang matitirang tissue mo kaysa itapon lang. Magagamit yang sa emergency.