Bi-day ni Nanay (A Hoshi’s monologue)

I.

Birthday ng Nanay ko ngayon, pero wala ako sa bahay.

Malungkot ba  ako? Hindi naman, pabor pa nga e!

Pag-uwi ko mamaya, kakain na lang ako at kakanta sa videoke

Iyon ay kung mayroon at hindi ballroom ang magaganap.

II

Tulad noong isang taon, ganon din ang iniregalo ko sa nanay ko.

Mas okay sa kanya ‘yon, saka ‘yon din naman ang sabi niya.

Malaking diperensya noon bata ako, na hihingi ako ng pera

para ipambili ng regalo rin sa kanya at kalaunan ay hihingin ko rin.

III.

Specialty ni Nanay ang kilawing dilis pati na ang menudo at kaldereta.

Kaya tuwing may handaan kasama ang mga ‘yon  sa mga nakahain.

Noon ako na ang nagtotoka sa sarili ko na mag-waitress.

Pero mas type ko na ngayon ang maghugas na lang ng pinggan.

IV.

Wala ng makakasaksi kung gaano katagaktak ang pawis ko

Hindi na ako magtatanong ng “ate o kuya, tita o tito tapos na po kayo?

At maiiwasan ko na rin ang mga chikadora na panay ang chismak

“Ayan na ba yong bunso n’ya? Aba’y dati ganito-ganire lang yan e!”

V.

Kilala ko naman ang karamihan sa kabarkada n’ya,

mas kilala kumpara sa mga kamag-anak namin.

Mahirap kasi  tandaan ‘pag pare-pareho ang mukha

at minsan lang kung magpakita tapos magkakailangan pa kayo.

VI.

Ang mga amiga kasi ni mi Mama ay mga viva.

Hindi ka patatahimikin sa kakatanong at kakausyoso

Magkukuwento ng kanilang buhay, pamilya at pagkakaibigan

Na malamang ay mauuwi sa tawanan, sabay hampas ng abaniko

(buhahahaha)

VII

O s’ya-s’ya isa lang naman ang  gusto kong  sabihin talaga,

Maligayang Kaarawan Nanay Jules, more years to come – more

Blessings, more love, more peace of mind, and more power!

Vaya con Dios!