Dahil maraming part ng mga oras ko noong bakasyon ang puro pagre-reflect (nagbubulay-bulay kapag walang magawa), trip na trip ko ang mag-dairy, na take note 10 years ko na palang ginagawa. Bunot ako doon sa mga luma, parang take a pick sa baraha. Nabunot ko ‘yong diary ko noong 2000 na isang Sailormoon notebook.
That time ay sooooobrang addict ako sa anime at ang mga pinoproblema ko lang ay ang pagbabantay ng tindahan namin (na ayokong-ayoko), pag-aaral ko sa unibersidad (na ewan bat ako napadpad doon) at kung paano ako makakapanood ng mga favorite TV programs ko -anime, Charmed & Dawson’s Creek. Binanggit ko rin dun na sa wakas nakabili na ako ng tape ng M2M (na ewan kung nasan na rin). At doon ko pala itinago ang mga payslip doon sa unang co. na pinasukan ko.
Madalas natatawa ako ‘pag naaalala ko ang kababawan ko noon, kung gaano ako ka -persistent sa mga gusto ko, yong mga bagay na gusto kong makuha, kung paano ko protektahan ang sarili ko at yong mga moments na nawaglit na sa memorya ko.
Dun sa isang page na nabuklat ko, ang nakasulat ay tungkol sa isang naging crush ko from other college. Wala akong alam tungkol sa kanya maliban sa student no. n’ya. Nakakaloka ang naging palusot ko noong napalingon siya habang sinisipat ko kung ano ang name n’ya sa ID n’ya. And later on, na-realize ko na hindi ko naman kailangan alamin pa dahil… of all people, siya pala ang kaagaw ko sa isang libro na madalas kong hiramin.
In a way, kahit sabihin pa ng iba d’yan na ‘di na uso ang diary, pambata lang at ‘di ko na masyado nagagawa ( ang gap ko nga ngayon ay kada buwan na ata), wala akong paki. Buhay ko ‘to no, joke. Ang diary ay isang avenue para sa akin para makapag-reflect, sabihin ng buong-buo at purong -puro (parang kape lang) kung ano ang nasa isip at puso ko. In swimming, Freestyle ang stroke.
Pinakapayak, mura at madaling makukuhang bagay ang diary kung gusto mo ring may pagbuntunan ka ng galit at mai-record ang naiiba or ordinaryong experience mo. May time na may mga pahina na ayokong buklatin pa at may nababasa rin akong nagpapalungkot sa akin. Pero ‘di ba sa awa naman ng Dios ay nalagpasan ko ang mga ‘yon.
Kabuntot ng pagbabasa ko ang iba pang ala-ala na pwedeng kadugtong nang nangyayari sa akin ngayon. May isa akong naisip na maliban naman sa nakalipas na, sa tingin ko ‘yon na ang the best decision/action ko noong time ‘yon. Isa na lamang yun magandang aral para sa aking kasalakuyan at buhay sa hinaharap. (Gusto mo malaman kung tungkol saan?, ‘Wag na pang-diary nga lang e)
I don’t know kung hanggang kailan ko kayang mag-diary (lalo’t ngayon may Hoshilandiana ako) pero isa lang masasabi ko… iba pa rin ang may diary!