7 of 7-Day Gratitude Challenge: Salamat 2014

sand dunes_himalaBilang pagtatapos sa 7 months   day Gratitude Challenge, naisip ko lang mag-reflect for my colorful 2014. Sayang hindi ako nasama sa mga na-engage at ikinasal dahil ba hindi ako artista (makapag-PBB nga next year) ? Pero kahit ano pa man,  I am thankful sa blessings and challenges na ibinigay sa akin ng  Year of the Red Green / Wood Horse . 

Thanks 2008

Thanks 2009

Salamat 2010 

Salamat 2012

Upgrading my Technologies – Go Wifi 

Natatawa ako  pero talagang nasa wish list ko dati ( 2008 ata) na ma-upgrade yung internet connection namin.  Naalala ko pa nung isa pa akong hampaslupa – walang pc at renta ng renta…mahalaga sa akin ng oras kasi meaning nun ay peso.  Pero ayun, ako rin ang nakaisip na magpa-DSL at  nitong taon  (yes nito lang) ay saka na ako nagpakabit ng Wifi.  Kailangan ko na rin kasi bilang homebased entrepreneur and employee.  Pero actually bonus lang ang wifi gusto ko lang magpataas ng mbps. hehehe

Test of Spokening Dollar: Working with Foreigners  

Iba yung mga experiences ko ngayong taon sa mga work experiences ko sa past Japanese at half-Austrian bosses ko.  Kasi nakakapagpahinga yung brain ko sa kaka-Ingles at madalang ko naman sila kausapin. Eh ngayong taon talagang umiinom na ako ng Vitamin C with lots of Iron dahil pag sinabing work time, English time. Ano ba itong pinasok ko? hehehe

Pero kidding aside, iba rin kapag directly foreigners ang ka-deal o ka-trabaho mo.  Papasok yung baka minamaliit ka,  yung  misinterpretation (tandaan may pagkakaiba ang  mga Filipino, American, Canadian at British English sa isa’t isa), culture shock, etc. Pero kapag  pinupuri ka, may kakaiba ring saya kasi parang  pang-international ka. Yo!

Goodbye  Itang    

Ngayong taon ay nagpaalam na ang aking Itang. Iyong  kaisa-isang lolo ko na nagpaala sa akin na may saya sa simpleng buhay, mahalaga ang pag-i-invest ( insurance, piggery,  at house for rent) at may wagas na pag-ibig.  Gustong-gusto n’yang mamatay na para sundan si Mamang.

Lessons in Failed ventures 

??????????????????????I have two major lessons when it comes to business. I learned them because of my failed  ventures that I couldn’t push to stay longer or profitable 1. Choose your business partners when it comes to business you can’t count on mere closeness and money… dapat even when you have differences same kayo ng aim, honest kayo sa isa’t isa at open for communication.  Sa mga naka-partner ko, wala naman akong nakaaway it just that I can’t stop them to pursue their other dreams. 2. Don’t rely on one market segment – Muntik-muntik ko nang itigil yung isang retail business ko kasi from sobrang okay na benta per day, biglang wala. That was because we cater only one market na hindi namin naisip na possible biglang mawala o dumalang yung demand.  Good thing, I survive and I realize na mahalaga talaga ang variety  and  marketing. Naisip ko na rin na itigil na lang ang pagnenegosyo, then concentrate an lang sa pagiging empleyado. Pero hindi e, sadyang galawgaw  ako  saka pag pinasok ko ang isang bagay ayoko nagku-quit agad dapat ini-explore. Now, I am concentrating on dealership of Pampanga’s Best ( by the way I am selling Christmas Hams), Kettle Korn, UPS, and Load Xtreme.  Next year,  baka at pag inadya ( still asking for a sign) magkakaroon na ako ng sariling (physical) store. yeepee!

 Level up in Blogging

foodDapat ngayong freelance na ako mas may time ako na i-boost ang hoshilandia, pero medyo sadsad man ito sa ratings (tv?) ay ang cool ng experiences ko this year because I am a blogger… please read all of these (kung ok lang):

James Reid’s concert for a cause

Ani ng Dangal 2014

Taboan 2014 ( yeah nakapag-Subic ako) 

Johnson’s Baby Powder: Play Factory

10th iBlog Summit 

GDays Manila: Google Business Group

SEO Lead Generation Conference

Blogapalooza 

Online Champion Habitat 

My Big Bossing

 to be continue…kung kaya.

5 of 7- Day Gratitude Challenge: Unexpected rewards for Courage

pundaquit-mt
pundaquit-mt

Mag-a-anniversary na ako bilang freelancer  worker / home based  business woman. Binalikan ko yung mga  post ko nung October 2013 and napansin ko na ini-encourage ko ang sarili ko na magkaroon ng courage dahil I know resigning from work is like mountain climbing.  Ngayon,wala  pa ako sa  destination ( status) where I want to be, but then again… this is a gratitude challenge and…

Work from Home is a  lifestyle career

Nakalimutan ko na yung first reason ko bat mas pinili ko ang mag-work from home / freelancing  kaysa mag-transfer sa ibang company  bilang regular employee. But so far, I’d like to stick with this  lifestyle career and what pushes me to keep on striving is the support I’m getting from my family and friends. Plus-plus na yung iba pang perks like I can work kahit di pa ako nagsusuklay at punit-punit ang t-shirt ko,  mas in control ako sa binabayaran ko and I don’t have to pay for the traffic na sinasayang ang 2-4 hours ng buhay ko araw-araw.

hughPero  dumadaan din ako sa adjustment emotionally, socially, mentally, and financially. Medyo exaggerated yung mental torture pero ganun e , I need to solve problem like SSS, Pag-ibig, at income tax because I want to and I have to if gusto ko maging smooth sailing ang  home-based career ko.  Sa matter na ito, I’m grateful for some  Filipino freelancers who are not madamot to share their knowledge. So far I attended two paid  seminars on Freelancing and happy ako sa result dahil  yung mga natutuhan ko ay magagamit ko. Investment ang education.

I’m still in the process of learning and discovering. Freelancing is full of uncertainties and challenges pero may mga blessings na dumarating.  Naalala ko yung training ko sa Canadian supervisor ko, polite siya pero super madetalye which is good by the way. Umaabot na ako sa point na teka nga bat ko pa pinagtatyagaan ito, kung alam lang nito na nakiki-computer ako sa kapit-bahay  namin na hindi ko close para lang makausap s’ya ( nawalan ako ng Internet Connection). Pero good thing I didn’t give up (kahit ilang brownout ang sumubok sa aking katatagan), marami akong natutuhan at na-enjoy.  Saka masarap yung ma-appreciate yung work mo.  Iba sa mga  naranasan ko before lalo na foreigner sila, in a way nai-represent ko ang mga Pinoy. chuz!

The challenges in doing Home-Based Business

To date, I’m into dealership at what they called serial entrepreneurship.  ang mga binebenta ko ( na sana interesadp ka ring um-order hehehe) ay Kettle Korn, Pampanga’s Best, Load Xtreme at Unified Products and Services.  Siguro isa sa tanong mo ay bakit pa ako nagnenegosyo eh may trabaho ako – jack of all trades?  Mahina ba ang kita?

I don’t know how will you take this idea but I will share it anyway. Nagtataka ako bat ayaw subukan magnegosyo o maghanap ng kahit anong sideline ng ibang Pinoy?  Wala akong makitang rason lalo na’t marami namang oras, may kakayahan at nakukulangan sa sahod.  Of course, there are acceptable reasons bat ayaw. In fact, baka  yung kinikita ko sa isang araw sa pagtatrabaho ay mas malaki pa sa  isang linggo o buwan ng kita ng isa o dalawang negosyo na pinapasok ko. And dagdag ko na rin yung mga failed investments ko. Siguro pinagtatawanan, kinakaawaan o  mukha akong ewan sa iba.

Alam mo ang common mentality sa mga nagnenegosyo  ay either sobrang high ang tingin sa iyo na akala nila may malaki kang pera o walang-wala ka na kaya naisip mong magbenta nang kung anu-ano.

Ayokong tumigil, kasi ayoko matigil matutong maging negosyante sa buhay.  Though failures hurt me pero I take them as lessons and motivation. So far my biggest lessons would be

  • choose you business partner wisely – because not all are into business or have business mindset.
  •  don’t focus on one group of customers – it’s important to market your products to as many, as far as often as you can.

And I’m  grateful for people who are patronizing my products whether  they strangers, family and friends.  I value their trust the way I value my precious time and effort. Thankful din ako sa mga nagtuturo sa akin (upline, downline, vendors,  companies ) whether they know it or not. hehehe.

4 of 7 Days Gratitude Challenge – Friendship

Siguro last month may dalawa akong friend na nagsabi sa akin ng eksaktong linyang ito – “ilan lang naman kayong kaibigan ko.” I feel grateful in a sense na sobrang picky siguro nila nakasama ako sa elite circle of friends nila.  Pero napaisip din ako, ako lang bang itong feeling friendly? Naalala ko tuloy may nagsabi sa akin na ” hindi ka friendly.” Labo ano ba talaga?

Friendship is like a plug that you need to connect

surfing by paoTinanong ko yung mga kasambahay ko, kung ilan ba ang kaibigan nila at pare-pareho silang nagsabi na konti nga.  Siguro nga ang usapan dito ay totoong kaibigan versus dun sa kakilala lamang.  Sa bagay hindi naman kumo’t matagal na kayong magkakilala at laging nagkaka-kwentuhan ay tropa na kayo.

Hindi naman ako yung usual na maingay, katunayan iisipin mo loner at weird ako in person. May nakapagsabi na rin sa akin na akala nila  kinakausap ko lang yung  tingin kong ka-level ko.  That surprised me, akala ko okay naman kami at hindi lang ako nagsasalita kapag hindi naman kinakausap. Ayoko lang matawag o magbigay ng impresyon na sawswera ako sa usapan ng iba. Oh well iba-iba talaga ang interpretasyon ng tao sa personalidad ko and I understand that because hindi ako ordinary ( naks!)

I’m glad that kahit akala ng iba ay kakaiba ako, I find friends who stick with me through thick and thin. And they don’t need to be always present  for me to consider their friendship. Masaya na ako that they greet or remember me if they have time. Of course, I’m grateful to those who help me kapag kailangan ko ng assistance.

But if there are things that I realize when it comes to pagkakaibigan: 

  • it’s like a plug – kailangan mong ikonek sa outlet para dumaloy ang current o sabihin na natin mag-effort.  May mga pagkakaibigan na kumustahan lang buhay na. Present ka lang sa iilang okasyon, okay na . Sadly, may mga tao talaga na parang ayaw na magpakita sa iyo dahil wala lang silang gana. Sabi nga ng kuya ko, yung mga tao na tamad dumalo sa imbitasyon – hirap din magkaroon ng bisita.
  • It always begin with imparting yourself –  Naalala ko noong Grade 4 ay may kaklase ako na ang tagal na absent at walang maupuan. Inalok ko siya na maki-share sa upuan ko. Ang sikip at hindi ako makapag-aral nang maayos pero I’m glad I did that -siya ang itinuturing kong my first ever best friend.  Ganoon din naman sa iba, mas lumalalim yung respeto, pang-unawa at koneksyon n’yo sa isa’t isa when finally nag-open ka na ng little secrets or mag-effort ka to give something.
  •  There are certain characters and levels – May mga kaibigan ako na magkakaway o hindi gusto ang isa’t isa pero pagdating sa akin friends ko pa rin sila. Sabi ko nga sa day 1 ng challenge na ito – “as magical as magic sarap, I’m lucky to have different group of friends.  Siempre mayroon yung makikita mo lang pag ganito at malalapitan mo ‘pag ganyan. Anu’t anuman ang concern lang dyan ay respetuhan at pang-unawa.

ABC of Friendship

551277_471951536199704_1320257383_nI think hindi ko pa kayang buuin sa bilang ng alphabet ang mga itinuturing kong kaibigan pero kulang pa ang bilang alphabet sa lahat ng bagay na nagawa nila sa aking buhay.  I will be forever grateful for having true friends na nagparamdam at nagturo sa akin ng…

Acceptance, Bigayan, Cherish, Damayan, Education, Fun, Greatness, Happiness, Inspiration, Justification, Kapatiran, Love, Mindful, Neutral, Observant, Passion, Quip, Refuge, Sincerity, Trust, Understanding, Weirdness, Xenacios, Youthful, and Zeal.

3 of 7-day Gratitude Challenge: My 7 top wow moments

Hindi na sunod-sunod ang araw pero gusto ko pa ring ituloy ang gratitude challenge.  It makes me feel appreciative of blessings, simple joys, and miracles in my life.  So ito na ang ikatlong serye na ang tema ay mga wow moments.

 my 7 top wow moments that prove Dreams do Come True

(or something like that )

  • flashcards with other toys_edgesmy  ticket was very own life drama.  may  isang application ako na lagpas 217 kaming applicants.  Sa pakikipag-usap ko sa mga katabi ko, feel ko na dehado ako lalo na fresh grad that time.    Ang isang question na sa tingin ko nagpasok sa akin ay… Bakit madrama buhay mo?
  • Embracing my sweet triumph!

May isang project kami sa school na ayaw ibigay sa akin nung mga girls. Honestly gusto ko yung post at ang tanging supporter ko ay yung guapong leader namin ( as in campus crush ito) na nakasama ko sa iba pang project namin.  In the end,  nanalo ako ng award at si pogi niyakap ako   sa harap ng madlang people. HAHAHAH!  Alam mo yung eksena sa pelikula na maraming babaeng shock sa harapan namin. BLEEEHHH!

  • It started as a play

Di ba madalas, pag tinanong ang bata kung ano gusto niya paglaki n’ya? well wala naman nagtatanong sa akin nung bata ako kung ambisyosa ako, kundi ang natatandaan ko may favorite akong laro with my imaginary friends.  Dikit doon ang aking bread butter ngayon. Imagine?

  • I’m just wishingflashcards with frames

Alam mo yung mga dreams na gusto mo pero sa kokote mo parang imposibleng mangyari? Pangarap kong makapag-travel, natupad na yung Palawan at South Korea . May bonus pa ng Baler (Aurora) , Ilocos, Subic, at Baguio.  So Greece, Japan, Davao, at Batanes, wait lang!

  • I was just talking to my self

dala ng ilang failures and frustrations,  marami akong agam-agam sa buhay na tanging sarili ko lang din ang natatanong ko ( bukod siguro sa prayer kay God). Naalala ko na i-give up na makapag-work sa ganitong company at  business district.  Akala ko hindi ako makakapag-work sa Ortigas at  Makati pero oo naka-casual attire pa.

  • lovely surprises !

Letters in a case 3Isa ako sa mga taong  hindi magaling sa pag-express ng romantic feelings and dyono-joke ko lang ang love life ko (not literally). So hindi applicable sa akin yung “daig ng malandi, ang maganda.” Pero it happened na yung ilan sa crushes ko crush din ako.

  • I just prove myself

exhibit a.  may teacher ako na feeling ko minamaliit ako. hindi pa kasi ako marunong magbasa noong grade 2 (alam ko lang maglaro at manood ng anime). naging teacher ko ulit siya noong grade 5 – section one at nagde-declaim pa.

exhibit b. noong bata ako binu-bully ako ng mga kalaro ko – nag-aaral kasi ako sa public school, nag-aalaga ako ng baboy (kabuhayan), at mana lang yung mga damit ko (bunso).   Hmmm itong na-bully na ito ay nakapagtapos sa pag-aaral…