No more Birthday blues 1:Mind-setting defines wish, success

birthday card_jen syHindi ko hihilingin na batiin ninyo ako sa birthday (same kami ng birthday ni Piolo Pascual and Zayn Malik #diinpamore) ko pero kung trip n’yo why not ‘di ba, siempre walang basagan ng trip.  Ang totoo, wala pa akong konkretong balak kung anong gagawin ko, at  mas ini-expect kong wala rin akong handa, at  mga kaibigan na dadalaw. Pero wala rin akong hinanakit, parang payapa nga lang ako e. Nega ba o positive?  Actually I feel better at para bang wala akong birthday blues. Ba’t kaya?

Definition of wish

Don’t get me wrong, marami pa akong gusto  mangyari, magawa, at makamit. Lately, feeling ko I am in deep reflection na nakakatulong sa akin. Normally kasi tuwing malapit na ang birthday or last quarter of the year, napi-feel ko talaga yung sadness, emptiness at self-pity lalo noong full-timer pa ako. Hindi ko naramdaman or at least konti lang nitong October to December.  Partida pa, I decided pa na bakasyon muna ako sa raket.

Then nitong December tinanong ako ng pamangkin ko kung anong Christmas wish ko, nahirapan akong sumagot.

???????????????????????????????Una kasi hindi naman ako palabili ng gamit at medyo naiiba na ang pagtingin ko sa definition of wish.  Hindi wish sa akin ang sana magkaroon ako  ng smartphone ( oo wala) at tablet, goal yun. Kung gusto mo makamit ang pangarap mo, dapat pinagpaplanuhan at pinaghihirapan mo (goal-setting).  Pero siempre may mga bagay  na beyond sa power mo,  que destiny ito o  lack of courage…Sa case ko I believe falling in love is not something I can’t have because of hard work. I simply can’t think na magwo-work ang  tactic ko sa career at business sa love life. Mahirap mag-invest kung ang nakataya ay mga damdamin (naka naman!), hinihingan ng matinding gabay kay Lord ‘yan.  So kung sa wish, isa lang ang wish ko at alam mo na ngayon.

What’s my Personal Success?

Pangalawa at importante ay siguro medyo I’m convinced with my own definition of Personal Success.  Hindi ko masabi na mainggitin ako, masaya ako na manalo o magtagumpay ang ibang tao kasi deserved naman ng bawat isa yun lalo na pag pinaghirapan (appreciation). Mas nasasaktan ako sa mga isyu like betrayal of trust, power tripping, at iba pa.
Malate ChurchNitong linggo nga ay na-realize ko na may ilang batchmates ko ang may kotse na tapos ako naglalakad o nagta-tricycle. Iyong totoo, ang tagaalll ko ng gustong magkasasakyan. Tapos bago pa iyon, nakita ko yung 2 sa mga ka-Facebook na nandoon sa isang travel dream destination ko.  Pero thankful ako sa thought na yung buwelta ng damdamin ko, na okay lang naman kung hindi pa ngayon. Isa pa ay hindi naman ako sila at sila ako, bawat tao  kasi ay may unique na gifts  at isinasakripisyo para sa pangarap.

Nung nakita ko yung kotse ng kakilala ko, naiisip ko rin na puwedeng makabili ako nun kung nagtagal ako sa isang pinagtrabahuan ko. Pero aanhin ko ang makabili ako ng kotse, kung hindi ako masaya sa ginagawa ko.  Between kotse at time and freedom, mas pipiliin ko ang pangalawa kahit anong mangyari.  Bakit?

sundan ang No More Birthday Blues Part 2 dito 

My September Wish

Busy is a term for someone who has so many things to do in a limited time.  But do you think, it’s also our reason if we need to set aside matters that are not urgent or unimportant to us?  And actually even a lazy one can  say he’s busy to his classmates/ colleagues… busy in playing computer games or watching series ( marathon is their favorite sports).

#SeptemberNaMamaya

Since July,  I think I’m the mutya of procrastination because even I’m literally busy – I believe if I only exert effort on time management and saving my energy, perhaps I can do more and I’ll be more productive especially in business and blogging.

Habang sinusulat ko nga itong post na ito ay 3 sa trending topic sa Twitter ang may kinalaman sa September –

now is the timeSakto ito sa ideya ko kanina paggising na  ilista ang mga goals ko nitong buwan.  Hindi lang pala iilan ang goal-oriented, wishful and memaisip hehehe. Actually per week ako goal-setting ng gagawin, per month sa goal at per theme per year- addict no? pero ang totoo per day ako may katamaran o kasipagan.  Ang bilis ng araw sa akin kapag may ginagawa, na tipong  kahit pag-CR at pagkain ay  istorbo sa akin. At kapag may hinihintay ako, inip na inip ako at tumatagas sa kokote ko ang term na “waste of time.” Sana ay nanood na lang ako ng movie, nagbasa ng libro, nag-scrapbook or iba pang nagbibigay sa akin ng yaman ( sa bulsa, taba, libag at kalat). You know,  tama naman talaga yung verse sa  bible na A Time for Everything. (Ecclesiastes 3).
Kung mahalaga ang oras mo, ganun din sa ibang tao. At nasa sa iyo kung saan mo itatapon ang panahon mo sa earth,  sa cyberworld o sarili mong mundo. Hindi gaya ng pera, hindi mo na maibabalik ang isang araw na nawala sa iyo.

 #MySeptemberWish

checklist Hindi ko na idedetalye kung anu-ano ang goals and wishes  ko this September (I’m a private person chuz). Pero I really want to change my bad habits so I can create  very satisfying results and feelings in the long run ( meh ganun).  In random order ito yung ilan sa mga gusto kong maganap.

  • sleep early, wake up early and exercise – dapat daw tulog tayo ng 10pm to 1am para nakakapagpahinga ang ating andrenal glands. Ang adrenal fatigue ay isa sa mga sanhi ng pimples, hairfall, hormonal imbalance  at sa malalang eksena ay diabetes.
  • organize and clean Orange and Purple Nassau- Dahil sa  kuwarto na rin ang aking main workstation- ay Day! mas malala ang sitwasyon nito ngayon. Kung dati nakabaluktot akong matulog sa kama- ngayon ay naitataas ko na ang aking mga paa. Naiipapatong ko na sa patong-patong na libro o damit hahaha.
  • set schedules or enhance time management – isa ako sa I can’t leave my house without organizer, notepad and pen.  PERO may saltik din talaga ako sa oras – nag-o-overtime ako sa gustong-gusto kong gawin and i can give 10 reasons why I have to set aside this and that chuvaness.  ang na-realize  ko lang yung kakabukas ko, nagiging kakalinggo- kakabuwan at kakataon na.

So itong September I”ll be busy na ayusin ang pagiging busy ko kuno para sa maraming bagay at tao sa aking buhay – including you na palabasa blog ko. Naks! Nga pala, isa sa naglalaro sa isipan ko ay magkaroon ng Special presentation para 7th year anniversary ng evolving blog na ito.  Any suggestion?

How to be creative?

coffee-heart.jpgBago ang lahat binabati ko sila na wala man sa Libangan ng mga Bayani pero nag-alay ng sarili ( kahit hindi pa sila pinagbabaril sa likod). Magasgas na ang gulong ni Mamang kaskasero pero bibitawan ko pa rin ang linyang ito Kung hindi dahil sa mga bayaning sina Ka Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo ( ano kaya ang reaction mo at George Estregan ang pumapel sa karakter mo at take note kasama pa si Nora Aunor), Diego Silang at Gabriela Silang ( mabuhay ka Madam ginampanan ko dati sa school ang role mo), Tandang Sora, Lapu-Lapu at iba pa ay baka Spanish ang blog ko ngayon. I love Filipino, you know!

 Kinalaman?

Siempre thank you sa kanila, Holiday! Walang pasok at tigil-bahay-bawas gastos- lapat-ang-puwit-sa-papag-nganga-sa-paglamon ang mode ko.   Pero ang si Hoshi ay sadyang gustong maging produktibo at kailangan ko ring gawin ang trabaho na sana maiwan ko na este natapos ko sa office plus ‘yong mga the usual.

Eh kaso sadya ring tinamaan ng magaling, walang ma-produce na kahit ano ang kokote ko.  Ni wala nga akong ganang manood ng film, magbasa ng book o kumain kung di rin lang gutom .  Alam mo yung beyond katamaran ang sumapi sa iyo. pero siguro ang nearest synonym sa katamaran na yan ay kawalan ng gana.

Anyway, may ilang seremonyas ako to bring back my senses and to be creative  para maging productive.

1.  Drink Coffee – ayon sa aking sariling pag-aaral, ang kape ay hindi na nagpapa-gising sa akin kundi nagpapaantok. Pero bago ako antukin ay nakakaisip ako ng kunganu-anong idea na para akong naka-high sa amoy ng balat ng pomelo or citrus aurantium.

2. Eat Chocolate –  honestly, antok ang tama sa akin ng chocolate at feeling ko rin pagkagat ko pa lang may bilbil na ako sa arms. Pero gaya ng tamis ng kape ay binibigyan ako ng kakaibang feeling. Hindi masaya e, parang  masidhing passion. hohoho!

3. Dancing – Secret lang nito pero kabog ko si JLo pag tinamaan ako ng magaling at gusto kong magising ang diwa ko. pag sinaniban na ako nagsu-showdown na kami nila Shakira, Beyonce, Britney Spears, Lady Gaga, at Christina Aguilera. wala pa dyan yung tuloy-tuloy na tugtugan ng Black Eyed Peas, Rihanna, Shaggy, at ang pinakamatagal ko ng ka-sama sa dancing floor na si Michael Jackson.

4. Sound trip/ Singing – Thursday Night sumama ako sa gimik ng ibang department. Sulit ang bayad ko sa establishment na pinuntahan namin sa Metrowalk dahil kahit hindi ako umiinom at hindi ako nakakain ng marami, binira ko sa kantahan. Noong pumasok ako sa room na iyon ang dami ko pang burden e, paglabas ko boses ko na lang ang ay problema. salamat Yeng Constantino, Bangle, Aegies at Penny Tai taob ang humamon sa akin. hehehe Peace Dieg!

Hindi ko nga akalain na may ibibirit pa ako habang nag-aantay ng inspirasyon sa harap ng PC.  Buti na lang sinamahan ako ni Ka- Adele, Casting Crown, Celine Dion, Alison Krauss, Bread and Maroon 5.

5.  Surf the Net – Nakakagising ito ng diwa at nakakaiwan ng stress. Iyon nga lang puwede ring magligaw sa focus mo. Pero kung determinado naman  puwede naman makabalik at umalis ulit hehehe.

6. Walk -Walk  then Talk -Talk – Hindi ako typical na tita o ate. Hindi rin naman ako isip bata sa pagkakaalala ko pero alam ko makulit ako. at kapag nasipagan ako na makipag-usap sa kahit kanino que bata o matanda. Maya-maya may maiisip na ako na kakaiba.

iba pa yan yung nakapaglakad-lakad ako ng malayo,  parang akong namumulot lang ng ideya bangketa. iyon nga lang medyo sabaw-sabaw sa una.

cropped-02-09-09_1115.jpg1_Binangonan-confession room

Pero alam n’yo sa lahat ng ‘yan at kahit pa siguro makakakain ako ng mani, hindi naging effective.  Nagkaroon ako ng motivation na gumawa nang magising ako ng 4am kanina, magdasal at  magsulat ng mga dapat kong  gawin sa araw na ito. Hayon nakakarami na ako ng natapos.