4 of 7 Days Gratitude Challenge – Friendship

Siguro last month may dalawa akong friend na nagsabi sa akin ng eksaktong linyang ito – “ilan lang naman kayong kaibigan ko.” I feel grateful in a sense na sobrang picky siguro nila nakasama ako sa elite circle of friends nila.  Pero napaisip din ako, ako lang bang itong feeling friendly? Naalala ko tuloy may nagsabi sa akin na ” hindi ka friendly.” Labo ano ba talaga?

Friendship is like a plug that you need to connect

surfing by paoTinanong ko yung mga kasambahay ko, kung ilan ba ang kaibigan nila at pare-pareho silang nagsabi na konti nga.  Siguro nga ang usapan dito ay totoong kaibigan versus dun sa kakilala lamang.  Sa bagay hindi naman kumo’t matagal na kayong magkakilala at laging nagkaka-kwentuhan ay tropa na kayo.

Hindi naman ako yung usual na maingay, katunayan iisipin mo loner at weird ako in person. May nakapagsabi na rin sa akin na akala nila  kinakausap ko lang yung  tingin kong ka-level ko.  That surprised me, akala ko okay naman kami at hindi lang ako nagsasalita kapag hindi naman kinakausap. Ayoko lang matawag o magbigay ng impresyon na sawswera ako sa usapan ng iba. Oh well iba-iba talaga ang interpretasyon ng tao sa personalidad ko and I understand that because hindi ako ordinary ( naks!)

I’m glad that kahit akala ng iba ay kakaiba ako, I find friends who stick with me through thick and thin. And they don’t need to be always present  for me to consider their friendship. Masaya na ako that they greet or remember me if they have time. Of course, I’m grateful to those who help me kapag kailangan ko ng assistance.

But if there are things that I realize when it comes to pagkakaibigan: 

  • it’s like a plug – kailangan mong ikonek sa outlet para dumaloy ang current o sabihin na natin mag-effort.  May mga pagkakaibigan na kumustahan lang buhay na. Present ka lang sa iilang okasyon, okay na . Sadly, may mga tao talaga na parang ayaw na magpakita sa iyo dahil wala lang silang gana. Sabi nga ng kuya ko, yung mga tao na tamad dumalo sa imbitasyon – hirap din magkaroon ng bisita.
  • It always begin with imparting yourself –  Naalala ko noong Grade 4 ay may kaklase ako na ang tagal na absent at walang maupuan. Inalok ko siya na maki-share sa upuan ko. Ang sikip at hindi ako makapag-aral nang maayos pero I’m glad I did that -siya ang itinuturing kong my first ever best friend.  Ganoon din naman sa iba, mas lumalalim yung respeto, pang-unawa at koneksyon n’yo sa isa’t isa when finally nag-open ka na ng little secrets or mag-effort ka to give something.
  •  There are certain characters and levels – May mga kaibigan ako na magkakaway o hindi gusto ang isa’t isa pero pagdating sa akin friends ko pa rin sila. Sabi ko nga sa day 1 ng challenge na ito – “as magical as magic sarap, I’m lucky to have different group of friends.  Siempre mayroon yung makikita mo lang pag ganito at malalapitan mo ‘pag ganyan. Anu’t anuman ang concern lang dyan ay respetuhan at pang-unawa.

ABC of Friendship

551277_471951536199704_1320257383_nI think hindi ko pa kayang buuin sa bilang ng alphabet ang mga itinuturing kong kaibigan pero kulang pa ang bilang alphabet sa lahat ng bagay na nagawa nila sa aking buhay.  I will be forever grateful for having true friends na nagparamdam at nagturo sa akin ng…

Acceptance, Bigayan, Cherish, Damayan, Education, Fun, Greatness, Happiness, Inspiration, Justification, Kapatiran, Love, Mindful, Neutral, Observant, Passion, Quip, Refuge, Sincerity, Trust, Understanding, Weirdness, Xenacios, Youthful, and Zeal.

testimonials sa friendster

Puwedeng sabihin pang-jologs or kalumaan showcase na ang friendster pero wala akong balak na abandonahin ito. nandoon pa rin kasi yung ilang friends and contacts ko. Saka kung itse-check mayroon na silang minor improvements especially sa photos.  And ito lang ang site na kinaya kong pag-aralan na maiba ang themes ayon sa gusto ko.  at siyempre aaminin ko na naloko ako sa mga testimonials na na-receive ko. para bagang wahhh astig pala ako. (If I know iba diyan pinagbigyan na lang ako hehehe) at ilan sa mga testi na ’yan ay nakasalampak na sa scrapbook ko.

Examples?

“Ang galing ng judgment ng mare kong ‘yan. Sometimes I think you were born in the wrong month, dapat Libra ka kasi you weigh things very well. –  (wow sige ask ko nanay ko Mare baka wala sa wisyo noong nagparehistro)

“Naku sa una kala mo napakatahimik na tao pero pag nakilala mo tanggal ang panga mo sa kakatawa. Dahil s’ya ung taong open kaagad walang hiya…..hiya yan (shy (girl?). Pag absent nga yan sa opis para bang may kulang. at eto pa si (J)Hoshi ang taong hindi plastik (tupperware lang….. joke uli).-  – (ah kuya  hindi ako plastic na tupperware, orocan lang para walastic hehehe)

“(J…) Hoshi was the first one to welcome me. Paano ba naman s’ya kc ang unang taong madadaanan ko (no choice di ba) kidding aside, napakagalang na bata kc nga naman mas matanda ako sa kanya (no choice ulit)… Ang galing n’ya, nararamdaman ko ang significance ko sa buhay niya kahit alam ko nauuto na niya na ako” – ( nagpauto ka naman ate wahahaha)

“She may not be the girly type girl, but geez, she knows how to be one!
Girl with very beautiful eyes, witty and cool.- ( napagpalda lang ako noon)

“I just enjoy listening to her stories be it in the aspect of life or love or just shallow stories we would end up laughing about. An anime freak, an avid koreanovela’ watcher, a good mimicker and despite the boyish look is an admirer of the opposite sex.” (ano ba yung opposite sex? Hehehe)

“she’s so loud yet she so deep… weird??? yes but she’s really nice too…” ( parang pinilit na maging nice sa huli hehehe)

“Very thoughtful din itong si ganda kasi during college she often gave me letters (yes nakatago pa lahat yun sa aking baul hehe) na nakaka-high ng feelings those notes were very special because she let me knew that my acts were really appreciated. Every time I read those letters, ang sarap sa pakiramdam parang tumatalon ang puso ko palabas sa sobrang galak. (Gaano kataas girl? joke! Love ko yan.)

“naku..sa totoo lang, hanggang ngayon ay ‘di ako makapaniwala na nakatagpo ako ng isang kaibigan katulad nito. astig po ito, mga kapatid..maliban din siyempre sa isang katotohanan na isa din siyang babaeng bading tulad ko..hehehe! – (sos ibinunyag na nga ang totoo, water!!!)

“Sometimes she’s quiet, ewan ko parang ang lalim ng iniisip lagi. Masipag mag-aral at syempre cute din. Di nyo ba na notice mga public viewers, ang ganda ng mata nya, sya kaya talaga yun? – ( ganda raw e di naman pala gaanong naniniwala. joke)

“nung hiskul  kmi ayaw n ayaw nya ung gngwa ko lalo  n ung pagtakas sa klase para mglaro sa  arcade isa pang ayaw nya sa akin ay  ung mag pakopya hilig ko kc nun  pakopyahin lahat ng friends ko…– ah e akin ba ito o confession mo friend.

“You amaze me with your being responsible and when you set your goal on something, whether it be watching your favorite soap opera on tv or getting a degree, you really do whatever it takes to get to it. Well, always keep your head up and keep on reaching for your star (ok that was corny!) – hirit hoshi : There ain’t no mountain high enough/ Ain’t no valley low enough / Ain’t no river wide enough / To keep me from getting to you (anime)

“ok cge way  back in Highschool days…d pa uso ang  bibo hotdog nun bibo n 2 e! –bait yang c hoshi ewan ko lng  ngayon? bka wild na! hehehe joke! ingats nlng!!! – eh ganun wild na ako ngayon mali ka since birth pa kaya

“grabe yung  experience ko d’yan kasi, napagalitan  ako ng principal namin dahil sa kanya  dahil sa acting nya.hehehe!!!!! (naninisi pa ata )

“talented, witty, mOOOOOdy and sobrang  cool kasama – (parang may galit sa pagiging moody ko a)

“as friend ok syan obvious b! mag kaibigan p rn  kmi! bsta ang remember k lang s kanya  laging nanood ng cartoon kpag nanood k  mag kksundo kyo nyan, promise kso hindi  me hilig dn, – (Di  niya alam bat kami friend)

“makulit… kahit saan lalo na pag anime  ang bilis nyang lil witchy na yan. ayaw manood ng horror sa sine kasi daw  di daw sya magbabayad ng 65 para  takutin o matakot, etc. hilig  nyang magsulat..sa pader, sa papel, kahit saan basta sulat. – (kaibigan ba kita? Eh pinapahiya mo na ako e)

pansin ko lang na karamihan sa nagbibigay ng testi ay  laging may pambungad na linya na “ah yan si Hoshi (whatever name), ano yan”. nakakagulat ba ang pagbibigay ng pambola?  hehehe joke Thank sa kanila lahat natutuwa pa rin ako.

friendship

Dear Ate Jevs,

Makailang beses ko na rin tinanong ang aking sarili kung mabuti ba akong kaibigan? Kung tama ba ang sinasamahan kong mga tao o kung ganun lang talaga ang takbo ng sinasabi nilang friendship?

Bakit sa tuwina naiisip ko na kung di ko man magawa ang perperkto o the best para sa mga tinatawag kong kaibigan, ginagawa ko naman ang magagawa ko para sa kanila? Bakit kahit ganun, natatagpuan ko minsan ang aking sarili na nag-iisa at mahirap silang malapitan? Kung di man malayo sila sa distansya, parang ang hirap talaga nilang imbitahan para ako samahan.

Pero mahirap lagi ang malungkot sa mga bagay na hindi mo basta mababago. Isinasantabi ko ang aking mga hinuha dahil alam ko marami pa akong dapat ipagpasalamat kaysa magtampo, na marahil ay baka likha lamang ng mapaglaro kong isipan.

Masaya ako na magkaroon ng kakilala at totoong mga kaibigan sa paglipas ng panahon. Sila ang ekstensyon ng aking pamilya at lalo ng aking sarili. Pero sinisikap ko ring maging ako at makayanang tumayo na mag-isa sa ilang pagkakataon dahil kailangan.

Subalit may limitasyon nga ang lahat, may mga taong humahamon talaga sa iyong pang-unawa at katatagan. Kung hindi sila malapit sa iyo, baka balewalain mo pero dahil itinuring mo silang barkada parang ang kirot nun ay tagos sa puso. Ano nga ba ang sangkap sa pagkakaibigan? Bonding time, word of honor, trust, loyalty or pagbibigay ng importansya?

May mga pagkakataon na napagtatanto ko na kung sino pa ang ‘di malapit sa iyo o iyong mga ‘di mo inaasahan ang siyang tutulong sa iyo sa kagipitan. Alam mong ang simple-simple pero ibang tao pa ang nakagawa sa iyo. Tingnan mo nga naman, ang kabutihan o pagiging totoong tao ay di lang nakasentro sa pagkakaibigan, pamilya, relihiyon kundi sa indibidwalidad.

Sumasainyo,

Lindsay Gohan

———————————————-

Dear Ms. Gohan,

Lalim naman pero may saltik sa kaibuturan ng banga. Sa sobrang lalim hindi ko na alam kung paano ko hahalukayin ang aking tugon. Jokeness!

Enwei, totoo na sa friendship ay hindi lamang yung puro the best ang nangyayari. At dahil hindi mga bagay ang mga kaibigan, mayroon silang emosyon at pag-iisip na maaaring hindi natin masakyan eventually. Maaaring masaktan ka at datnan (hindi ng period) ka ng kawalan ng tiwala sa friendship pero wag mong hayaan.

Malaki ang populasyon ng Pilipinas o maging ng buong Asia. Marami ka pang makikilalang tao na posibileng magiging matalik mong kaibigan. May positive attitude ka kaya pag-ibayuhin mo ‘yan. Anyway, mabuti o masamang kaibigan, ingredients pa rin sila para sa makabuluhan at colorful experiences sa life na ito. Mahirap naman talaga ang makahanap ng totong kaibigan pero kapag nakita mo sila maswerte ka talaga.

Smashingly cute,

Ate Jevs

Who do you think you are?

Dear Ate Jevs,

Nakakatawa na malaman minsan ang impression ng ibang tao sa iyo. Especially kung yung ibang tao na ‘yon ay hindi mo close friend. In a way, kapag may narinig kang comment mula sa kanila, may mare-realize or madi-discover ka tungkol sa iyong sarili. Siempre, hindi lahat puro magaganda, may mga pangit at masasakit din.

Pero itong isang kwento ng kuya ko about sa akin, natatawa ako. Nakainuman daw niya iyong dati kong kaklase nung elementary at itatago natin siya sa pangalan na Gaara. Hindi alam nung kuya ko na naging kaklse ko iyong lalakeng iyon tas hindi rin alam ni Gaara na kapatid ko pala yung kuya ko. Kasi itong si Gaara, medyo mailap din sa mga kapit-bahay nila, siguro kasi iba ang religion niya at masasabing may kaya sila.

Sabi raw ni Gaara, isa raw ako sa iniiwasan niya nung magkaklase kami (siguro hanggang ngayon). Ayaw daw niyang magkabanggaan kami o makaaway ako. May pagka-boyish daw kasi ako, baka daw mapano siya. Hahahahahaha! Natawa talaga ako, kasi ni hindi pumasok sa isip ko na ganun ang impression niya sa akin at hindi ko rin naramdaman ‘yon nung magkaklase kami. Ang naaalala ko lang ay talagang straight akong tumingin sa mga kausap ko at kapag seryosong nagtanong serysoso ko rin sasagutin.

Naging magkaklase kami ni Gaara nung grade 5 at grade 6 kasi pumasok na ako sa section 1. Kilala siya na matalino pero maloko. Lahat ng babae na kaklase namin, honor students man o hindi minsan pinagtitripan niya. So na-realize ko na ngayon na oo nga pala no, hindi pala niya ako hinarot ni minsan. Tapos, ‘yong best friend niya na kasama niya sa kalokohan nung mga time na iyon ay nakakausap ko pa ng matino.

Boyish, loner, tahimik, kulang na lang sabihan akong suplada o alien, ‘yan ang madalas na komento sa akin nung mga kapit-bahay namin lalo na ang mga kabarkada ng kuya ko na hindi pa ako nakikilala. One time, may nagtanong pa nga sa akin kung may GIRLFRIEND na ako. Hahahaa!

Pero sa palagay ko, ‘yong mga nakakausap na ako ay nagbabago naman ang tingin sa akin. In fact nung may tindahan pa kami, madalas kung kakwentuhan eh yung mga kabarkada (kaedaran) ng mga kuya ko. Kahit anong kwento nila, medyo nasasakyan ko naman pero in fairness wala akong naalala na nagkaroon kami na topic na bastos. Siguro respeto na rin kung sino ako sa komunindad na ginagalawan nila na sister ako ni ganito at anak ako ni ganyan. Pero gusto ko ‘pag napapakuwento ko na sila ng deepest secret or feelings nila ng kusa. Halimbawa about sa love life nila or ‘yong pangarap nila sa buhay.

Minsan may nagtanong sa akin, kung hindi ko ba raw type si ganito. (sorry kahit may itsura yon at nuknukan ng talino, ayoko sa isang kaibigan o kapit-bahay). Tas tinanong na niya ako about sa love life ko. Tas binigyan niya ako ng malupit na payo then sinabi niya sa akin pareho daw ako ng mga kapatid ko. Buhahahhaa! (‘wag na nyo ng tanungin kung ano, basta isa iyong masakit na katotohanan).

Nakakatuwa rin yung mga comment or testimonial sa friendster kasi kahit alam mong bola iyong iba, may sinasabi pa rin silang kakaiba tungkol sa iyo. Halimbawa, sa ganito niya ako natatandaaan at kilala niya ako sa pagiging ganito-ganyan.

Iyon lang po,

Yana

Dear Yana,

Buhahaha, salamat sa pagsi-share ng iyong kwento. Nagkaroon tuloy ako ng impression about sa iyo. Anyway, tama rin na pansinin natin ang tingin ng iba sa atin, pangit man o maganda.

Hindi naman para ma-pressure kang baguhin ang iyong personality dahil ang bawat pagkatao ay may unique na quality at binubuo ng iba’t ibang factors. Ang mahalaga lang diyan ay maging aware ka sa sarili mo o iyong dating mo sa iba. May mga tao kasi na sobrang walang paki sa sinasabi ng mga tao sa kanila.

Pwede naman ‘yon actually, pero dapat din nating isipin na may constructive criticism na pwedeng synonym ng word na advice. Maaari kasing hindi ka aware na insensitive ka na sa feelings ng iba or over ka na sa iyong mga action. Eh hindi lang naman ikaw ang mamumuhay sa mundo kailangan mong makisama. At sa pakikisama kailangan mong malaman kung ano sila at ikaw sa kanila. Sabi nga ni St. Basil: “He who sows courtesy reaps friendship, and he who plants kindness gathers love.”

Iyon lang din,

Ate Jevs

Feliz aniversario ka-Hoshilandia!

ONE year na ang KWENTOTPANINIWALANIHITOKIRIHOSHI (long for hoshilandia) noong October 3! Sa sobrang busy, gustuhin ko man na kumpletuhin ang entry na ito sa mismong araw na iyon ay hindi ko nagawa. Huhuhu! (sa totoo lang dami ko pang draft na hindi matapos-tapos.)

Anyway, nakakatuwa naman dahil sa loob ng isang taon ay nakapag-post ako ng mahigit 60 entries, kinatok ng lampas  apat na libo, nagkaroon ng mga online buddies, naka-attend sa wordcamp, nakatanggap ng sari-saring comments na talagang nakakapagpangiti sa akin at nakapasok na rin ako sa
Top Posts from around WordPress.com at Fastest Growing WordPress.com blogs. (Kanina lang nag-check ako nakita ko ulit blog ko rito. yahoo!)

Masaya ako ‘pag may nakakapansin sa blog ko esp. sa di ko naman kilala. Well, dahil na rin iyon sa hindi ko naman masyado in-advertise, mabagal akong mag-post ng bagong entry na madalas ay madrama,  minsan ay mga kalokohan  lang at may panaka-nakang pagbugso ng kaseryusuhan.

Siempre gusto ko rin batiin si Ate Jevz at ang aking mga ka-PUPU dahil nakakailang kwento’t paniniwala na rin sila di ba? Iyong mga avid viewers and commentators ko. Sa mga friends ng mga kaibigan ko talaga, mabuhay kayo (oo  Sherma, Raft3r and VF kayo yun!)… sarap ninyong kasagutan, swear!

Sa mga batikang blogger na nagbibigay sa akin ng panahon (yes ate kengkay, mangbadoy, papertilapia, artinformer, aling baby, geisha, pelicarol, etc.). Sorry dun sa mga nakakaligtaan kong ilagay sa blogroll.  Kasi depende  ‘yan kung type ko ang blog ninyo o kung gaano kayo kadalas sa hoshilandia ( oh ‘di ba may requirements). Pero happy ako roon sa mga napapadaan lang pero pabalik-balik naman.

Siempre special mention sa aking thank you entry para sa anniversary ng hoshilandia ang aking blog mentor na si gumamelang malikhain at masulat – avi canale.  Siya po ang sisihin ninyo kung bakit may hitokirihoshi na umeeksena sa wordpress. Siya rin ang susi kung bat nakapagpa-picture sa akin si Mr. WordPress hahaha!  Salamat din sa mga regular customers ko rito na sina pinkleng-lengstorymachine tonet, hot momma DyeseTet, nawawalang Kuya Obet… doon sa iba na kunwari ay ‘di tumitingin pero regular naman na nagbabasa, thank you na rin. Pero alam ninyo mas maa-appreciate ko ang presenysa ninyo  kung marunong kayong mag-comment. I thank you.     Hehehe

Dahil may pahintulot na ako ni ate jevs, ire-reveal ko na ang lihim… lihim kung bakit mahaba ang url and blog ko…. Sa totoo lang na-amaze ako na makita iyon na nakalagay sa wordcamp I.D ko. Feeling ko kung may contest ng pahabaan ng blog and url name, panalo na ako. … okay bakit nga ba?  Kasi noong una ay ayokong i-share sa iba na meron na akong blog.   Kung malaman man nila, hahayaan kong mahirapan sila sa kaka-type.

Pero di naglaon ay naisip ko na pati ako nahihirapan na rin.  Ang nakakatuwa lang ay kahit ganoon,  may dumadaan pa rin. Saka madali namang i-recall di ba ( oo ikaw VF ang tinatanong ko.. hehehe. ang hitokiri nga pala po ay “slasher” sa salitang Hapon) hayaan ninyo, mas magiging open na ako.   Lalo pa’t napag-alaman ko na takam na takam sa local info… (yes hindi po hard news) ang aking mga readers  (hahaha may ganun!) mabuhay!

%d bloggers like this: