Monolougue: Qong Eno Man Eon

I

May gusto kang gawin na nais kong malaman pero

tinatanong kita, hindi mo ako masagot

Gusto mong subukan ang naiibang bagay pero

Ayaw mong gawin dahil ikaw ay natatakot

Ikaw ba talaga ay may inaasam o patutunguhan

Sagot mo naman ay oo subalit hindi mo pa lang alam

kung ano eksakto at paano

payo ko naman ay dagdagan mo na rin

ang tanong , kailan?

II500 post

Batid kong malakas ang iyong personalidad

Kita naman sa dami ng iyong abilidad

Pero bakit puso mo’y may agam-agam

Isipan ay nababalot ng pag-aalinlangan

Para kang Reyna na nakaupo sa trono

na nagkutkot ng kuko sa daliri

kinakagatat  ang pang-ibabang labi.

Alam mo ‘yong nasa iyo na halos lahat

Ayaw mo lang umasta nang ayon sa nararapat

IIIKorean's Traditional Bed

“Tantanan mo ako, buhay ko ‘to

Mahirap ipaliwanag

mukhang magulo …

damdamin ko ay emosyonal

kokote’y tulirong-tuliro

pero Qong Eno Man Eon

hinahanap ko, ako lang din ang

makakatuklas noon ,”

tugon mo sa pag-uusisa ko.

Masasabi ko lang

Ei One Quo Seo

More power and mabuhay na lang!

Hangganan

nakakapagtaka na may taong akala mo naiitindihan mo pero yun pala ay ikaw pala ang hindi niya iniintindi. para bagang, kahapon lamang nagkakatuwaan kayo at tinutulungan mo siya pero dahil sa isang tao ay iiwan ka n’ya. pagkatapos, mararamdaman mo na lamang na handa ka n’yang isakripisyo alang-alang sa iba.

masakit pero sadyang ganyan ang buhay. kung tama ang wikang paraya, ‘yan ang dapat gamitin na linya. kung sa simula ay iniitindi mo siya, ngayon kailangan mo na rin siyang unawain. Pero hindi rin naman ibig sabihin na naiintindihan mo ay umaayon ka na sa hindi mo gustong ipinapakitungo niya. Pinapalaya mo lang ang sarili mo sa ideya na magkatulad kayo dahil ang totoo ay hindi.

Isa lamang siya sa mga taong kailangan mong makasalubong pero hindi mo makakasabay sa iyong patutunguhan. May hangganan ang inyong pagkikita at pagsasama. Mahirap siyang akayin dahil mahirap magsama ng taong, ayaw sumama at pahihirapan ka lamang sa iyong paglalakbay.

ganun din naman siya, kailangan niyang maglakbay sa direksyon na nais niyang tahakin. wag lang sana siyang madapa at magsisi sa bandang huli.  Dahil ang pagkakataon, minsan lang dumarating. at ang taong tulad mo ay hindi na babalik kagaya ng dati.

 

 

 

short poems about self-debate…

I. hobby

Sa tuwing naiisip ko na parang wala naman dating ang ginagawa ko

Pero masaya ako at maging ang ibang tao

Kahit walang katumbas na pera

at pag-uwi’y butas pa ang bulsa

Ayos lang, walang kasing halaga ang kasiyahan

Kahit sandali lang.

compare lang ng itsu at ugali

 II crush

Sa tuwing nakikita ko na dumadaan siya

Sinusundan ko ng tingin ang lakad n’ya.

Puwede namang sulyapan, ‘di ba?

Lalo na kung hanggang dun lang.

Kung kanyang mapapansin,

Salamat!

Kung hindi, okay lang naman

Walang problema

 

III. exam

Sa tuwing ako’y may pagsusulit isang hamon

ang magkaroon ng panahon at gana

Lalo na’t nakakabato ang magpabalik-balik

Sa alam mong alam mo na.

The right choice of word? a DICTION?

(Note: Fine isulat o hulaan ang correct term o sagot sa inyong comment…yon ay kung may tama ka!)

 

Gigabyte

Baradong-barado na ang inidoro dahil hanggang 1gig (gigabyte) lang ang capacity nito.

Coming- out

“Sir coming out ka na ba (CR), going in na sila sa ibang store.”

Flyover

Kataka-takang may namamatay sa highway na ‘yon, eh ang dami-dami namang flyover para sa mga tao.

Professional

Ati: Hindi ka naman marunong maglaba pero ang mahal mo naman maningil?!

Hoshi: Professional ako e, kahit hindi ako marunong maglaba.

Diamond

Ilang gramo ng diamond ang nasamsam n’yo sa kisame n’ya?

Tipak

Bumili ng isang tipak na tawas si Oswaldo sa Aling Yska Sari-sari Store

Tumpok

Mahilig humithit ng isang tumpok na sigarilyo si Patrash bago siya naging suki sa Lung’s Center.

Sinagi

Sa salaysay ng saksi, nasagi lang ni Dioning si Quatro bago ito nalaglag sa underground floor mula sa roof top.

Sinipit

Matapos ang matagal na pagkakalayo, nagsipitan ang masyota nang magkita sila sa airport.

aanhin (what’s the…)

Aanhin!

“           ang sinigang kung walang sabaw

“           ang  malamang tindahan kung wala namang bantay

“           ang magandang cellphone hindi ka naman marunong gumamit

“           ang pag-iikot sa mall eh wala ka naman pera

“           ang nandito ka pero nasa iba naman ang diwa mo

“           ang magtiis sa isang bagay na hindi  ka naman masaya

Aanhin?

“           na ng palay basta hindi napeste

“           es de pemeyl off d domestek fowl.

“           mo na yang biguti mo Dong, mukha ka ng tsongu

“           mo ang baho! ibaba mo yang kili-kili mo

“           a-an –hin ha tsuhhhhhh, sorry!.

“           ..tay ka lang, aantok pa ako.