Blogging is freedom

ibon lang ba ang may layang lumipad?

pating lang ba ang puwedeng pumaroo’t parito sa deep ocean?

bata lang ba ang puwedeng magwala?

paano naman ang pusong puno ng damdamin?

kokoteng sasabog na sa nag-aalab na ideya?

Ano ang sagot mo? Mayroon o wala?

Puwes baka makasagap ka ng creative juices sa

Pulang Tinta Mula Sa Matalim na Pluma

na entry ni Doklita.

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

hindi dahil common may sense na

One time, may isang news from yahoo na na-curious akong tingnan. Iyon ay tungkol sa limang klaseng tao na dapat iwasan. Isa na roon ay ang mga taong manipulative.  Gusto ko silang tukuyin kasama na ang mga taong masyadong casual sa lahat ng bagay.

Lagi natin pinaniniwalaan na mahalaga ang magkaroon ng kalayaan gaya ng freedom to express and freedom of the press. Ang kalayaan ay mahalagang yaman na hindi ko ipagpapalit gaya na lamang ng pagkakaroon ng privacy. Pero aminin natin na may tendency tayong abusuhin ito. Gusto natin na ipakilala ang ating sarili, iyong nga lang sa paraang hindi nababatay sa pamantayan ng iba.

Kahit may punto ito pero mayroon pa ring sablay. Paano kung ipinapakilala mo ang sarili mo na masama ka, wala kang pakisama o kaya’y okay lang ang manakit ng ibang tao? Well mahirap naman talagang maging mabuting indibidwal. Isa na ako sa puwedeng paulanan ng cornick kapag sinabi kong ang bait-bait kong girl. Ang mahirap ay ‘yong paniwalain mo ang sarili mo na tama ang masamang ginagawa mo at lalung –lalo na impluwensyahan mo ang ibang tao.

Ito ay gaya ng pagnanakaw sa kaban ng bayan. Since halos lahat naman ay kawatan okay na itong gawin? kung lahat naman ng nasa lugar nyo ay addict, join the club ka na rin? Eh nasaan ang kalayaan doon kung ang sarili mo ay pinasok mo na sa kahon ng iba.  hindi ba’t mas maganda ng tawaging maprinsipyo at sarado ang utak, kung ito naman ay sarili mong paniniwala?

Ang masakit din sa iba, sinira na nila ang kanilang sarili dinadamay pa ang iba. Inggit? Puwede! Damayan? Malamang! Crab Mentality? Mismo! Bakit may taong kapag nakakilala ng mukhang mabait, tingin nila dito ay plastic? Bakit di nila hayaang maging mabait ang mabait o kahit pa sabihin nating nag-e-effort na bumait.

Mayroon pang ilan na dahil common na ang kasalanan ay casual na itong uulit-ulitin at ipamumukha ito sa kaniyang, guess what, love one na intindihin na lang siya. Kung hindi na nila iginalang bilang kabiyak o kasintahan, sana ay nirespeto man lang nila ang mga ito bilang tao. Example…

Namomobroblema yong tiyahin ng friend ko sa friend nya (analyze mo na lang) dahil hindi maiwan yung bf niya na may asawa na.  Nagplano naman na yung girl na makipaghiwalay kaso matulis si bf. Napaniwala ni boylet na kaya naman niya pagsabayin  silang dalawa first dyowa niya. Sa gitna ng panty at bra na ibebenta ng tiyahin ng friend ko (sales lady sa mall), nasabi ko na lang na…okay pa yan kasi hndi pa yon buntis. Eh paano kung nanganak pa yung kasalanan nila. Nasira na niya yong family noong isa, pati buhay niya at magiging anak nila. Eh dalagang-dalaga daw yung friend ng tiyahin ng friend ko e, pero sana ay madala na.

Natuwa naman ang yong tiyahin ng friend ko sa sinabi ko, inalok pa nga ako ng products niya e, sabi ko “iba po bibilhin ko, black socks!

KAPAYAPAAN, KALAYAAN, KARANASAN…noynoy aquino

May party akong napuntahan na hindi ako ganoon ka kumportable. Hiwalay ang kuwarto kung saan may kainan, doon sa kuwartong may mga program gaya ng sayawan, kantahan at palaro sa parang hotel na ‘yon.

Noong marinig ko na parang may dance contest, nagpasya akong sumali. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at doon ko lang naalala na naka-dress pala ako kaya inabot ko ang aking sinturon at sapatos sa aking kaibigan na nanonood lang sa program.

Sa mga kasali, alam ko dalawa doon ay kakilala ko. bigla nag-alala ako na baka stop-dance ang laro. Dyahe naman sa akin ang sumali pa sa ganung laro pero nandoon na rin lang, sumige na ako. Ang nakakaloka lang ay imbes na pasayawin kami ay nagkaroon ng question and answer portion.

Pinakitaan kami ng tatlong que cards na naglalaman ng mga salitang KAPAYAPAAN, KARANASAN at KALAYAAN. Mamimili ka alin sa tatlo o i-enumerate mo ang tatlo ayon sa pagigingg importante nito sa iyo.  Panghuli ako sa sasagot at yong nauna sa akin ay si Tita Cory pala. Ang sagot niya ay KAPAYAPAAN.

Naisip ko ay may punto siya pero ako ang nasa isip ko, kalayaan ang gusto ko na unahin. Pero naisip ko rin nung pagkakataon na ‘yon, mahirap idepensa at may pipili kaya nung cue card na may nakalagay na KARANASAN? Pero noong ako na ang sasagot ay hindi na ako nakapagbigay ng kuro, kasi nagising na ako.

Wala lang sa akin ang panaginip na ‘yon, bagama’t weird at nakasama ko pa talaga si Tita Cory ha.  Pero kanina habang nakikinig ako sa speech at pagdedeklara ni Noynoy Aquino na tatakbo na siya na sa pagkapangulo biglang bumalik sa akin ang panaginip ko.

Marahil pinili ni Tita Cory ang Kapayapaan kasi yun naman talaga ang nagawa niya during her time, gusto ko ng Kalayaan bilang indibidwal at mamamayan at ang KARANASAN ay para kay Noynoy. Sa totoo lang kasi, ‘yon ang tingin kong kulang sa kanya at mas gusto ko siyang tumakbo bilang pangalawang pangulo.

nais ko'y kalayaang,'di papel lamang
nais ko'y kalayaang,'di papel lamang

Siyempre, ayaw ko rin naman sa mga TRAPO (traditional politician) na punong-puno sa karanasan pero wala namang kakuwenta-kuwenta at integridad. Ang sa ganang akin ay kaya nga bang mamumuno, desidido, maaasahan, mapagkakatiwalaan at  may magandang hangarin para sa bayan.

Naniniwala naman ako na mayorya sa mga binanggit kong  katangian ay tinataglay ni Noynoy. At kung titingnan ang mga posibleng kakandidato, namumukod tangi  nga siya sa maraming aspeto.  Pero may bunga kasi ng isang magandang puno na nababalewala ang pagkalinam-naman at sustansya pag piñatas ng hilaw. Nakakatakam man tingnan pero nakaka-frustrate pag hindi naibigay yung hinahanap mong dapat na lasa nito.

Dagdag na tanong lang… kung hindi ba namatay si Tita Cory at iba ang ginawang taktika ni Mar Roxas (lalong-lalo na ang flop niyang padyak ad), papaimbulog kaya ang name ni Noynoy?  May isa lang akong gustong purihin sa kanyang mga sinabi niya iyon ay dapat wag mawalan ng pangarap o pag-asa.

Paraya

Masaya ang makapagbigay ng ligaya sa iba. Iyong tipong alam mong ang pasasalamat niya ay mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Kaya lamang may mga pagkakataon na ang ligaya ng iba ay hindi mo gusto. Na kung ikaw lang ang papipillin, ayaw mong iyon ang gawin o pillin niya.

Naranasan mo na ba ang pumagitna sa isang pag-iibigan. Na may gusto kang isang tao, subalit hindi ka makapag-all the way kasi trip din siya ni best friend?

Eh iyong, kailangan niya umalis papunta sa Timbaktu para ipursige ang kanyang pangarap? Tapos, hahayaan mo na lang siya sa iba kasi hindi mo maibigay ang mga nais niya.

Iba no? matatahimik ka na lang, tas hihirit ng palalim trying to know kung sure na ba siya. Eh sumagot, parang excited pa nga e tapos tatanungin ka. Anong pinaka-polite na tugon? Malupit na NGISI!

Bat ko ba naiiisip to?

Hay mainit ngayon, masarap kumain ng mix-mix (halo-halo) sa point-point (turo-turo). Tas babandera pa diyan ang bulaklakan na shorts tas may bungo-bungo pang bandana.