R.I.P. Daddy

Dear Ate Jevs,

May nabuo akong prinsipyo na imbes na maghimutok ay ipagdasal na lamang ang mga yumao. Ewan kong may matatamaang paniniwala iyon pero tingin ko mas maiigi na ang ganoon. Alangan naman kasi every time na masasaktan ka ay ibubunton mo sa taong wala naman diyan o lagi mong itataya sa lotto ang numero ng kanilang kapanganakan etc. etc.

Pero kapag Nov. 1 or 2 nakikisama naman ako sa tradisyon ng mga kamag-anak ko. Iyong padasal at konting paghahanda.  Kasama sa buong angkan na ipinagdasal namin ay ang yumao kung Daddy. Halos 17 years na rin siyang patay at masasabi kong unti-unti ko ng nakakalimutan ang kanyang itsura kung hindi lang sa mga lumang larawan namin.

Medyo madrama ang mga eksena ng aking kabataan at kasama siya sa highlights.  Hindi ko na ikukuwento ang mga ‘yon kasi gusto ko ng ibaon sa limot ang mga pangit  at gusto ko na lang itira ay  iyong ang masasayang alaala.

Sa aming apat na tunay magkakapatid, dalawa sa amin ang maki-ama, ang isa deadma at ako, bukod sa ina ko na lang ang nakasama ko simula’t sapul, ay masasabing maki-nanay. Subalit, siguro sa konting makakayanan ng aking Daddy ipinadama naman niya sa akin noon na espesyal din naman ako sa kanya Wala akong naalala na pinalo niya ako, bagkus aawayin niya sinuman na gagalaw sa noo’y very soft and delicate kong negrang skin.

Aaminin ko na may time na nagkaroon din ako ng hinanakit. Maraming akong tanong na alam ko rin namang ako na lang din ang sasagot kasi wala na nga iyong gusto kong tanungin.  Naka-move on naman ako at nag-mature na.

Nung kumakain na kami sinabi sa akin ni insan na noong nabubuhay daw iyon, daddy’s girl daw ako. Sabi ko, hindi ko matandaan na naging masyado akong malapit sa kanya.  Sagot niya, lagi daw akong kinakarga noon ‘pag nasa bahay. Alam mo Ate Jevs, na-move ako roon sobra.  Mas nakikilala ko siya sa salita at sa mga kwento ng mga taong lagi niyang nakasalamuha noon.

Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit sabihin nating paranormal, parang siya pa ang hindi nakakalimot sa akin. Nagpakita pa nga siya sa akin sa panaginip nung magtapos ako sa pag-aaral. Wala siyang sinasabi roon pero nakukuha ko ang ibig niyang ipakahulugan na binabati niya ako at masaya siya. Kinakamayan niya ako pero nung iaabot ko na sana ang aking kamay nasabi o naisip kong patay na siya. Hindi naman niya ipinilit kundi ngumiti lamang siya saka lumabas. Actually, hindi ko na ini-expect na makita pa siya kahit sa panaginip.  Pero kung totoo iyon, mas masayang-masaya siguro ako.

Sa November 9 ang anibersaryo ng kanyang kamatayan. Ang kanyang puntod ay nakalagak sa sementaryo ng lugar kung saan siya nagbinata, nag-asawa at namatay. Sa totoo lang, halos wala ng espesyal ang bawat punta ko roon. Ni hindi ko na nga gustong puntahan ang bahay nila roon, ang nais ko na lang gawin ay ipagdasal siya na sana maging mapayapa at masaya siya saan man siya naroroon.

Nene Saltiq

Dear Nene,

May tma k nga n mdmdamin ang iyong letter. Kulang na lang ay hingin q rin s ktabi q ang tissue n’ya (btw, nsa coffee shop ako while reading your letter sa aking laptop) dahil sa pagsirit ng luha ko.

U know what, nhhirapan me n mag-comment.  But 4 me, tama ka na maigi na maalala mo ang mabubuti at masasayang bagay kaysa pangit.

Mabuhay!

Ate Jevs

Happy Father’s Day!

Eto na siguro ang isang araw na hindi ko na mase-celebrate at hindi na-celebrate…year 1991 pa lang kasi ay wala na akong daddy at sa loob ng walong taon na nakapiling ko siya… iilang beses lang kaming nagkasama ng personal.

Para sa akin, ang ama ay ang “provider” ng pamilya. Ang buong isang linggo niya ay iikot sa pagtatrabaho at ang day-off niya ay hahatitin sa kanyang pamilya at barkada. Bibihira ang pagkakataon na gagawa siya ng gawaing bahay, dahil inaasahan niyang trabaho na iyon ng kanyang esposa. Pero siempre lahat ng iyon ay napapanood ko lamang sa telebisyon noon. At sa paglakad naman ng panahon ay nakakakilala ako ng masasabi kong mabubuting ama.

Pasintabi sa matatamaan…

Bulto-bulto ang mga kalalakihan ngayon na parang nag-iiwan lang ng stain sa damit kong makapag-buntis ng babae. Puwedeng nadala sila sa tukso o tinamaan ng libog pero paano kaya nila matitiis ang bata na galing sa kanilang dugo’t laman na walang makain at hindi makapag-aral.

Buti pa iyong mga step-dad o mga nag-aampon ng bata, nagmamahal ng tunay sa kanilang mga anak-anakan. Talagang saludo ako sa kanila!

Isama na rin dito ang masasabing mga binabae at kasapi ng ikatlong kasarian. Mas okay po kayong kasama kaysa sa mga guys na walang balls!

Minsan nasabi ko na ang katagang “kahit hindi na siya maging mabuting asawa, maging mabuti man lang siyang ama.” Ito ay dahil na rin sa awa ko sa isang batang malapit sa akin. Dapat magbigay ang ama ng sustento dahil pangangailangan iyon ng bata at dapat din niyang pag-ukulan ng panahon ito dahil iyon ang kailangan nila. Kakarampot lang sa mga batang produkto ng broken family ang kayang umintindi sa naging kalagayan nila sa buhay. At ‘di pa masasabi roon kung tatanda silang walang poot at hinanakit.

Maiigi pa ang mga tiyuhin na kahit may sariling pamilya ay tumutulong para mapag-aral ang kanilang mga kamag-anak. Kasama na rin yan ang mga ninong na madaling malapitan financial o moral support man ang usapan. Isa po kayong malaking aginaldo!

Mayroon namang mga lalaki na itinira ang kanyang asawa’t mga anak sa isang bahay pero mga nagbubuhay-binata, nababarkada, panay ang inom, talamak sa sugal, adik sa kotse, gumon sa droga at pambabae ang inaatupag. Wag sana silang magtaka kung bakit malayo ang loob sa kanila ng kanilang mga anak at ang malala ay hindi na sila ituring na magulang ng mga ito.

Nakakatuwa ang mga school teacher o professor na dedikado sa kanilang pagtuturo at nakapag-iiwan ng marka sa kanilang mga estudyante. Hindi lamang sila nagtatanim ng mga leksyon sa araw-araw, nagsisilbi rin silang inspirasyon para abutin ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap. Kayo ang masasabing ama ng mga estudyante!

Ang pinakamasakit na istorya na maririnig ng kahit sino ay ang pagmamaltrato, pang-aabuso at panghahalay ng isang ama sa kanyang anak. Ang ganitong mga haligi ng tahanan ay maituturing na baliw dahil ipinagpalit ang pwesto ang dalawa nilang ulo. Kahit pa nga yung apat na haligi ng bahay kulang pang itoktok sa dalawa nilang ulo e.

Nakaka-touch ang mga rescuers, volunteers, firemen, o iba pang mapagkawang-gawang lalaki na nag-aalay ng serbisyo at donasyon upang makatulong sa pangangailangan ng ibang pamilya. Sobra-sobrang masigabong palakpakan sa inyo!

Para sa akin, ang mga lalaking marunong magpalit ng diaper, magtimpla ng gatas, mag-ayos ng damit o buhok ng mga bata, magluto ng pagkain, namamalengke, nagba-budget ng pera, naghahatid sa school, nagpapatulog, nagtatahi ng damit etc. ay hindi dapat minamata o pinagtatawanan. Dahil higit sa pagganap ng kanilang mga tungkulin bilang mga ama, sila rin ay mga karespe-respetong lalaki dahil marunong silang magmamahal, mag-aruga at MAGPAKATAO!

Mabuhay po sa lahat ng ama, sa magiging daddy, step-father, Ninong, Tito, Guro, amain, at kahit na doon sa mga mukha ng tatay. Hehe!!!

Happy Father’s day kina Uncle Bong, Bangaw, Kuya Obet, kuya Eric, Kuya Janzen, kuya Marlon…. (kahit malamang si Kuya Obet lang ang makakabasa nito.!)

Champorado

Champorado  

Gustong gusto ko ang Champorado,

Hainan mo man ako ng pancit, spaghetti o palabok

Iyon pa rin ang pipiliin ko.

Simple man ang aking paborito

Metikulosa ako sa lasa nito

Kahit nga luto ni Manang Juling, hindi pumasa sa panlasa ko

Ang memorable na champorado na natikman ko?

Ang limang pisong ga-mangkok  ni Manang Guia

Maraming cocoa, tama ang tamis, gumamit ng malagkit at

Higit sa lahat may gata ng niyog

Malinamnam din yun dahil pinolbos ng gatas

Ngunit wala na si Manang Guia, (nasa abroad na no!)

Bihira na rin ang nagtintinda

Kung meron man, naku di ganun kasarap

Sinubukan kong maghanap ng ibang pagkain

Napagtripan ko ang taho, hopiang monggo, kutsinta

Pati na ang bibingka

Pero wala pa ring pumalit sa Champorado

Bakit ba ako takam na takam sa pagkaing ito?

Aking naalala kapatid kong nasa ibang bansa na

Lagi niya akong ipinagluluto ng lugaw na binuhusan ng Ricoa

Para kumain ako… dinadamihan niya iyon ng asukal

Sa halos ganun ding luto ako ipinapakin ni Manang Juling

Ang sa kanya ay bahaw na kanin na bubuhusan niya ng…

Isang tasang mainit na mainit na Milo.

Isang araw aking napagtanto, hindi ko na gusto

Ang ipinapakain nila sa akin

Anung sustansiya ang makukuha ng noo’y

Patpat kong katawan

“Nay ba’t ba lagi na lang Milo ipinakain n’yo sa akin?”

Tanong ko kay Manang Juling

Wala siyang masagot, pero naintindihan ko

Wala  naman akong makakain na iba

Maging ang namayapang si Mang Celing

Mayroon din iniwang alala sa akin

Pinakain niya ako ng  manit na champorado

Nang panahong nilalagnat ako dahil sa isang aksidente

Hay kailan  at saan ako makakain ng masarap na champorado?

   from KitchenCow...

a sad delivery story

16th death anniversary ng daddy ko last nov. 9. medyo bad trip ako sa ginawang celebration sa bahay kasi  naturingang death anniv… eh may videoke at inuman pa.wala naman gaanong problema  dun…  because i’m certified “diva,” ang azar ko lang ay nung makita ko ang mga political people.  hindi naman pala mga invited ay nagsipagdatingan pa doon.

anyway,  dumating ang kumpare ni daddy, kasama ng buong pamilya niya. actually kababata ko ang  3 maria niya… pero nung lumaki kami hindi na kami masyadong close.

ang sad story ay ikinuwento ni nanay kinabukasan.  mayroon pala silang memorable experience ng kumpare ni Daddy nung ipinanganak ako.  ang alam ko kasi medyo comedy ang scene nung chinurva ako ni maderaka kasi sa kotse na niya ako ipinanganak. Dapat nga Conchita name ko (buti na lang natauhan sila bago pa maisulat sa papel).iyon pala may sad part pa doon.

dapat after three days lalabas na kami ni nanay(ganun kasi policy nun ewan ko lang ngayon), pero inabot kami ng one week sa hospital.Hindi kasi kami dinadalaw ni daddy at wala namang pambayad sa paglabas naming mag-ina. Nung dumalaw si  Tito B saka na kami nakalabas.

Sabi pa nga ni nanay , hindi rin siya nakakain ng halos isang araw dahil wala ngang pambili. Wahuhu

Ngayon I know, kung bakit  may pagkaaning-aning ako. Lumabas na ako sa kotse, nagutuman pa… Hehehe.

adorable baby baby feet beautiful
Photo by Pixabay on Pexels.com