3 Personality Traits I am proud of: 6 of 31 Days Blog Challenge

Naniniwala naman akong normal akong babae. Minsan kakaiba lang mag-isip, bumababa ang self-confidence, impulsive, at may iba pang katangian gaya rin ng ibang tao. Sa ibang banda, sa palagay ko sa oras ng kagipitan at pakikipagsapalaran mo talaga makikila kung sino ka at ano ang magaganda o pangit mong katangian.

Personality Trait I am proud: Faith

Alam mo yung word na “bahala na” pero in a positive way?  Bahala na si God kung para sa akin ang isang bagay, basta susubukan at ipagdarasal ko.  Hindi ako relihiyosa o sobrang tindi ng pananampalataya pero I think sa faith ko nanggagaling ang aking hope, courage, and strong will. ‘Pag lugmok ako, faith na lang din ang kinakapitan ko.

paoy church

Personality Trait I am proud: Humility

Gaya ng faith, nabe-bend din ang pagiging humble ko. Madalas nangyayari iyon hindi dahil gusto kong magyabang kundi feeling ko kailangan sa sitwasyon at ipamukha sa isang tao. Siempre hindi ako proud dun at pati na sa pamimsan- minsang kamalditahan ko. May mga tao rin kasing, by default, ay hinuhusgahan ang worth mo ayun sa yabang mo.  Tipong pag nagpaka-humble ka, weakling or plastic ka pa. Pero in general, I think I am humble enough  to accept that I am not rich, beautiful, good and smart so I have to work hard and appreciate yung mga blessings sa buhay ko.  Siguro may ibang term pa na puwedeng i-replace sa humility like modesty pero nevertheless being humble makes me safe, stronger and wiser.

Personality Trait I am proud: Thrifty

Natural na sa akin pagkamatipid, akala ko dati baka kasi wala o limitado pera ko. Pero nung sumasahod na ako at nakakapag-sideline business  na tipong kahit papaano naman ay mabibili ko na gusto ko at konting level up naman, aba talagang di mo ako mapapagastos ng ganun-ganun lang. To clarify, hindi ako barat kundi matipid lang pag alam kong afford at kailangan na talaga willing naman ako gumastos.  Saka parang mas bet ko ang investing kaysa shopping.  Bina-value ko ang isang importanteng aksyon o desisyon kung ito ay investment of time, relationship, or money. Siguro may consequence yung ganito kasi baka guilty ako ng mental accounting, apathy, at analysis paralysis.

 

Waiting challenge: Relax Patient is a Virtue

Okay commercial  muna sa mahaba-habang araw ko ng Gratitude Challenge pero puwede namang extension di ba? Because naisip ko rin yung pagiging busy at pagharap mo sa  mga challenge ay  better than being stagnant, bored, or depressed. Pero sa totoo ang hirap harapin ang waiting and patience challenge sa buhay- buhay.

Recognizing the Problems and Hypothesis  

Waiting for your dream to happen:  Higit kailanman ngayon ko pinakaaasam na magkaroon ng sasakyan, kahit toy car o decent multi-cab or mini-truck lang.  Lately kasi nakakatanggap ako ng bulk order ng aking paninda < check kung ano yun dito> na manu-mano kong  dini-deliver sa Ortigas. take note taga- dito ako kaya effort talaga. Isa pa mahirap din ‘pag may lakaran kasi may senior citizen,  factory maraming bata , at PWD sa amin.  Ang masaklap baka apat na gulong wala pa akong pambili hehehe.  So paano kaya?

rica and the candles

Waiting for decision/ result  – I don’t know if it has something to do with my being Capricorn (in short may pagka-ambisyosa/ daming gusto) or I’m just trying to experience different field. Alam mo yung feeling na bumabalik ka sa pagka-fresh grad because you want to prove yourself. And this time,  parang grade mo lang sa college yung lahat ng pinaghirapan mo na work experiences .

To share din sa mga job hunters,  ang problema sa mga nagko-cross field ay yung thought na dapat i-consider mo na mas lower yung rate  or you really have to embrace yung triple stress kung gusto mo ng competitive salary.  Eh nakaka-tense na willing kang sumugal at iwan yung comfort zone mo and then naka-hang ka  sa matagal na desisyon ng ibang tao na ewan kung sineseryoso ka.

Waiting for Pure Love and Relationship –  naalala ko yung payo ni ate jevs na it’s okay na maglakas loob ang babae kung talagang trip nya ang lalake.  Well, I try that dun sa childhood crush ko. Ayun na-try ko lang isipin at inaabot na ng taon. Hindi ko talaga kaya!!! Siguro nasanay ako sa kakapalan ng mukha ko dati na ako ang nililigawan saka yung pride na rin. Unlike kasi sa lakas ng loob ko sa career aspect , pag-usapang puso at relasyon medyo sagrado sa akin (oh common hindi ako Nene). I don’t play heart games ( solitaire lang) like jealousy, pa-mysterious effect, tukso-tukso at anik-anik. Tell me and I answer right away kung may pag-asa or what. Sa awa naman, sa lahat ng hinindian ko ( reluctant pang sabihin na basted) wala akong pinagsisihan because I believe in my gut. It takes guts to be a Hitokirihoshi, chuz!

I don’t know if this is a stupid reason but here’s my rationale- I respect that even if you are attractive, witty or charming- pag hindi ka type, hindi ka type.  So the waiting challenge there is either to get the signal or get the answer.  Sa akin ibang hamon ko ngayon -secret!

bantay church bell towerPlan and Conclusions: Move on, Keep Going and Pray Hard

Keep going – ano pa nga ba ang gagawin kundi tuloy ang buhay? Tuloy sa pagsisikap para makamit ang pangarap,  mag-aral at magsanay para mapasok ang larangan na gusto.

Move on – Hindi ako human kung hindi ako nasasaktan, napu-frustrate o nakakaramdam ng insecurity. But one thing I’m trying (so hard to) do is to accept the fact there are things/ persons that are not for me. Siguro maging proud na lang that at least I try my best. No regrets!

Pray Hard – Ano man ang simbahan, relihiyon,  kwento’t paniniwala o pagsubok ang ayokong mawawala sa akin o sa mga taong mahal ko ay pag-asa (hope) at paniniwala (faith). Kasi di ka makakapag-move on at makakapagpatuloy sa buhay, kung hindi ka umaasa na pag-asa.

Yo! Mabuhay!

learned behavior

ni ate jevs

1. now is the time – gawin na ngayon para hindi abala bukas, wag matambakan ng papel at maiwasan ang bad exercise ng puso.

2. don’t frustrate yourself – madalas ang nagbibigay sa’yo ng stress ay ang pagpi-pressure mo sa  sarili mo.

3. courage is vitamins, faith is your life support – madali ang panghinaan ng loob pero kung matapang kang i-solve ang yong problema malaki ang chance na malalagpasan mo ‘yon. Kung naniniwala ka, gagawin mo ang dapat kahit mukhang hopeless.

4. plan and act – ideal ang magplano muna pero kung walang aksyon, balewala. iba ang definition ng dream at goal sa imagination.

5. like it! – bago magbunga ng maganda , i like mo ng totoo sa puso mo.  Imagine yung mga nagki-click ng like sa status gaya ng ” I’m broken hearted.” ang labo!

6. bad wish is curse – kung ano ang sinasabi ng yung bibig ay dikta ng iyong puso. Kung ano ang hinihiling mong masamang mangyari, baka ibigay sa’yo. at kapag ibinigay sa’yo, hindi mo na mababawi kung ano ang sinabi mo.

7. letting go is liberating – waste of time & energy kung papatulan mo ang lahat- lahat!

pagninilay sa Christmas & b4 mag-NY

One Little Candle

Sabihin mang mapagpapaniwala ako, pero pina-practice ko talaga ang pagsisindi ng kandila kapag trip ko before or after magsimba. Ang pagdadasal at pagtitirik nito ay ekstrang aktibidad pero habang pinapanood ko ang alab ng apoy dito at unti-unting nauupos ay naghahalo ang dasal, pag-asa at reflection sa aking sarili.

Sa aming prom naalala ko ang palitan ng rosas at kandila naming magkaka-schoolmate habang kinakanta ang One Little Candle na medyo saulo ko pa ang ilang linya.

It is better to light just one little candle
than to stumble in the dark.
Better far that you light just one little candle,
All you need is a tiny spark.
If we’d all say a prayer that the world would be free,
A wonderful dawn of a new day we’d see…
And if everyone lit just one little candle,
What a bright world this would be.

I think hindi ko kailangan pang i-interpret ang simpleng kahulgan ng one little candle sa kanta. Ang mahalag ay manaligt sa Kanya sa kahit sa kaliit-liitan at simpleng paraan. Mahirap an magapa sa karimlan, hindi ba?!

Nawa’y maging momentous and solemn ang ating pag-alala se Semana Santa at higit sa lahat, sa pagkilala sa Kanya.