BUKO PIE!

Buko pie
Buko pie

Ito ang pagkain na pangalawa sa inasam kong kainan kaysa sa ibang handa na nakaihain sa mesa noong birthday ng nanay ko. Nope,  hindi ‘yan luto sa amin kundi pasalubong ng tiyahin ko na taga-Laguna. Actually tuwing nakikita ko yung Auntie ko na’yon BukoPie ang tingin ko sa kanya. hehehe ( bihira kasi magdala ng espasol e).  Yan ang aking pampa-consuelo sa aking nagmamadaling araw na paghuhugas, kasalo ng mainit na kape! wahhhh

Masarap ang dalang buko pie ng auntie ko, the best sa lahat ng natikman ko, lalo na roon sa peke. Paano malalaman kung peke ang inyong binibiling buko pie? Kapag walang tatak na BFAD approved este kapag malauhog ang palamang buko. Pisatin n’yo muna bago bilhin  (hehehe) o tumingin muna sa binili ng iba.

mas maraming buko pie
mas maraming buko pie

Pero usually wala naman siguro nagbebenta ng original na buko pie sa bus at sa kalye kaya doon na kayo sa may puwesto. Since marami na ang nagbebenta ng peke,  ito yung picture (siyensya na kuha cp at natapunan ng tubig) ng karton na binibilhan ng tiyahin ko ng masarap na buko pie.

Mabuhay Buko Pie!

orient's buko pie2

i-click ang pic (below) para makabuko (pie)