Pick 5

Okay for people asking me kung ano ang meaning ng aking drawing sa post kong I,” eto na ibibigay ko na. Maraming salamat nga pala sa mga nagbigay ng komento at doon sa iba na hindi pa nakapagbibigay ay…wala na, sarado na , boooh! ibibigay ko na nga itong interpretation di ba?! Hehehe!

Ang pamagat nito ay “Point of five directions”

hulaan?
hulaan?

Pwedeng tao o sitwasyon ang point na nasa gitna (siempre). Mayroon itong at least five things na pwedeng pagpilian o directions na pwedeng tahakin. Actually, ‘di ko sinasadya na ‘yong dalawang arrow (dapat lalagay ko ‘yong tulis pero naisip ko na ang direksyon ng buhay ay nagbabago so ‘wag na lang) ay mag-cross. Pero tama lang ‘yon kasi may part kasi sa buhay natin (este ako pala) na nagtatagpo talaga ng landas o nakakaapekto sa isa’t isa. Gusto ko na sana i-elaborate ‘yon kaso mas type ko na next year na lang. Basta ang clue ay isasama ko ‘yon sa future entry ko na THANKS 2009!

Samantala, hindi nga ba’t dumadaan tayo sa sitwasyon na feeling natin ay stagnant lang lahat at mayroon din namang na ang dami-daming nangyayari. Subalit, masasabi ring kapag may sinugalang bagay ay may nagsa-suffer na isang aspect at puwede din iyong parang since birth ay maaalat talaga ang pagkakataon.

now is the timeIba-iba ang approach natin sa nailalatag na sitwasyon sa atin. May sige ng sige at mayroon din namang mabagal kung kumilos. Ako, medyo mapag-isip akong tao (obvious ba?!). Gusto ko hanggat maaari ay inaalisa ko muna bago ko umaksyon. Ayoko atang sinisisi ko sarili ko, kasi nagpadalos-dalos ako. Iyon nga lang ‘di sa lahat ng oras ay puwede pang makapag-isip at kahit mag-isip din ay hindi mo talaga makokontrol ang posibleng mangyari.

Humahanga ako sa mga taong nangangarap at tinutupad ang mga ‘yon. Malaki o maliit, ang bawat achievement ay achievement pa rin. Hindi dapat pinapares sa iba at hindi dapat nawawalan. Honestly, dumating ako sa point na ayoko na mag-expect kasi napu-frustrate din naman ako pero pangit naman siguro kung pati ang umasa sa pag-asa ay mawalan tayo ‘di ba?

ice cream yan no!
ice cream yan no!

Kagabi napanaginipan ko na nasa isang forum ako, pick five (parang sa facebook lang no?!) ng kahit anong hit list na trip ko. Doon sa dream ko, naisip ko raw ‘yong bagay na iniisip o ginagawa ko kapag nai-stress/ napapagod/ nalulungkot at kailangan ko ng inspirasyon. Well ito ang mga ‘yon…(as in according sa panaginip ko at sa totoong buhay)

Five na nagpapawala ng aking stress o nag-i-inspire sa akin

  1. Family
  2. Friends
  3. Ice Cream
  4. Sound trip (sa isang lugar na ako lang ang tao)
  5. Videoke / Writng/ Films/ Dancing

Pansin n’yo ba na mahilig talaga ako sa “o,” “/,” at “at.” Ako ‘di ko napansin o nawala lang sa isip ko, puwede ring baka namalik mata ako at ewan ko nga ba.

Wala lang

Hinangad mo, pinagbuhusan ng panahon at enerhiya pero parang wala lang

Pinag-ipunan , ipinagpalit sa mas importante subalit nawalan ng halaga

Napagmamasdan at mahahawakan pero hindi maaaring mapasaiyo.

Malimit sa simpleng trip nanggagaling ‘yan

tapos makakahiligan at yon mapupunta sa pagkahumaling

madalas sa minsan, nabibigyan mo ng rason kung bat mo nagugustuhan ‘yon

pero panaka-naka iisipin mo na sa totoo lang wala ka naman talagang mapapala

subalit dahil ‘yon ang hinahanap ng mata mo at ‘yon ang type ng puso mo

eddie go, bahala na si Batman

Gaya ng isang palabas na pumapalo ang ratings at lumalaylay ang istorya

na depende na sa mga manunulat o manonood kung tutukan pa ito

dadaan din ang punto na mapagtatanto mo na tama nga ba ang ginagawa mo?

dapat nga bang pag-ukulan ng pansin ito o nagsasayang ka lang ng oras?

Sa bandang huli masasaktan ka ba o di kaya’y makaapekto sa iba?

Kahit ikaw ang klase ng tao na praktikal sa buhay

sinisikap na bigyan ng silbi ang bawat sentemong lumalabas sa iyong bulsa.,

o indibidwal na nagpapakaperpekto, parang abnormal na rin kung minsan

kung wala kang ginawa na parang wala lang, hindi ba?

Pero bilang tao na may lohikang sinusunod, alam mo na hindi pwede,

hindi laging dapat ganoon at kailangang balanse ang mga bagay.

Masarap ang sumubok o makipagsapalaran pero hanggang kailan nga ba?

Kapag pati ikaw hindi mo na rin alam kung wala ka na sa direksyon?

Bat kaya sa una pa lang ay hindi mo na pinigilan ang sarili mo?

Alam mong may mas importante at may dapat na asikasuhin

Pero bakit nag-uukol ka pa sa aspetong wala ka naman

inaasahang kapalit o mahihita?

Parte nga ba ng pagkatao mag- trip, magmukhang tanga at maging ewan?

%d bloggers like this: