The Age of Internet: Dial up to Wifi

Internet ba kamo?  Kung usapang technology I think masuwerte ang kagaya natin na nawi-witness yung mga pagbabago at higit sa lahat nakaka-adapt sa pagbabago. Mabuti rin kung nagagawa nating  gamitin sa tama.  Gaya halimbawa ng  pag-record sa tunog ng dial up connection  bilang message tone,  gawing pambukas ng  pinto ang prepaid cards at pagtakam sa mga techie – ang mga gadgets na magic nakakapag-online ka everywhere.

 This is part two  of My Personal Internet Exploration 

Upgrade and Prepaid cards

avi dcor8s my pcAba kung nauso ang upgrade sa mobile phone,  yakang-yaka ito sa  PC.  Mabuti na lang din at naisip  ito ng kuya ko at may kabarkada s’ya na ito ang ginagawa.  So medyo that time na discover ko na ang ibang laro like need for speed , counter strike at iba pa.  Medyo na-enhance ko na rin ang knowledge ko sa Powerpoint, Excel , Paint , and  moviemaker.

Aside sa day job ko, na-try ko rin na mag-part time na  naka-dial up connection pa rin. At para makatipid pa rin namimili pa ako ng prepaid cards na free from 12am to 6am kaya dun ako nagtatrabaho.  Target ko P30 per month. Sulit yang hirap at tipid na yan, dyan ako nagka-tindahan at laptop.

DSL Broadband connection andwifi

Taong 2009 yung natupad ang dream ko na magkaroon kami ng reliable Internet connection. Pinakiusapan ko pa Nanay ko ( Mi Mama por pabor!) na i-avail namin yung connection kasi lalabas na after ng initial payment na may kasama na ang installation at modem ay papatak na dagdag P200 lang per month ang  babayaran ko.  Para lang ma-appease sya dinagdagan ko ng P1000 monthly intrega ko.  Wala rin ang tipid hehehe.  Till now ito pa rin ang klase ng connection ko- yes yung P990.

Dama ko lang ang pagka-atrasado ko sa Wi-fi at 3G lalo na pag may event.  Buti na lang may nabili ako ng second hand cp na may wifi na.

So far, ang gusto ko ay makabili ng pocket wifi at tablet or kahit netbook   para sa aking on the go lifestyle, blogging and online businesses.

Personal History of Internet Exploration part 1

I read Philippine Internet Review book of Ms.  Janette Toral, Migs Paras, Danny Escasa and Antonio Bucu.  Na-enlighten pa ako dito kung gaano na kalayo at kalalim ang Cyberworld sa bansa. Ako mismo parang napa-isip sa aking personal online exploration habang binabalikan sa book ang innovation and inventions sa Internet from 1994 to 2004.  So ito naman ang aking kwento at paniniwala about surfing the Net.

Entertainment then for Study

BooksNung mag-boom ang Internet, isa ako sa mga aba. Walang PC (personal computer) at CP (cellphone) kaya laman ako ng library namin para i-avail ito. Kasama naman ito sa matrikula ko kaya sinusulit ko ang gamit. Ito pa, 3-7 hours/ month lang ang puwedeng i-consume at di ko pa nilalaan sa talagang pag-aaral ko.  Katwiran ko, mas masipag ako magbasa ng books.  Ang paniwala ko pati noon,  synopsis type lang ang info sa internet gaya ng episode guide sa mga series at anime na sinusubaybayan ko .

Since  daming limitations,  paminsan-minsan ay tini-treat ( mula saa ipon ko) ko ang aking sarili at nagpupunta ako sa mga computer rental shops. Wala naman akong naalala na nagsabi ako sa Nanay ko na pinging pang-computer para lang mag-chat , mag-games or etcetera maliban sa paggawa ko ng projects and assignment lalo pa nga’t wala nga kaming PC.

Nag-try ako na makipag-chat   sa kahit kanino from foreigners hanggang sa mga taga-province .  Well bukod sa nahihiya ako na malaman iyon ng mga classmates ko, kaloka rin ako mag-type sa keyboard  para akong may kaaway. Nahilig din ako mag-search ng anu-ano at mag-take ng personality test.  Like kung ako ay member ng X-Men or Avengers sino ako.

Pentium 2 and dial up

avi dcor8s my pcHindi ko alam kung naloko Nanay ko, gusto n’ya lang makatipid or di s’ya aware. Basta biglang isang araw pagdating ko ng bahay ay may PC na kami na Pentium 2.  So try to imagine yung higante at dumihin na white monitor, CPU at maingay pa rin keyboard. Pero tiniis ko yun at ipinagpasalamat, bigay yun ng Nanay ko e. Bale 10, 000 pesos yun kasama na ang chairs and table.  Saka tulong na rin kasi kung typing lang naman ay puwede na.

Nadama ko lang ang pasakit noon nung mag-start na ako mag-work. Bumubutas na ako ng bangko sa  pagre-research , email  at iba pa.  Dagdag na rin  sa pag-i- imagine mo  ay yung paggamit ko ng dial up.  Doon na ata ako nag-start tumaba, masanay na magpuyat pa at aralin ang simple troubleshooting. Thank God maayos pa naman ang vision ko kahit  pa umaabot din ako sa point na pink na ang kulay ng monitor.  At ito pa, wala akong printer so  gastos din.  So isa ako sa mahilig mag-adjust ng font size at style para lang maka-save ng page. Hanggang ngayon gawain ko pa rin yan.

abangan ang Part 2 😉