Monolougue: Qong Eno Man Eon

I

May gusto kang gawin na nais kong malaman pero

tinatanong kita, hindi mo ako masagot

Gusto mong subukan ang naiibang bagay pero

Ayaw mong gawin dahil ikaw ay natatakot

Ikaw ba talaga ay may inaasam o patutunguhan

Sagot mo naman ay oo subalit hindi mo pa lang alam

kung ano eksakto at paano

payo ko naman ay dagdagan mo na rin

ang tanong , kailan?

II500 post

Batid kong malakas ang iyong personalidad

Kita naman sa dami ng iyong abilidad

Pero bakit puso mo’y may agam-agam

Isipan ay nababalot ng pag-aalinlangan

Para kang Reyna na nakaupo sa trono

na nagkutkot ng kuko sa daliri

kinakagatat  ang pang-ibabang labi.

Alam mo ‘yong nasa iyo na halos lahat

Ayaw mo lang umasta nang ayon sa nararapat

IIIKorean's Traditional Bed

“Tantanan mo ako, buhay ko ‘to

Mahirap ipaliwanag

mukhang magulo …

damdamin ko ay emosyonal

kokote’y tulirong-tuliro

pero Qong Eno Man Eon

hinahanap ko, ako lang din ang

makakatuklas noon ,”

tugon mo sa pag-uusisa ko.

Masasabi ko lang

Ei One Quo Seo

More power and mabuhay na lang!

His Name is Destiny

business ideasSa udyok ng Kuya ko, pinilit kong wag maniwala sa hula.   Sa nabasa kong  parusa sa mga nanghuhula sa Divine Comedy: Inferno ni Dante  Alighieri, natakot akong maniwala. At hayon noong college, kakapakinig ng radyo tuwing hapon habang nagtitinda ng suka, toyo,itlog at ano pang anik-anik, nagpahula ako sa isang sikat na psychic. Hindi pa natapos yan, na-try ko rin sa Quiapo at nito ulit Sabado.

Change your Course or else

Hindi ko na sya papangalanan pero sikat siyang manghuhula.  Dahil wala naman ako magawa ng hapon na iyon tumawag ako sa kanyang programa. nagtanong kung ano ang mangyayari sa akin after college at kung matatapos ko ang nakuha kong course. Sabi niya hindi at maiging magpalit ako ng kurso dahil hindi ito nababagay sa akin o hindi ko ito matatapos.

aba siguro may isang linggo rin ako, dinampian ng agam-agam  dahil sa hulang iyon. biruin mo mula grade 3 pangarap ko ng kunin ang propesyon ko tas di daw bagay sa akin.  natapos ko naman ang college course ko at  kung ano man yun ay gamit na gamit ko pangbuhay sa sarili at pamilya ko.

Wait for your Promotion

dahil 50 pesos lang at gala mode kami ni Syngkit that time, nag-try ako magpahula sa gilid ng church ng Quiapo. Ang sabi maghintay lang ako at mapo-promote ako at makakapag-abroad ako.  hmmm kung alam lang n’ya kaka-end lang ng contract ko noon at naghahanap ako ng bagong work. hehehe!

Your destiny is to be a single

sa lahat ng nagbigay sa akin hula, ito libre at walang eklabo kasi  kakilala ko at kusang ibinigay. ang sabi ay parang inadya na maging single ako.  Ouch!  tinanong nya kung may balak ako mag-asawa. Of course!  sabi niya dapat hindi ako papatay-patay at ako na  gumawa ng paraan kung like ko na ang isang lalake.  Baka umalpas pa siya. kung sino mang syang mokong na s’ya. Shoot!  Passive ako e, expressionless , at hindi lang old fashioned- boyish pa. musta naman?

sa description n’ya parang may naisip ako na papasa pero puwede ring hindi. sabihin na natin baka yun nga. eh hindi ko naman maatim na sabihin na. “hoy pare baka match tayo!” errr!

hindi ko alam kung tama, kung totoo o kung kailangan ko ring lumandi-landi paminsan-minsan, pero parang akong naglagay ng maskara at naghubad ‘pag ginawa ko ang isang bagay na hindi ako.

so ang hula ko ay ,

magkikita rin kami ng ka-match ko, hindi dahil sa nilagawan ko siya at nagpanggap ako. Iyon ay dahil wala lang, love na namin ang isa’t isa.

wait may papalitan ako na word, so again!

so ang panalangin ko ay ,

magkikita rin kami ng ka-match ko, hindi dahil sa nilagawan ko siya at nagpanggap ako. Iyon ay dahil wala lang, love na namin ang isa’t isa.

Napagtanto ni Bunso

Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!

Dear Ate Jevs,

Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana.  Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo.  Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest.  May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.

I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past.  Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa

Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.

Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya.  But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama.  Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.

Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.

May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito,  na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat.  At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.

Sincerely,

Nemitz B.

Dear Nemitz,

I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.

Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao.  Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.

Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!

Ate Jevz

Head to Toe: Sparkbook

Dear ate Jevs,

Nai-inspire po ako na gumawa ng scrapbook dahil na rin sa impluwensiya ng aking isang ma-pink na kaibigan. Ang dami-daming ko pong ideas pero nito ko lang po naisip na bakit ‘di ko simulan sa mga photos or things na magbibigay sa akin ng inspirasyon o yung tinatawag na sparkbook po, ayon nga sa isang website na nakita ko po.

Excited po akong simulan ang aking sparkbook, in-organize ko na lang po ang mga gagamitin ko at kung paano ko ilalagay ang mga iyon. Kakaisip ko po, dumating ako sa point na ‘teka ganito na pala nangyari sa mga pinagarap ko po noon at ano nga ba ang gusto kong gawin five or ten years from now.

Na-realize ko po na may mga bagay na kung ano yung ginusto ko po, yun ang nangyari at may mga type ako pero iba ang ibinigay sa akin. Halimbawa, may isa akong gustong-gusto na company na pagtrabahuan nun pero ang nangyari po, sa kalaban nun ako napadpad.

Parang ano po, yung mga natupad kong pangarap, talagang pinaghirapan ko po talaga. Sa start, lakas loob lang hanggang sa ipupursige ko na po kasi kailangan ko nang pangatawanan. Gaya nung kunin ko ang course ko. May iba po kasing gustong ipakuha sa akin yung family ko po.

Minsan naiisip ko po na, ano ba talaga? Yung pangarap ko po ba kailangan kong ipursige o hayaan ko na yung fate or destiny na lang bahala?

Gumagalang,

Karerina Go

Dear Karerina,

Naku iha! Tlgang nkka-aliw ang mga gnyang kbgayan, from diary to blog and scrapbook ay talagang maganda to express urself. Parang type ko na rin gumawa nyan.

Anyway, ur ryt sa iyong sentiment re sa mga dreams. But I think sa ganyang area may mga things na need mo tlgang pghrpan and may iba na ipaubaya mo n kay Lord! Just do ur best and hayaan mo sya ang gumalaw for u.

In a wei mllaman mo rin kung umbot k n s end pra i-pursue p ang type mong gwin. I remember yung isa kong na-interview na directress sa isang reputable school sa Makati. Ang claim niya , “enabler” daw siya. “I don’t want to wait for things to happen, I make things happen,” sabi pa nya s ‘kin I admyr that woman, knwing din her humble beginnings.

So don’t give up sa iyong mga endeavors, I think bata ka pa kaya go lang ng go!

Ate Jevz