Ano bang problema mo ngayon?

I read my two old diaries na nabuno kung nung time na I was graduating to my  job hunting mode to finally landing in my first work.  I was very problematic then- like now- pero ito lang masasabi ko at least iba na ang problema ko ngayon. Nega? No I think, it’s positive.

Your problem now should not be your problem in the future

Call me jologs, geeky or praning but I  still use diary as my therapy ( yes with my therapeutic claim hehehe) sa aking anger management,  frustrations, doubts, fear and siguro to appreciate life. To cut it short, mas madalas akong magsulat sa diary kapag galit o problemado ako.

read my other site  aspectos de hitokiriHOSHI

Sa pagbabalik tanaw ko sa aking sarili,  halos maisip ko noon na may depression na ako. You know, pressured ako to find job, to practice yung pinag-aralan ko, at magkaroon ng sapat na sweldo.  At ito pa dahil tambay si Inday, problema ko na rin yung mga problema ng mga pinapanood kong karakter sa telenobela. Musta naman ang magkaroon ng Taiwanese and Korean series of problems?gyeongbokgung palace

Hindi stable ang income and work ko  lagpas one year mula ng nagtapos ako.  Nandoon yung halos magsisi na ako kung bakit ba yung kurso ko ang kinuha ko, yung sensitive ako  sa tingin ng ibang tao, at di ko kailangan ng graph dahil alam ko na below sea level na ang confidence ko.

Lahat dina-diary ko, idinadasal ko at pinipilit ko sa sarili kong kokote na kaya ko ito.  Iyon na rin ang nabasa ko mga sinulat ko and congrats younger Hoshi! Ikaw na ang Survivor!

Discover your true rival

Sa totoo may mga gusto ako na tingin ko ay problema dahil hindi ko pa  nakukuha. Ganito talaga ata ‘pag Capricorn, ambisyosa!  Hindi ako nawawalan ng aims sa buhay pero marunong akong magtiis kung ano muna ang nariyan at magpasalamat sa mga blessings na dumarating (defensive pa ang ambisyosa huh!)

Love Padlock, N Seoul TowerPero  isa sa nakikita ko sa younger  at present Hoshi ay she’s trying not to focus sa mga insecurities niya sa ibang tao. Mas gusto niyang mag-discover ng mga exciting and challenging fields na kahit parang isang malaking kahibangan sa iba.  Malay ba ng iba na nagse-self study at nag-attend siya ng workshops tungkol sa digital marketing, online selling,  SEO, business, personal finance at kung anu-ano pang  malaking kalokohan ( sa mga  ayaw matuto).

Btw, I’m determined to make this township be knownLancaster in Cavite

Siyempre mayroon iyong klase ng suliranin na tanggap mo gaya ng pagbabayad ng monthly bills, kakainin mo araw-araw, etc. Ito pa nga masaya, yung problema ko hindi na puro career kundi may kasama na ring business.  I think iyon ‘yon eh!

when you try to find answers to your questions that’s one thing and when you look for another  challenge – that’s additional problem-solving.

I came to a point that I’m asking myself what I’m going to do with my life aside sa pag-iisip sa love life. Mula ako sa class C family at kung di ako maghahanap-buhay ay walang mangyayari sa akin. Saka nakakasawa na rin yung naghihintay ako sa kung ano ang ibibigay o ititira ng iba sa akin.  Pasensyosa akong tao pero hindi ako martir, nasa-satisfy ako pero hindi ako nakukontento.  I have to solve yung problema na nagiging reason bat ako nade-demoralize.

Hoping to  remember my Happy self… in coming years

Letters in a case 3Simple lang naman ang bawat pangarap natin- ang maging masaya, Hindi ba?  Pero ano bang nagpapasaya sa atin at ano ang nagdudulot para hindi natin maramdaman ito? Lintik problema na naman.

Sa paglipas ng panahon, i  always strive to become better kahit parang hindi nagiging better or nagiging  iba sa what I expect before.  Pero ito lang masasabi ko, okay lang sa akin tumanda pero gusto kong tumanda na Happy and Lovely kahit may problema pa rin.

Taray di ba? Problemahin mo ‘yan.

Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist!

Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist! Kini-claim ko that I’m an ambivert. I hang out with my friends and colleagues. Occasionally, I tr…

via Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist!.

Old school

Bumisita ang isa sa aking pinakapaboritong pinsang lalake (2 lang naman sila). Paborito ko siya kasi bukod sa magandang lalaking tulad ko (chuz!) ay nasasakyan niya ang mga ka-weirduhan ko. Siya lang naman ang pinsan ko na naglakas loob na pagdamitin ako ng gown sa kasal niya bilang abay …wadapak!

Anyway, sa gitna ng inuman nila ni kuya saklay ay natanong niya sa akin kung may opening sa opisina. Sa isip ko, caregiver yung tinapos niya kaya sabi ko tignan ko, pero sa pagkakaalam ko babae yung pina-priority sa amin. Nakalimutan ko na nursing nga pala siya. Eh d ba pag tapos ka ng ganung course eh amoy dollar ka na..

At dahil mana sa akin na mahilig sa hirit, sabi niya kung pwede raw yung work na linggo ang pahinga. Mayroon daw kasi siyang nahanap kaso yung day-off eh Monday to Friday… ano intindi nyo? Sabi ko, hanep na trabaho iyan dalawang araw lang ang pasok. Iyon pala mamimili siya ng day-off alin sa mga araw sa weekdays.

sa bagay pamilyadong tao na ang pinsan ko kaya siguro yung sun inaaalay na niya sa pamilya niya (Eh trabaho nga, iyon kaya dapat siya muna ang mag-adjust lalo na kung desperado na.). tapos maya-maya nabanggit niya “old school na kasi.”

Nag-sink lang sa kokote ko ang ibig niyang sabihin kinabukasan…napag-alam ko kay manang juling na hindi pala siya umuuwi sa bahay nila dahil wala siyang trabaho. Hiya na rin siguro, habang wala pa siyang nahahanap. Naisip ko lang na tapos nga siya pero nahihirapan nang maghanap ng work dahil sabi nga niya 2 years lang tanda ni Kuya saklay sa kanya. Eh si kuya saklay 10 taon ang gulang sa akin.

Nung lumalamon kami ni kuya saklay ibinahagi ko sa kanya ang aking sentimyento. Ikako, magkapareho sila pinsan at ang isa naming magaling na kapatid … nung panahon na nag-aaral sila ay mga nagbulakbol, hayun dekada na sa school hindi pa rin nagsipagtapos. Nakakalungkot lang isipin na kung kailan gusto na nilang magbagong buhay, magpatuloy sa pag-aaral at umasa ng magandang trabaho ay medyo malabo na. … (naks palalim na ito!) ngayon pa naman na tumatayo na sila bilang padre de pamilya.

Marami sa lugar naming ang gaya nila… at alam kong maraming kabataan din ang tinutularan sila… yung hindi nakinig sa “Time is gold,” “conserve energy (money),” study your lesson and be good,” etche tira!!! Panakot ko nga minsan dun sa magaling naming kapatid yung kapit-bahay namin na inaaway ko kasi kinakana yung doggies namin…wala na siguro makain. Alam mo yun…. Yung nabubuhay sa kung anong darating… hindi nagsusumikap sa buhay…

Naaalala ko noon, sinabihan ko rin ang magaling kong kapatid na kahit naman di mo iwan iyong pagbabarkada mo basta siguraduhin mo man lang na napapasa mo yung mga subjects mo. Siempre pa, hindi siya nakinig… mas matanda siya sa akin e.. pero nare-realize niya na ngayon na tumpakers ako… yung isa ko ngang ka-barkada, kababaeng tao tumatalon sa pader para lang mag-cutting class at ng makapag-arcade sa ever, eh nagkaroon pa ng honor. Katwiran niya pag may exam naman daw eh tumataas ang bakod sa school.

Alam ko na marami diyan ang nilalamon ng guilt, pity at ang pinakamatindi yung low self esteem. Yun ang dahilan ng kanilang depression na nauuwi sa pagpapatihulog sa billboard sa edsa sa may tapat ng isang giant TV station. Pero, kung iisipin naman talaga… wala silang dapat sisihin kundi ang sarili nila…lalo na kung may ipang-aaral naman pero ginamit sa mga kabulastugan at kababalaghan. (naku lalong na-depress choriii!!!)

Masarap kotongan pero huli na para mga “old school.” Kapag nakakausap ko sila, sinasabi ko na “fight lang” kahit naman ikako sa mga tapos at fresh na like me… eh dumaan din sa mga chiverlou at chinilin china eklabu. Yun nga lang kailangan nilang doblehin pa. Wish ko lang talaga na matuto na ang kabataang Pilipino…(naks!) sa mga naunang pasaway sa kanila.