The right choice of word? a DICTION?

(Note: Fine isulat o hulaan ang correct term o sagot sa inyong comment…yon ay kung may tama ka!)

 

Gigabyte

Baradong-barado na ang inidoro dahil hanggang 1gig (gigabyte) lang ang capacity nito.

Coming- out

“Sir coming out ka na ba (CR), going in na sila sa ibang store.”

Flyover

Kataka-takang may namamatay sa highway na ‘yon, eh ang dami-dami namang flyover para sa mga tao.

Professional

Ati: Hindi ka naman marunong maglaba pero ang mahal mo naman maningil?!

Hoshi: Professional ako e, kahit hindi ako marunong maglaba.

Diamond

Ilang gramo ng diamond ang nasamsam n’yo sa kisame n’ya?

Tipak

Bumili ng isang tipak na tawas si Oswaldo sa Aling Yska Sari-sari Store

Tumpok

Mahilig humithit ng isang tumpok na sigarilyo si Patrash bago siya naging suki sa Lung’s Center.

Sinagi

Sa salaysay ng saksi, nasagi lang ni Dioning si Quatro bago ito nalaglag sa underground floor mula sa roof top.

Sinipit

Matapos ang matagal na pagkakalayo, nagsipitan ang masyota nang magkita sila sa airport.

Being ambitious, bad or good?

Nagpatulong sa akin ang isa kong kapatid na turuan ang pamangkin ko sa  assignment niya. Reading comprehension iyon at ang kwento ay tungkol sa isang kalabaw na kulang sa pansin kaya nagpunta sa syudad at gumawa ng gulo.

Doon ay nagtampisaw siya sa putikan, naglaro sa playground (mantakin n’yo) at iba pa. Ginagawa nung kalabaw ang mga ‘yon para magpasikat na ikinatutuwa naman niya pag may nagre-react kahit ‘di maganda. Bandang huli, balik farm (farmtown or farmville?) siya at  napag-isipan nyang mahal siya ng kalabaw family dahil laging pinag-uusapan ang adventure niya sa city at pinapansin siya.

Aaminin ko, hindi ko gusto yung kwento bilang mambabasa at bilang tiyahin parang wala namag iniwan na aral sa pamanngkin ko ‘yon. Basta yung kalabaw, ibinalik sa farm kasi she made people angry. Pero tuloy pa rin sa pagiging KSP niya. In short, walang redeeming value.

Ngayon dun tayo sa sagutan portion, bukod sa medyo complex sentence ang nako-construct ko (eh kinder pa nga lang yung pamangkin ko), nahirapan ako sa last question na parang… kung ikaw yung kalabaw, gagayahin mo ba yung ginawa n’ya? Masama ba ang maging ambitious?

sinong ambisyoso?
sinong ambisyoso?

Ewan ko kung nagkaroon ako ng hormonal imbalance, nag-low blood ako dahil puyat ako noon o talagang tinupak ako sa pagsagot. Ang una kasing tumoktok sa kokote ko ay natural hindi gagayahin yung kalabaw pero para itanong na masama ang maging ambisyosa, parang sobra ‘to ah!

Ang dating kasi sa akin ay “no” dapat yung sagot at yes it’s wrong to be ambitious.” Eh hindi naman masama sa akin ang maging ambisyosa. Ang masama ay yung karakter sa kuwento. Magbigay ka ba naman ng bad example, magiging masama nga. At sa pagkakaintindi ko talaga ay hindi rin naman yun ang parang tinutumbok dun e, baka yung paghahanap ng wala ka o kawalan ng satisfaction?

Tingin ngayon ako sa dictionary.com kung ano ba ang eksaktong pakahulugan sa ambitious…

1. having ambition; eagerly desirous of achieving or obtaining success, power, wealth, a specific goal, etc.: ambitious students.

2. showing or caused by ambition: an ambitious attempt to break the record.

3. strongly desirous; eager: ambitious of love and approval.

4. requiring exceptional effort, ability, etc.: an ambitious program for eliminating all slums.

Wala talagang masama sa pagiging ambisyosa, baka ilusyanada pwede pa. Saka sumasama ang bagay kung mali ‘yong ini-aim mo at mali yung paraan mo. Dagdag pa roon ay mga tao sa paligid mo, malamang kasi may inggit factor kaya yung pagiging ambisyosa nagiging masamang ugali.

Alin ba ang mainam, ang nangangarap kahit mukhang imposible o wag nang mangarap kasi imposible?

Hindi rin naman siguro magandang pamantayan para masabing mahal ka ng pamilya mo ay dahil palagi ka nilang pinapansin, gaya nga ng sinasabi sa kuwento. Ni wala ngang sumita sa kalabaw na “hoy hayop ka mali ang maging KSP, bawal ang maglakwatsa sa syudad ang kalabaw at huwag kang maghanap ng pansin dahil love ka naman dito…

Ayokong husgahan yung buong libro, dahil noon ko lang nahawakan yon at baka marami namang magandang bagay na makukuha doon. Pero hindi ko talaga type yung pagkakasulat at pati yung question and answer portion na nabasa ko. Sabihin mang ambisyosa ako!

%d bloggers like this: