When You Finally Say , “I Made the Right Decision”

candle Gusto ko sanang title for this post  ay how will you know if you made the right decision. Pero hindi na, bawat  tao naman ay may kanya-kanyang realizations sa buhay na minsan masasabi na lang n’yang  ‘ay tama pala yung nagawa ko’ kahit hindi naman iyon ang una niyang  plano. Kaya naman ngayon nangangati lang akong magkwento na baka maka-relate  o may opinyon ka sa isang moment na nasabi ko buti na lang naglakas-loob ako and “I made the right decision.”

Noong last week of June ay dumaan ako sa building ng dati kong pinagtatrabahuan.   Gaya ng dati nanumbalik yung mga alaala gaya ng:

  •  mag-isa akong kumakain.
  • nagmamadaling pumasok kasi traffic at maraming tao
  • yung spots na feeling ko mukha akong ewan at naghahanap ng puwedeng gawin
  • yung pagkakataon na malungkot na ako
  • yung pagkakataon na pinipilit ko ang sarili ko na kailangan ko ang trabaho na ito dahil sa sahod at  sa matutuhan ko.
  • yung mga sandaling nangangarap ako na magnegosyo at mag-freelance
  • yung gusto ko naman gawin yung mga hilig ko at hindi ako puro trabaho
  • at higit sa lahat magamit ang oras ko para sa mga bagay at taong mahalaga sa akin.

Definitely naman, wala akong sama ng loob sa company na iyon o sa mga kasamahan ko. It just that in my heart, give up na ako sa ganoong scenes o lifestyle.  Fast forward noong June…

Nasa bus ako noon at galing sa isang freelancing or telecommuting job nang dumaan sa lugar.   Alam mo yung medyo pumitlag ang puso mo sa tuwa,   gustong humiyaw ng kokote mo ng “MABUHAY,”  at sobrang thankful ka kay Lord dahil hindi ka niya pinabayaan sa journey mo. Kung di man tumagal iyon sa kahabaan ng avenue na iyon, sa buong biyahe ko pag-uwi.

 But of course, yung opportunities or dream ay hindi natatapos sa pagkamit ng mga ito. Dapat pinag-iibayo rin ang pagpapahalaga, pagpapatunay na karapat-dapat ka sa  mga ito at  pagbabalik ng gantimpala sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat at pinakamahusay na iyong magagawa.

Isa pa rin kasi sa  reason  ng pagpi-freelance ko ay  para masubukan  ko ng first -hand ang pagnenegosyo. Hindi ko kasi magagawa iyon kung kung full time ako , although sabi nila pwede  naman.  Ang idea ko kasi ay hindi lang magkaroon ng ekstra ng kita, kundi makabuo ng established company or  business. Nitong July; after months  of struggle  ng where I can get my business capital, if I am ready for this, or what; ay nakapuwesto na rin ako sa masasabi kong sarili kong store. Gustong-gusto kong ipangalandakan sa Facebook yung business permit ko hindi dahil sa yabang kasi yung tuwa ba na finally nagawa ko na… kahit nasa first step pa lang ako.

Well  matagal naman na akong nagsa-sideline business ( I offer Pampanga’s Best, Kettle Korn, LoadXtreme, Unified Products and Services at iba pa)  pero iba  ‘pag sarili mo ng ref, istante, mesa at puwesto yung pinaglalagyan mo.  Parang konkreto na,  hindi na lang siya lista sa papel.  Claim na nga ngayon,  ay hindi  na ako work from home kundi work from store.   Talagang pina-ayos kong combo ng home office at  semi store. Masakit sa bulsa at  nakakakaba rin kasi nga dagdag din ito sa intindihin ko. Pero sige susugal ako- parang freelancing din.  Kung magkakamali man ako, ngayon na! Para masagot na ang mga tanong ko, ngayon na!  At para matunton ko ang daan sa mga pangarap ko, agad-agad.

By the way, I find this bible verses, from James 1:6-8 , perfect for this post and for someone I know.

But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind.  That person should not expect to receive anything from the Lord.  Such a person is double-minded and unstable in all they do. 

 

Nurture an Idea and deliver it soon

May mga  idea tayo na parang maganda pero minsan napag-iisipan din nating stupid. Gusto nating subukan pero kung may chance ay para bagang pumapasok yung thought na baka it’s impractical.  Sa huli ay isinasantabi rin natin yung magandang ideya at nanahimik sa kung ano yung nandyan…yung ano ang nakasanayan at yung alam mong secured ka.

Pero may mga time na may bugnot factor, burnout at rant  ka ng rant because hindi ka napagbibigyan  sa gusto mo. what’s the fuzz? In the first place you know exactly kung ano ang puwedeng mangyari dahil oo “nandyan ka sa nakasanayan at alam mong secured ka.”  Naiintindihan mo ang bagay-bagay pero hindi mo inuunawa. Bakit? Kasi naglalaban na ng puso at isipan mo.  Sinasabi ng utak mo dapat dito ka, sabi naman ng puso mo may iba kang gusto.

switch

What’s the big factor para sa iyong decision-making? TIME. you’ll lost money but you can regain it soon. You have great energy now but it may fade soon. You may feel that you are the stupid person on earth sa pag-iisip ng isang impractical idea pero marami ring nag-isip na weird sila Steve Jobs, Albert Einstein, Mark Zuckerberg. Sino ang nakikinabang sa kanilang ka-weird-uhan, ang mga nagsasabing sila ay practical.

Kaya ikaw, hitokirihoshi don’t stop hanggat hindi mo nahahanap kung nasaan ang puso mo. Maiigi nang madapa ka sa pagsubok kaysa nakatayo ka nga pero unti-unti kang natutumba.  Mabuhay and God Bless sa iyong planong business.

Solitaire

Wala pang ibang games si Hugh Will (pangalan ng notebook ko) kaya sa ngayon kapag nababato ako, naglalaban muna kami ng chess at naglalaro ako ng Solitaire.

Kahit gaano ko ito katagal na laruin at ulit-ulitin ang Solitaire, hindi ko pa rin makuha ang right na technique para manalo. Kapag sinasabi ni Hugh na wala na akong magandang maimo-move magbibigay siya sa akin ng 3 choices (play again, restart this game and exit). Sa determinasyon ko na ma-solve ang pagkakasunod-sunod ng mga baraha, pinipili ko ang ikalawa. Kaya naman same na baraha ang sisimulan kong ayusin pero kailangan maalala ko ‘yong mga posibleng magandang move at baguhin ang mga pagkakamali ko.

The life you live is the result of the many choices you make in life.” – Dean Pax Lapid & Ping Sotto (Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business by Joey Concepcion).

Napagtanto ko na kahit gaya ng Solitaire na may tsamba-tsamba ang manalo,  hindi lamang sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng kapalaran ang magiging depenisyon ng iyong buhay. Sa bawat desisyon na iyong pinipili dun mag-uugat ang mga susunod pang magiging takbo ng iyong laban sa buhay. Subalit, ang pinagkaiba lang ng Solitaire sa ating mga sarili ay hindi na tayo na puwedeng mag- play again o mag-restart ng game. Ang magagawa mo na lang ay magsimula ulit ng bago o kaya um-exit kapag talagang loser ka.

Risk factor

Isa ako sa mga taong may pagka- inconsistent at may pagka- indecisive. Hindi ko na kailangan ng taong magsasabi sa akin para kaasaran ko ang sarili ko dahil matagal ko ng na-realize ang kabagayan kong ‘yan. Pero isa lang masasabi ko, kapag umoo at kinuha ko na ang responsibility gagawin ko ang lahat para ma-fulfill ito.

Signs. isa ito sa strong point ko to explore yung possibility. Ang hirap mag-decide so play na lang sa situation. “kung-ganito-eto o kapag-ganyan-siya –eto” ang scenario. Puwede ring through panaginip or ilan ang taong naka-color blue.

Mood. May mga days na feel ko ang intense, energy at passion pero mayroon din na kahit nandoon lahat ng rason nagdadalawang isip pa. at kapag may hindi ginawa, buong week  pinag-iisipan yung what if. At mayroon ding point na masasabi ko na ‘sabi ko na nga ba e dapat naniwala ako sa instinct ko.” from 1 to 10, 6.5 yung di ko papatusin ‘pag una pa lang nagdadalawang-isip na ako.

Opinion. Parang tanga pero humihingi ako ng opinyon ng iba kahit alam ko sa sarili ko kung ano gusto ko. Parang naghahanap lang ako ng taong magbe-verify ng desisyon ko. pero kung madami naman ang magsabi na taliwas dun sa trip ko, nakikinig naman ako. Hindi ko lang sinusunod hehehe joke!

Prayer. Aminado ako na may instance na I  pray but I don’t listen and I don’t completely believe na puwedeng mangyari. Siguro one thing ng pagiging adult ay yung too much exposure  sa harsh reality na ayaw mo ng maniwala sa possibility or chance. Ang ipinagpapasalamat ko ay kahit ganoon ay sa kakarampot na paraan at kakaunting tao ay may napaghuhugutan pa rin ako ng lakas ng loob. Kasi di ba kapag nag-pray ka nagho-hope ka at hahayaan mo SIYA ang maging manager mo. Basta ie-execute mo lang dapat as a talent.

Note: Ganyan talaga ‘pag may ibang involve dapat pinag-iisipan. Sana mag-prosper ang bago kong tienes. Mabuhay!